''Ayos ka lang?'' si Eris habang nakaupo at nagpapahangin ako sa may hagdanan ng school. Tinatanaw ko mula rito ang malawak na quadrangle at maingat na pinapakiramdaman ang sarili.
''Hindi ko nga alam e, parang mabigat ulo ko,'' ani ko at sinapo niya naman ang noo ko para siguro tingnan kung mainit ba. Pinagkumpara niya pa ang temperatura naming dalawa at sa huli, sinabi ko na wala naman akong lagnat, baka kulang lang sa tulog.
Pero hindi pa rin ako sigurado, hindi talaga mabuti ang lagay ko. Para bang may kung anong mahigpit at mabigat na bumabalot sa ulo ko at gusto ko na lang matulog.
Gising na gising pa kasi ang diwa ko kagabi at kahit tahimik naman na ang paligid, hindi pa rin ako dinapuan ng antok. Basta madaling araw na siguro ako nakaidlip. Nagawa ko pang tumambay sa convo namin ni Akuya.
Binasa kong muli ang naging pag-uusap namin.
syhs.akuya: tell me about your favorite books
syhs.akuya: ano pang sunod? nagkatuluyan sila?That was the message he sent me when I gave him the image of the book's first page.
Napasapo ako sa ulo at marahan 'yong pinilig.
Mga bandang ala singko, napabangon ako sa higaan dahil rinig ko ang malakas na katok sa pintuan. Papungay pungay pa ang mga mata ko noon pero sinikap ko na silipin kung ano ang meron sa baba, muntik pa akong matalisod sa mahabang pajama na suot. At doon, namataan ko si Mama na pinagbuksan si Papa.
Sabay sabay kaming nag almusal at kaya pala ito umuwi dahil wedding anniversary nila. Lalabas raw sila mamaya at sa totoo lang ay naguguluhan ako sa kanila, lalo na kay Mama.
Hindi naman bulag at manhid ang step mom ko para hindi maramdaman na nangangaliwa ang asawa niya. Saglit kong sinulyapan ang mukha niya at kahit na espesyal ang okasyon ngayon, nananalaytay katamlayan nito.
Kahit kailan, hinding hindi ko mauunawaan ang konsepto ng pag-ibig. Bakit ka mananatili sa taong hindi tapat at hindi ka man lang mapagbigyan ng sapat na atensyon? At higit sa lahat, hindi marunong makuntento.
''Kulang ka sa tulog at teka nga, gutom ka ba? Tara kain tayo sa cafeteria. Wala pa naman si Sir e,'' anyaya niya pa sa'kin at sumunod naman ako.
Bad timing pa talaga at math class namin ngayon. Hirap ako sa subject na 'to kaya hindi nakatulong na nahihirapan sa pagproseso ang utak ko at nagpupumilit sa pagbagsak ang mga talukap ko.
''Ms. Celestino? What do you think is the possible answer?''
Napaayos ako ng upo at nagulat sa biglaang pagtawag ni Sir. Nilipad yata ang kaluluwa ko at grabe ang kabog ng dibdib ko. Hindi man alam ang gagawin, alinlangan pa rin akong tumayo at napahawak na lang sa ID.
Patay na.
Hindi ako nakikinig kanina pa at hindi rin ako nakakasunod at basta lang tumatanggo sa tuwing tinatanong niya ang klase.
Malas naman oh!
Lord, magpapakabait na ako palusutin niyo lang ako dito please? Baka mapahiya ako!
Tahimik silang lahat at hindi ako makasenyas ng tulong dahil hindi ako nilulubayan ng titig ni Sir.
Swerte na lang at narining yata ng Panginoon ang pagtawag ko dahil nakita ko ang pasimpleng pagtaas ng whiteboard ng isa sa mga kaklase ko at dito, nakasulat ang sagot. Hindi 'yon kita ni Sir dahil nasa likuran niya ito at sa likod ako ng klase nakaupo.
Hinihintay niya pa rin ang sagot ko habang prenteng nakatayo sa gitna ng classroom. Good thing I'm wearing my glasses right now kaya hindi ako nahirapan para mabasa ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/291545130-288-k674533.jpg)
BINABASA MO ANG
Field of Carnations (Solace Series #1)
RomanceInside a designated lifespan, it won't be full of sunshine. Even daytime could be a living nightmare too. Is it even possible to spend a day where you'll just be lying on your bed, having the greatest time with yourself and your friends? Well, for H...