Chapter 13

60 8 16
                                    

"Ano 'yan?" ako at dinungaw ang notes sa cellphone niya. Dahil freetime, inaya niya 'kong kumain sa likod na bahagi ng school. At gaya ng dati, gustong gusto ko pa rin dito. Hindi maingay at presko pa.

"Naglilista..." siya at agad 'yong pinatay.

"Naglilista ng ano?"

Ngumisi siya."Mga utang mo."

Napasinghap ako at sinubukan siyang sipain sa ilalim ng lamesa. Nahuli niya ang binti ko at saglit na ikinulong sa gitna ng binti niya.

"Kapal. Wala akong utang sayo hoy!"

"Wala nga, I'm just kidding alright," He then smirked. "Anyway, we don't have classes this Friday. Where do you want to go?"

Ahh..so ganito pala kapag mayaman. Gala agad ang nasa plano sa tuwing walang pasok. Hindi katulad ko na kung hindi trabaho ang nasa utak, sasamantalahin na kaagad ang panahon para makapagpahinga.

Tumingala ako at napaisip. At dahil hindi naman ako mahilig gumala, muli ko siyang binalingan at nagkibit balikat.

"Hindi ko alam. Sa bahay na lang siguro ako magpapalipas ng araw." 

Pagkasabi ko noon ay muli niyang binuhay ang screen ng cellphone. Hindi na ako nakiusyoso pa at nagsimulang kumain.

Matagal bago siya nakapagsalita. "Try natin mamasyal sa animal farm?

"Animal farm? Ano namang gagawin natin doon?"

"Yeah, I like animals you know. Ano, payag ka ba? Pwede rin tayong magpalipat lipat ng destinasyon kung may oras pa."

Natigilan ako saglit. Natalo nga pala siya sa laro namin noong nakaraan at ngayon siya bumabawi. Lilibre niya raw ako.

"What? You don't like it? Okay, I'll find another place for us to hang out."

"Uy! Hindi ah! Gusto ko, ayos na 'yon!"

"Give me that piece of siomai then," aniya at inginuso ang natitirang piraso ng siomai sa maliit na paper plate.

Tinusok ko 'yon at dinala malapit sa bibig niya. Akala niya siguro ay isusubo ko sa kanya pero bago pa man 'yon tuluyang makalapit, ibinalik ko ang siomai sa tapat ng bibig at nginuya.

"Gusto mo? Bili ka."

Tila siya nauubusan ng pasensyang tumitig sa'kin habang ako naman ay unbothered. His lips formed a thin line and part of me got guilty.

To cover up the atmosphere, binuklat ko ang makapal na libro para ibahin ang usapan at doon, isa isang tinanggal ang natuyong mga bulaklak. "Ito yung binili natin sa labas ng simbahan dati. Ginawa kong bookmarks."

Marahan kong iwinagayway sa harap niya ang bulaklak at hinuli niya naman ang kamay ko para matitigang mabuti ang hawak."Oh... It's pretty. Do you want a bouquet of flowers? I'll buy you some."

"Baliw. Inipit ko lang sa libro kasi matutuyo rin naman."

Uminom siya ng tubig at pinagtaasan ako ng kilay. "I'm asking if you want flowers? Bibilhan kita."

"Hindi pa naman ako patay," sarkastiko kong sagot na mas lalong nakapagpainis sa kanya. His brows furrowed and he slightly rolled his eyes at me.

"Korni ka pala, 'no?" 

"Aww. Nakikipagfriends ka sa mga korni? Sabagay, ang ganda kong korni kaya sinong hindi makakatanggi 'di ba?"

I don't know where that came from but I'm enjoying this sight of him. Halatang naiinis.

"Buti pa confidence mo mataas, height mo hindi."

He laughed loudly and was even holding his stomach. His eyes formed a slit and even his cheeks became pink from too much laughing.

Field of Carnations (Solace Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon