hi, the next part is the epilogue of the story. thank you for reading and have a vv nice day :)
-twnkles
----
Mabilis na lumipas ang bawat araw at bumalik na ulit sa dating tagpo ang lahat. Outside my room, I spotted Spring and Pao having their coffee and a little chit-chat about their work.
''Magfifile ako ng leave next week 'no! Aba'y kailangan din mag beautyrest ng tulad ko!'' bulalas niya at pinagtaasan ako ng kilay nang mamataan.
''Tagal mo bakla, lika na. Late na kayo ni Spring.''
''Oo, teka lang.''I said while I grabbed the ointment for the little bruises I had from the car accident.
Tuwing umaga ko 'yon inilalagay para hindi ko makaligtaan.
Bumaba kami sa lobby ng condo at pasimple kong sinilip ang screen ng cellphone sa pagbabakasakaling may matanggap na text mula sa kanya. We went to his family's orphanage last time and it didn't change that much. Kung wala lang ako sa hulog ay iisipin kong nagtime travel kami pero hindi. Sadyang ganoon pa rin talaga ang ayos.
Tanging naiba lang ay ang mga bata sa ampunan. Ate Phelia, Nanay Siring, and Manong were still there, but I noticed there were also new helpers. Probably because Nanay is getting older, so they need to have someone much more reliable in terms of physical matters.
''Walang text? 'Di ka na mahal noon.''
Tumatawang bumulong sa akin si Spring at mahina ko siyang hinampas ng bag. We went outside and I smiled at the guard. Napapagitnaan ako ng dalawa at todo ang kapit ni Spring sa kaliwang braso ko. Si Pao naman ay walang mayaw sa pananalamin kahit na naglalakad na kami.
Sa saglit na sandali, I watched as the leaves fell from the trees. Sa bawat pagkahulog noon ay natitipon 'yon at buti na lang, may mga nakaantabay na street sweepers kada umaga at hapon para mapanatili ang kalinisan sa lungsod.
''Ehem ehem.'' I was completely caught off guard when the two of them coughed exaggeratedly while their eyes were pinned on someone. Nilingon ko 'yon at napangiti kaagad ako nang masilayan ang bulto niya.
He's not wearing his usual work outfit for today. He's in his casual clothes that miraculously matched mine. I smirked at that and didn't wait for him to completely walk towards me. Ilang hakbang bago makalapit sa kinatatayuan ko ay kusa na akong sumalubong at humalik sa pisngi niya.
''Hi, pogi.''
"You look beautiful today."
Pinanliitan ko siya ng mata at pabirong kinurot ang tagiliran. ''What do you mean today? I look beautiful every day!''
''Tsk, wala na hindi na ako masaya. Halika na Spring, nagdidilim paningin ko dito. Harot oh, ang harot. Grabe!''
Tumawa ang kaibigan ko at binati si Aku. ''Oh I guess may lakad kayo?''
''Hiramin ko lang ngayong araw, kung ayos lang sa inyo.'' He said while intertwining our hands.
''Greco may choice pa ba kami?'' Pao said, obviously having a good time joking.
''Sige na go lang! KJ mo, lika na Pao tayo na lang magdate!''
''Inangyan gaga!''
Pao ran while Spring was running after her, and that was totally hilarious and lovely to watch at the same time. Bumaling ako sa kanya at nangungulit hanggang nasa loob na kami ng sasakyan.
''Kidnap ba 'to? Paransom ka sampung milyon, hati tayo.'' I cracked.
''Oo kidnap 'to. Here, film yourself for help.'' He handed me the polaroid cam and the films while chuckling. Taka ko siyang nilingon at nagtatanong ang mga mata kung para saan yon. May espesyal na okasyon ba ngayon? March pa lang ah. Layo pa ng birth month ko at birth month niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/291545130-288-k674533.jpg)
BINABASA MO ANG
Field of Carnations (Solace Series #1)
RomanceInside a designated lifespan, it won't be full of sunshine. Even daytime could be a living nightmare too. Is it even possible to spend a day where you'll just be lying on your bed, having the greatest time with yourself and your friends? Well, for H...