"It's been years, Nova. Ang laki mo na ha! Where's your father?"
Kasabay ng umaagos na tubig sa gripo ay ang maingay na mga bisita sa sala. Tumagos ang boses nila sa dingding at may parte tuloy sa akin ang gustong makisali sa kung ano man ang pinag-uusapan nila.
As the cold water ran into my skin, I swallowed the lump building in my throat.
"Oh! Hugasan mo. Ang bagal-bagal nakita nang andaming bisita sa labas."
Padabog na inilapag ni Nova ang mga plato sa lababo. Inabot ko 'yon pero mukhang wala na talaga siyang natitirang konsiderasyon man lang sakin dahil hinawi niya 'yon dahilan para bumagsak at tuluyang mabasag.
Nagtama ang tingin namin."Lagot ka binasag mo.Palpak mo rin e, 'no?."
She crossed her arms, looking at me with full superiority. As if I am nothing.
Sa pagbilis ng pintig ng puso, nahirapan akong lumanghap ng hangin. I tried to remain my chill at hinayaan na lang ang mapagmataas niyang mga matang tumutusok sa'kin.
I kneeled and using my bare hands, I transferred the broken plate into the trash can.
"Ano 'yan? Nini ang sabi ko maghugas ka ng pinggan. Aba't binasa mo pa talaga dito!"
Pumasok si Mama at ngayon ko lang napansin na nabasa nga ang pinagbagsakan ng plato kanina. Tumingin ako kay Nova pero agad ko ring iniwas dahil baka kung ano pa ang isuhol niya. Ako na naman ang mapag-iinitan kapag nagkataon.
Hindi ko hinayaang magkrus pang muli ang landas ng titig ko sa kanila kaya makalipas ang ilang sandali, nagyaya nang umalis ang step mom ko. "Nova, tinatawag ka ng mga Tita at Tito mo. Lika na."
Lumabas silang dalawa at bago tuluyang mawala, narinig ko pa ang bulong ng kapatid.
"Bakit mo pa kasi pinababa si Nini? Wala namang naghahanap sa kanya. Ako lang hinahanap nina Tita kaya dapat nagkulong na lang siya sa kwarto."
"Walang mag-aasikaso sa kusina. Hayaan mo na ang isang 'yon at 'yan lang naman ang pakinabang niya rito."
I let out a deep sigh. Wala na nga talaga sigurong araw ang lilipas sa buhay ko nang walang pahirap.
It was my father's birthday and all of my relatives were here, even my step mom's. Nang masulyapan ko sila sa labas kanina ay 'di hamak na walang wala ang suot ko kumpara sa kanila. Ang gagara manamit at eleganteng elegante kung titignan.
Bumaling ako sa sarili ko at bumagsak ang tingin sa suot. Isang simpleng shorts and t-shirt.
Walang kaporma porma. Naiwan sa kusina bilang tagahugas ng pinggan at taga refill ng pagkain.
Palpak. Talunan. Hangin.
Sa dinami rami ng bilang nila ay ni isa, walang tumawag sakin. Ultimong mga kapatid ni Papa ay hindi ako naalala. Mukhang si Nova talaga ang mahalaga sa kanila.
Siya ang paborito. Siya lagi sa lahat kahit ako naman ang nauna. Hindi nga talaga siguro batayan ang pagiging una para masukat ang halaga ng isang tao.
"Kahit kaunti lang siguro..." Napalunok ako at pino ang ginawang paglapit sa mga pagkain sa lamesa.
Alas kwatro na ng hapon at wala pang laman ang tyan ko. Habang nagtatanghalian sila kanina ay ako ang napag-utusang magluto.
"Nag-aaral kang magluto, hindi ba? Oh, ano pang hinihintay mo, magluto ka na. Para naman may pakinabang ka dito."
Pakinabang.
Sinita ako ni Papa nang makitang sasalo ako sa kanila kanina. Tinapunan lang ako ng walang lamang tingin ni Mama at kapagkuwan ay nagtaas ng kilay. "Magluto ka. Puro ka gastos, mahiya ka naman."
BINABASA MO ANG
Field of Carnations (Solace Series #1)
Любовные романыInside a designated lifespan, it won't be full of sunshine. Even daytime could be a living nightmare too. Is it even possible to spend a day where you'll just be lying on your bed, having the greatest time with yourself and your friends? Well, for H...