Chapter 8

87 14 12
                                    

''Table for two po?''

Baybay ang mahabang daan ay pumasok kami sa isang ice cream shop na matatagpuan malapit lang din dito sa plaza. Sinalubong kami ng isang crew na nakasuot ng pastel brown na apron at may cute na sombrero rin itong nakalagay sa ulo. Maaliwalas ang iginawad nitong ngiti sa'min at iginiya kaming dalawa sa bakanteng table, hindi kalayuan sa pinasukan naming pintuan.

At habang nakasunod kay Akuya, naging malikot ang mga mata ko at hindi na napigilan pang busisihin ang lugar. Maliwanag dito at talaga ngang maganda. May malaki at eleganteng chandelier sa gitna ng shop at bukod pa rito, may fairy lights sa paligid. Naka dikit 'yon sa mga pader at overall, sobrang pulido at maganda ang kinalabasan ng color combinations.

Hindi masakit sa mata at sobrang refreshing. Perfect for study dates or pwede rin naman kung trip mo lang na tumambay at magmuni muni.

''Anong sa'yo?'' tanong niya habang pareho kaming nakatingin sa menu.

Umayos ako ng upo at napagpasyahang um-order ng ice cream nachos.

''Ice cream nachos, ikaw ba?''

''Ferrero rocher,'' tugon niya at maya maya pa'y bumaling sa babaeng crew na kanina pa nakatitig sa kaniya. Animo'y isa lang akong hangin dito at kung pwede lang, baka siya na ang pumalit sa kinauupuan ko para masolo si Akuya.

Napaismid ako nang wala sa oras. 

Walang lingon sa gawi ko ay tumango ang babae at ngiting ngiting umalis sa harap namin. Siya naman ay tumingin sa'kin kaya naghanda na ako ng pwedeng mapag-usapan para naman hindi boring at hindi sayang ang pagpunta rito.

Inilagay ko ang siko sa lamesa at magkasaklop ang mga kamay na tumitig sa kaniya. ''Ang ganda dito. Paano mo nalaman 'tong lugar?''

Saglit pa siyang napaisip at mukhang nagdadalawang isip pa kung sasagutin ba ang tanong ko o hindi. ''You like ice creams so...I searched for this place.''

Ngumiti siya. Napangiti rin tuloy ako dahil hindi ako makapaniwalang naisip niya pa talaga 'yon. Nakakaguilty tuloy ang ginawa kong asal kanina.

Paano ba ako makakabawi? Hays.

''So kung gusto ko ng dinosaurs bibigyan mo 'ko?'' walang saysay kong tanong.

He chuckled and tilted his head. ''Kung gusto mo talaga edi susubukan ko.''

Umiling na lang ako dahil napakaimposible ng ideya.

Nang dumating ang order, kumain kami. Vanilla ang sa'kin at chocolate naman ang sa kaniya. The last time I ate with him, chocolate din ang flavor na kinuha niya. Yan nga talaga siguro ang paborito niya.

Tahimik siyang kumakain at hindi rin ako nagsalita. Pinagmasdan ko lang siya at ang laking oras siguro ang inilaan ng Panginoon para gawin ang isang 'to. Walang maipipintas sa facial features niya at sa tuwing nakikita ko ang mukha niya, hindi ko maiwasang hindi purihin ang matangos niyang ilong. Ang amo rin ng mga mata niya kaya saan ka pa?

Matalino at pogi. Kung nagawa kong mahulog sa'yo, paano pa kaya ang ibang tao? Siguro may kaklase rin siyang palihim na nagkakagusto sa kaniya. Walang duda 'yon, ako ngang taga ibang strand napuntirya e.

Pumasok ako sa shop na puno ng pagkabagabag ngunit nagawa kong lumabas nang magaan ang pakiramdam. Sumakto pa ang malamig na simoy ng hangin na bumabalot sa buong kapaligiran. Tinatahak namin ngayon ang daan pabalik sa sentro ng plaza at maya maya pa, huminto ang mga binti ko sa paghakbang.

''Bakit?'' siya at curious na napatingin sa'kin. Inayos ko ang salamin at napatingala sa itaas. Naagaw ng pansin ko ang talang kanina pa kumikislap kislap. Nangingibabaw ito at tila nangungusap na sana ay punahin ko siya.

Field of Carnations (Solace Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon