Everything felt unreal. How could everything turn out like this? Paanong nabali ang panahon at bumuhos ang lahat ng 'yon sa akin? Hindi ko maintindihan, kahit anong pilit ay hindi ko 'yon magawang maisiksik sa likod ng isip ko.
Kahit sa pag-alis ni Eris, walang paghupa ang naganap sa samo't saring emosyon na naramdaman ko. Dapat ba akong malungkot at makaramdam ng poot dahil natalo ako? O dapat ba na maging masaya ako dahil kahit sa kabila ng pagkatalo ko, lumitaw ang madumi niyang intensyon sa akin?
Friends don't betray each other. Her actions disappointingly demonstrate how insecure she is. She saw me as a competitor, and maybe, after all this time, I wasn't a friend to her; I was a foe to be defeated.
And she managed to do it. Using her dirty tactics.
Oras na ang nagdaan at kahit anong pilit ni Pao at Aku na samahan ako para mapagaan ang loob ko, wala 'yong saysay para sa akin. Paano nila malalaman ang nararamdaman ko? Hindi naman nila 'yon naranasan.
Sa mga ganitong pagkakataon ay alam kong sarili ko lang ang makakatulong sa'kin. I need to think and refresh my mind. I must be the one to do it.
And with my shaking hands, I went to the kitchen to drink some water. Pinisil pisil ko 'yon at saka napahilamos sa sink.
Wala akong naabutan sa sala at tanging katahimikan lang ang bumalot sa buong bahay. Hindi na ako kakain ng hapunan, tapos na rin yata silang kumain kaya itutulog ko na lang 'to. Sana huwag na muna nila akong kausapin, nahihiya ako. Wala akong maihaharap sa kanila.
Isa 'kong talunan. Malas. Puro kamalasan.
Sa gitna ng mahimbing na tulog ay naalimpungatan ako. Tumama ang mata ko sa relo at nakitang mag aalas dose pa lang.
''Sino 'yan?'' I grabbed my glasses and opened the door. It was my sister and she was covered in sweat, I can hear her panting and gasping for air.
Nag-alala kaagad ako dahil namumutla siya. ''Bakit? May masakit sa'yo?''
She shaked her head. ''Si Mama! Masakit daw tiyan niya, Nini!''
Nawala ang antok sa'kin at lakad takbo kaming pumunta sa kwarto ni Mama. Naabutan namin siyang nasa paanan ng kama at basa ang kanyang bestida. Nakahawak siya sa tiyan at mabigat ang bawat paghinga.
''Nini...Nini, ang s-sakit ng tiyan ko...''
Sa aligaga, inalalayan ko kaagad siya na maupo saglit at saka pinagmasdan ang ayos. Her water broke and with her large baby bump, naisip ko kaagad na parang masyado pang maaga para manganak siya.
''Kabuwanan mo na ba, Ma? Sa susunod na buwan pa due mo, hindi ba? Nova tulungan mo 'ko! Tawag mo si Papa, dadalhin natin sa hospital si Mama!''
Ilang araw nang hindi umuuwi si Papa at hindi nakatulong na ngayon pa talaga nangyari 'to. Labis labis ang tambol ng puso ko at pakiramdam ko, sa sobrang taranta ay mapupugto ang aking hininga.
''Kuya, sa pinakamalapit na hospital lang po, pakibilisan!''
Hating gabi na at wala kaming sasakyan dito ngayon kaya tinakbo ko pa ang pinakamalapit na paradahan para lang makakuha ng masasakyan. Dinala kami ni Manong sa hospital at kaagad na dinaluhan ng mga nurse si Mama.
''Hanggang dito lang po kayo Ma'am, we'll get back to you later.''
Pumasok sila sa emergency room at mas lalo pa akong binalot ng kaba nang makitang hindi lang tubig ang lumabas sa kanya, sa huling sulyap ko ay nakita kong may bahid 'yon ng dugo.
''Ate, wala..hindi ko macontact si Papa. Nagtext na lang ako na sinugod sa hospital si Mama, baka sakaling mabasa niya.''
Sumalampak ako sa upuan at pinagmasdan kung paano manginig ang kamay ni Nova. Alam kong katulad ko ay kinakabahan din siya pero hindi ko mabatid kung ano ang dapat kong gawin sa ngayon. Masyadong magulo ang utak ko at ang tanging gusto ko lang malaman ay kung anong kalagayan ni Mama.
BINABASA MO ANG
Field of Carnations (Solace Series #1)
RomanceInside a designated lifespan, it won't be full of sunshine. Even daytime could be a living nightmare too. Is it even possible to spend a day where you'll just be lying on your bed, having the greatest time with yourself and your friends? Well, for H...