Kagabi, natulog ako nang mabigat ang pakiramdam. Bumaba ako sa kama at nagtungo sa lamesa para mag almusal.
Kakaiba lang na kahit mabigat sa loob, parang may punyal na natanggal sa dibdib ko. It must be the words that I've been suppressing for the longest time.. Hindi ko man nasabi lahat...kahit malabo pa, at least. At Least nabigyan ko siya ng ideya sa kung ano ang tumatakbo sa sariling isipan.
''Gising ka na pala. Tawag ka ni Ate Sora,'' tukoy niya sa matandang caretaker.
''Bakit?'' Untag ko at itinali ang buhok.
''Hindi ko alam,'' She eyed me with a smirk and went to the bathroom.'' Punta ka! May grasya sa baba!'' Sigaw niya pa mula sa loob.
I shrugged and waited for her to finish her thing before cleaning myself. Alas dies na ng umaga nang makababa ako sa may kubo, kung saan laging nakatambay si Ate Sora.
Hindi napigilan ay tumaas ang kilay ko. Wala naman ang matanda dito ah?
''Ate Sora?''
Tawag ko pa at ikinalat ang paningin. Lumipat ako sa kabilang kubo at nang mapansin na wala ulit, nilakad ko ang daan papunta sa gate. I don't have a plan for today since I'm done with the presentation already. Isa pa ay tatlong araw mula ngayon, balik siyudad na ulit kami.
And as I was walking through the small waiting shed, something poked my right shoulder. Nang lumingon ako, imahe niya ang tumambad sa akin. Nakamaong at puting tshirt. May itim na sobrero rin sa ulo.
''What brings you here?''
''Gusto lang kitang makita.''
I tsked and continued on my way. Nakasunod pa rin siya sa akin at dahil kinakalabit ako ng sariling kuryosidad, muli ko siyang nilingon. ''May kailangan ka ba? Sabihin mo na.''
He removed the cap and inhaled. I saw his jaw move and the same with his adams apple the moment he gulped.
''Do you have work for today?''
''Wala naman,'' mabilis kong sagot.
''Then can I borrow some of your time?'' His eyes were pleading. I can see it clearly and feeling deprived of a choice, kusa akong sumama sa kanya.
Nauna siya sa paglalakad dahil may mga kasabay kaming tao. Sumunod lang ako at sumilay ang pananabik sa labi ko kasabay ng pagbabalik tanaw sa nakaraan nang pagmasdan ko ang bulto ng kanyang likod.
His shoulders were broad. Kung ipagkukumpara ang katawan naming dalawa ay walang wala ako sa kanya. Ang liit liit ko kapag siya ang kasama ko.
Sumagi tuloy sa utak ko ang isang tagpo noon kung saan nangingiti akong pinagmasdan ang imahe namin sa malaking salamin, doon sa bahay ampunan. Just like before, nothing changed. His huge frame highlights my petite body and all.
He said gusto niya lang akong ipasyal. Oo nga naman at ilang araw na lang din ako dito. Wala namang mali sa sinabi niya kaya hindi na ako tatanggi.
We ate at a restaurant and went to the nearest parking lot after. Doon ay nakaparada ang sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok ako.
Masusing dumaan ang tingin ko sa iilang sulok ng sasakyan at naagaw ng atensyon ang malinis at pulido nitong pagkakaayos. Amoy na amoy ko rin ang pabango niya dito sa loob. I Inhaled more of his scent bago umayos ng upo dahil nahuli ko siyang nakatitig sa akin.
''What?'' I raised my eyebrows at him. He smirked and leaned closer, close enough for our noses and lips to not touch.
''Seatbelt.''
I swallowed hard and fixed my eyes on the road. Ang layo pa yata ng lugar kaya pinagmasdan ko lang ang mga kabahayan at tanawin na madadaanan namin.
Nang mainip, sa kanya ko naman ipinukol ang tingin.
![](https://img.wattpad.com/cover/291545130-288-k674533.jpg)
BINABASA MO ANG
Field of Carnations (Solace Series #1)
RomansaInside a designated lifespan, it won't be full of sunshine. Even daytime could be a living nightmare too. Is it even possible to spend a day where you'll just be lying on your bed, having the greatest time with yourself and your friends? Well, for H...