Chapter 32

51 7 2
                                    

Naputol ang pag-iisip ko nang namataan ko ang kaibigan. Humakbang ako at lumapit sa kanya.

''Nakita mo kung sino nagbigay?'' turo ko sa lamesa, kung saan nakalagay ang biniling coffee at pumpon ng bulaklak. It was coloured red and it is somehow similar to roses, mas pino at manipis nga lang ang petals. Makurba din iyon at ang tingkad ng kulay.

''Hindi e. Late na ako nagising. Baka may note na iniwan? Tignan mo.''

Spring said and focused on her laptop's screen. I shrugged and took a sip from the latte. Dinala ko ang bulaklak malapit sa ilong at napalipad na lang ang utak sa matamis na halimuyak.

Tama siya at may note ngang nakaipit. I opened it and my eyes immediately ran through my surroundings, feeling suspicious that someone might be watching me.

Good morning. If you're free, you can come to our performance later. 9:30 PM, sa sentro.

Performance daw. Sa pagkakaalam ko'y, iisa lang naman ang musikero sa buhay ko. Walang iba, siya lang.

Is he making a move? Bilis ah.

''Spring, pasabi kay Ma'am Lucy ako ang gagawa ng presentation. Pakisend lahat ng emails sa account ko.''

I spent the afternoon working non-stop.I took a nap for an hour and had a snack when I woke up. Maga-alasais na at dahil probinsya ito, kaugalian na yata ng mga tao na kumain nang maaga. Nagseserve naman ng pagkain ang hotel kaso mas natipuhan talaga ng mga kasama ko ang lutong bahay.

Papunta kami ngayon sa karinderya nina Ate Maria, noong nakaraan sa pistahan.

''Doon tayo kakain! Dios ko, ang sarap ng ginataan nila!''

''Nako Ma'am, baka pakyawin mo lahat ng putahe ah!''

''Kung pwede lang, Cres ay ginawa ko na.'' Tumawa siya at pinauna ako sa paglalakad, kasabay ang kaibigan.

''Patapos na ako sa presentation. Ikaw?'' tanong niya sakin. I said no and looked at my wrist watch. Inabot kami ng halos trenta minutos sa byahe at ngayon pa lang makakakain.

As usual, they were busy talking while I did my thing. At nang makauwi kami sa hotel, balik trabaho na ulit. Naghilamos lang ako saglit tsaka muling naupo sa maliit na working desk. 

Click dito at click doon ang ginawa ko. Palipat lipat ang tingin ko sa emails at sariling notes para i-check kung tama at magkapareho kami ng nakuha.

Sampung slides na lang at tapos na ako. Tapos, para mabilis ay icoconvert ko na lang 'to into handouts.

Minuto ang lumipas at napapalalim na ang aking paggawa. Natigil lang nang napansin ko ang pulang ekis sa logo ng internet connection. ''Oh?''

Walang internet! Naputol!

Tinakbo ko kaagad ang distansya namin ni Spring at sinubukang ipaayos sa kanya o kaya ay tumawag sa hotel crew pero nagawa niya na pala at hindi pa rin bumabalik!

''May internet cafe naman siguro dito? Doon na lang kaya tayo? Ang dami ko pang kailangang i-send! Nako, mapapagalitan ako nito,'' reklamo niya.

''Hmm, sabay tayo? Halika na. Habang maaga pa.''

Sakay sakay ng tricycle, narating namin ang pinakamalapit na cafe. Hindi ganoon kabilis ang internet connection pero ayos na rin kaysa wala.

Tumakbo ang oras at nang mapabaling ako sa orasan, lagpas alas nueve na ng gabi. Bigla na lang tuloy sumagi sa isip ko ang sulat na kasama ng mga bulaklak kanina.

''Malapit lang ba dito ang sentro?''

My friend stopped typing on her laptop. She eyed me with suspiciousness. ''Bakit? May kikitain ka?''

''Wala 'no. Nagtatanong lang naman dahil kanina pa tayo dito. Naboboring na ako.''

''Hmm.'' Uminat siya at umungol.''Edi tara sa sentro. Pasyal tayo saglit. Ano?''

Without any hesitation, I agreed with her. Maingat akong tumayo dahil baka tumama ang sugat ko sa tuhod dito, sa kanto ng lamesa. Sumunod ako sa kanya at inayos ang laylayan ng gusot na floral dress na malayang nakalaylay at nagpapahele sa hangin.

We reached the place and to my surprise, ang daming tao. May mga nakatayo at ang ilan naman ay swerte lang na nakaupo sa limitadong bilang ng mga bangko.

''Sabi ko sayo, tamang desisyon na dito tayo nagbakasyon. Tignan mo, ang daming gwapo!''

Rinig kong usapan ng mga kabataan sa malapit na kaagad ding nalunod ng malakas na tugtog.

''Before this night ends, I want to thank everyone for joining us tonight. Masaya ba kayo?'' 

Naghiyawan ang mga tao. Tumingkayad ako at nasilip ang pamilyar na mukha. It was Luigi! Nanlaki ang mga mata ko nang masulyapan din si Pao sa gilid!

Hindi napigilan ay hinila ko si Spring dahil sa excitement. ''Spring tara! Doon tayo sa harap!''

I've never felt this excitement for a long time. Nabuhay lahat ng dugo sa katawan ko at mas umapaw pa yata ang sigla ko nang mapako ang mga mata sa nag-iisa at katangi-tanging musikero.

Aku.

I pictured his image in my mind, balik tanaw sa nakaraan kung saan walang humpay ang paghanga ko sa kanya. Muling bumuhos sa akin ang libo libong alaala at pananabik. Pananabik na sa tinagal ng panahon, parang ngayon lang naisipang magparamdam.

 He reached for the mic while slightly strumming his guitar. He was standing manfully while the crowd was obviously mesmerized by his beauty.

I told you, he's the purest form of beauty. I think he's the most beautiful of God's creations to me. Especially when he is doing what he loves.

Passion.

Sinundan ko ang landas ng tingin niya at nakatingin lang ito sa kawalan. Ilang sandali, nagsimula nang maghanap sa dagat ng mga tao.

''I'm here...'' I whispered with my shaking breath.

''I can't find her...'' He laughed at tila ba nasa loob ng sariling mundo. Walang masyadong kumibo dahil hindi rin naman nila naintindihan ang konteksto ng kanyang sinabi.

''I...I composed this song a few years ago. I don't rehearse this that much because I know this by heart...''

The crowd went silent and even I was left speechless.

''Can I sing this today?'' Lumingon siya sa mga kabanda sa entablado and I saw Pao giving him a thumbs up.

The strumming of the guitar continued. He harmonized with it and closed his eyes.

The audience swayed with the warm and comforting melody. Hindi ko na rin mamalayan ang mga nasa paligid ko dahil tulungan nang natuon ang atensyon ko sa kanya. Sa kanya lang at wala ng iba.

You're such a good dream
Always, in all ways...

He paused for a moment and let the sound of the guitar fill the absence of his voice. Muli niyang sinuyod ang alon ng mga tao at sa hindi inaasahang pagkakataon, sa wakas ay nagtagpo ang aming mga mata.

He smiled. Not the playful smile that he would always give me. Hindi rin ang mainit na ngiti na tila ba sinasabi sa akin palagi na ''Nandito lang ako, huwag kang matakot.''

It was a different kind of smile.

It was a smile of longing. A longing for something that slipped away...

'' Baby...let's paint our love golden.'' 

Field of Carnations (Solace Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon