Biglang nag-iba ang timpla ko at tuluyang nawalan ng gana. Out of all places, why here!? Namundok na nga't lahat lahat nandito pa rin siya! At sinama pa talaga ang girlfriend!
"Kilay mo Chef, relax mo lang. Lukot na lukot e."
Spring mustered that didn't help me at all. I tore my eyes off of them and focused on the people around me instead. Good thing ay kahit na madami sila at maingay, kumportable pa rin ako. Marahil ay dahil matagal ko na rin silang nakasama.
Sa sumunod na araw, masigasig ang lahat. Kanya kanyang dala ng needed materials for documentaries habang ako ay bitbit ang clipboard. I'll take note of everything that I can gather here and then encode it afterwards for a cleaner version to be passed on to my team leader.
''Ma'am Lucy, saan tayo magmemeryenda pagkatapos nito?'' Untag ni Spring habang naglilibot kami sa maliit na bayan.
Napatingala siya at lumikot ang mga mata bago muling natuon sa amin. ''Cafe?''
''May cafe ba dito?'' bulong ko. Spring smirked and tapped my shoulders.
''Meron. Akong bahala, alam mo namang pagdating sa pagkain ay matalas ang mga mata ko.''
And she wasn't wrong at all. After the accomplishment or our agenda for today, nagkahiwa-hiwalay na kami at maging si Ma'am Lucy ay hindi na nakasama sa cafe dahil masyadong naenganyo sa pamamasyal. Ang uwi, ako at si Spring na lang ang magkasamang tinahak ang daan para kumain.
''Iced tea and strawberry crepes please,'' I muttered to the counter while my eyes were focused on my to-do list which was listed on my phone.
''Anong sayo ulit?'' Untag niya at tiningala ang menu sa taas.
''Iced tea and strawber–'' Naputol kaagad ang lintaya ko nang mahagip ang imahe ni Amara. Sa likod niya ay si Aku at pareho silang nakasuot ng puting polo dress shirt. Mas lalo tuloy silang nagmumukhang magkasintahan.
Kainis. Ba't ba ako tumitingin? Ano ngayon kung 'yan ang suot nila? Wala akong pake okay.
''Oh edi 'yon na rin sa'kin.'' Si Spring at bago niya pa man malingon ang pwesto ng dalawa, hinablot ko kaagad ang braso niya at pilit na ipinapakita ang random na video sa cellphone ko.
''Ganda 'no? Ganda nito, Spring 'di ba?''
''Huh?'' She said, obviously clueless about what I was saying. Pero kahit na ganoon ay nakatutok pa rin siya dito ay pilit na inaanalyze ang video na hindi ko rin alam kung ano ba ang meron.
Tagumpay at nakalagpas kami sa pwesto ng dalawa. Sumalampak ako sa upuan at maluwag na sana ang paghinga kung hindi lang lumitaw ang boses ni Amara sa likod ko at si Spring na nagulat din, katulad ko.
''Uy! Kayo pala...''
''Hi Spring! Nandito rin pala kayo, huh? Would you mind if we joined you here?''
Oo. 'Wag dito, lawak lawak ng lugar e.
With that, my gaze immediately darted to my friend. I was eyeing her with the persuasion of rejecting her, so we could have our snack in peace. But bruh, the opposite happened. She winked at me and happily let the two join us.
''We're here for food research. How about you two?''
Amara fixed her blouse and cleared her throat before answering. Bago pa man siya malusaw sa titig ko, lumipat ang tingin ko sa katabi niya; na nasa tapat ko rin.
At nang umangat ang tingin niya, saglit niyang nahuli na nakatutok ako sa kanya. I want him to see that I am not affected so I just played it smoothly. Kunwari ay sakto lang na napatingin din ako sa kanya at saka swabeng ibinalik ang tingin sa kaibigan.
![](https://img.wattpad.com/cover/291545130-288-k674533.jpg)
BINABASA MO ANG
Field of Carnations (Solace Series #1)
RomantiekInside a designated lifespan, it won't be full of sunshine. Even daytime could be a living nightmare too. Is it even possible to spend a day where you'll just be lying on your bed, having the greatest time with yourself and your friends? Well, for H...