"Ano 'yan?"
Sa isang maliit na espasyo sa pagitan ng mga kaklaseng nagkulumpulan ay pilit na isiningit ni Nari ang sarili niya. Parehong bumaba ang tingin namin sa lamesang unti unting nalalagas ang pagkain at kung bakit, dahil 'yon sa kagagagawan ng mga kaklase ko.
"Seryoso ba 'yan?" Eris popped beside me. Wala salita ang lumabas sa bibig ko.
"Luh, bastos 'to oh, 'di man lang nagyaya. Ako rin!" Si Nari at hindi na napigilan pang makisawsaw sa mga kasamang may bitbit na tupperware para limasin ang mga natirang pagkain.
We held a party for our class and the food was overflowing. Lahat sila ay nagdala ng kanya kanyang ambag kaya ngayon ay hindi magkamayaw sa pagbabalot dahil masasayang.
It was a combination of homemade foods and those that could be bought from different local manufacturers.
"Last day na natin ngayon."
"Oo nga. Guys gusto niyo bang gumala after nito?"
Kinalabit ako ni Eris at inginuso ang pinto. Magkasabay kaming lumabas doon habang tahimik na nakikinig sa pinaplano ng kaklase. Nilingon ko si Wina.
"Sinong kasama?"
"Kung sinong available. Mukhang may lakad din yung iba nating classmates e, guys magsama kayo ng mga kakilala niyo! Nagrent kami ni Krina ng resthouse d'yan lang sa kabilang city!"
Oh, rich things. Tamang renta lang.
Saan naman kaya 'yon?
It looks like Eris knew what was running inside my mind. "I heard Krina's family has a private property near the mountain side. Daming rest house dun, dumadaan kami minsan kapag umaalis."
"Talaga? Maganda?" Hindi pa ako nakakapunta doon kaya 'di ko napigilang magtanong. 'Di naman kasi ako palaalis. Even though part of me wants to travel, I'm cashless.
"Yup! Modern and vintage designs. Uy sakto! Sama natin si Pao, Krina!"
They agreed to it kaya naghiwa-hiwalay muna ang grupo namin para maghanap ng mga pwedeng makasama. Magkakakilala naman na kasi halos lahat since majority of us were in the same class in junior high.
Ryu waved his camera at us and motioned for us to pose for the pic. Eris smiled, and I did the same—not as pretty as her. It was a stiff smile.
Bumagsak ang tingin ko sa paa. It was Nova's closing party as well and she borrowed my flat shoes. Pinagpalit niya ang samin kaya suot ko ang takong na nahanap ko sa bahay.
It felt uncomfortable. Nangangalay ang binti ko at masakit kapag hinahakbang ang likod ng paa.
"Nini?" My eyes found their way to Dreo, who was waving at me. Qin, Dane and Celi were behind him, and they were all heading to me. Wait, scratch that, they were all heading towards our group.
"Hello!" I raised my voice in a slight, lively tone to make sure I wasn't being snobbish. They nodded at me, then proceeded to talk to the boys in our class.
"Ah dun ba? Uy sama kami. Boring ng klase namin e, perya amputa."
"Tanga, suki ka lang kasi doon kaya ayaw mo na."
Oh, they're at it again. It was Celi and Qin who were busy bickering.
I wonder where is he? Itong mga 'to lang naman ang kasama niya palagi e. Isa pa 'tong si Pao, kanina pa hinahanap wala rin.
"Oy! Lapit dito picture picture muna!"
Sa gilid na bahagi kung saan walang dumadaan ay tuluyang nasakop ang pwesto. Kanya kanya ang pag-awra sa camera at ginawa pa talaga nilang photographer ang kaklase naming hindi papayag na hindi makasama sa picture taking.
BINABASA MO ANG
Field of Carnations (Solace Series #1)
RomanceInside a designated lifespan, it won't be full of sunshine. Even daytime could be a living nightmare too. Is it even possible to spend a day where you'll just be lying on your bed, having the greatest time with yourself and your friends? Well, for H...