Chapter 7

91 16 13
                                    

Sinadya ko talagang hindi tapusin ang seatwork kanina. Napagalitan pa ako dahil hindi agad ako nakapagpasa at idinahilan ko ang masakit na daliri. Naniwala si Ma'am dahil may sugat nga 'yon. Nakuha ko 'yon sa paglalaba kaninang madaling araw dahil hindi ko napansin ang matulis na metal sa damit ni Mama.

''Ano ba 'yan teh, sabi ko naman sa'yo kopyahin mo na lang gawa ko.'' Umupo sa tabi ko si Pao. Sa tapat naman namin si Eris na kumakain ng corn dog.

''Ayos lang, kaya ko naman,'' sabi ko pa at nagpatuloy sa ginagawa.

Busy silang dalawa sa pagchichikahan at nagawa pang anyayahan ang iba pa naming mga kaklase. Ganado silang kumakain habang ako ay abala sa pagbabasa ng tanong sa libro at saka inilalapat ang mga sagot sa pirasong papel.

 Ang hirap magconcentrate kapag maingay. Kung doon na lang kaya ako sa likod banda ng school? Payapa doon at walang masyadong tao. May bakanteng bench pa at may mga table rin kaya walang problema, perfect sa mga ganitong pagkakataon.

Sa isip isip ko ay napatango ako pero ilang sandali pa, agad ko ring binawi at pilit na binura ang naisip. Ang tanga rin talaga, kaya ko nga 'to hindi tinapos sa room ay dahil iniiwasan ko siya! Ginawa ko 'to para abalahin ang sarili! Tapos ngayon ay may balak pa talaga akong pumunta sa lugar kung saan madalas siyang tumambay!

Haraia grabe, napakahusay! Nasobrahan ka na sa kape tsk tsk.

Dapat talaga ay itinuon ko na lang ang pansin sa mga academic responsibilities ko. Hindi na dapat pa ako lumingon nang lumingon sa kung saan saan. Ito lang dapat ang na pinagkakaabalahan ko.

Saglit kong itinigil ang ginagawa at hinilot hilot ang batok. Sumakit ito dahil sa kakayuko ko habang nagsusulat at sinulyapan ko ang paligid. Sumasakit na rin ang mga mata ko kaya tinanggal ko ang salamin pero ilang sandali pa, napagpasyahang ibalik dahil wala akong makita.

Ayan at maraming tao. May kaniya kaniyang mga mundo at bawat isa, mayroong kwento.

''Ipapasa ko lang 'to,'' paalam ko sa kanila at dumiretso na sa English department.

 Pagkatapos, pasimple naman akong bumalik sa classroom at doon, kinuha ang paper bag na matagal ko nang gustong isauli. Ito 'yung pinaglagyan ng lunchbox noon, nilagay ko rin dito sa loob. May naidagdag lang na isang item at 'yon ay ang sweater na pinahiram niya kahapon.

Nilabhan ko 'to pagka-uwi sa bahay at isinilid sa loob kaninang madaling araw. Mabango naman na at amoy downy. Okay na 'yan, 'di naman siguro pinapaulanan ng mamahaling detergent damit ng mayayaman.

Baybay ang tahimik na hallway, narating ko ang classroom niya. Walang tao sa loob at nakabukas rin ang pintuan. Iginala ko pa ang paningin at nang mamataan ang bag niya, doon ko na 'yon iniwan at dali dali nang lumabas.

Pagbalik naman sa cafetaria, pumila muna ako sa nagtitinda ng juice dahil nakaramdam ako ng pagkauhaw. At saktong paglingon ko, nakita ko siyang nakaupo sa table nina Eris.

Napatigil ako sa ginagawa at pinagmasdan siya mula sa kinatatayuan. Magkausap sila ngayon ni Pao at bigay na bigay naman ang kaibigan ko. Mukhang nagkakatuwaan sila at sa pag-aantay na matapos ang kanilang pag-uusap, tumunog na ang bell.

Nakatulala at nakapangalumbaba, inalala ko ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Simula noong araw ng mga puso, buwan ng Pebrero.

Marso na ngayon at gaya ng sabi ko, mabilis na lumilipas ang bawat araw. Nagsimulang magkadikit ang mga sarili namin nang minsang iniabot ko sa kanya ang papel na singsing. Akala ko'y huli na 'yon pero may kasunod pa, hindi ko akalaing pupunta rin pala siya sa audition.

 Hanggang sa nagpatuloy at naging kaswal ang bawat pag-uusap. Nakakabigla pang ang bahay ampunan palang pinagtratrabahuhan ko ay pagmamay ari ng kanilang pamilya. Talaga palang napakaliit ng mundo.

Field of Carnations (Solace Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon