Chapter 17

54 9 5
                                    

Finally, the night came where everyone involved in the closing party gathered late at the school hall. Kinulang kami sa oras dahil ang ibang kasama sa SSG ay nagkaroon pa ng practice para sa recognition day.

Bale bukas ay araw para sa pagkilala ng mga mag-aaral na nagpakitang gilas sa buong taon at ang sumunod na araw naman ay para sa closing party. Pagkatapos ay bakasyon na.

"Wala na tayong glue stick?"

"Meron pa, ito." Inabot ko kay Ryu ang stick at tinuloy niya ang pagdidikit ng paper decorations sa telang pinabili ko kay Eris noong nakaraan.

"Patapos na ba tayo? Late na kasi. Gusto ko nang matulog!"

"Saglit na lang, ididikit na lang 'to."

As expected, Pao ranked 4th in our class, which concludes that she'll be taking part in the event tomorrow.Kami naman ni Eris ay parehong walang nakuhang parangal.

Ayos lang naman sa'kin 'yon dahil aaminin kong hindi naman ako ganoon kagaling. Ang mahalaga ay may natutunan ako, hindi ba?

"Congrats kay Pao!"

Yuno and I walked beside each other as we reached the front gate.

I turned to him. "Kasama ka rin sa may awards bukas 'di ba? Congrats!"

"Small things," he said, then laughed a bit.

Madilim na ang buong campus nang muli ko itong lingunin at nahiwalay na rin ako sa mga kasama.

Even though it's late, the vehicles on the road are still alive. Samo't saring ingay ng mga gulong ang maririnig sa paligid at sumama pa ang malamig na simoy ng hangin.

"Nasaan ka?"

"Naglalakad papuntang waiting shed, bakit?"

I kicked the small stones on my way as I listened to Aku on the other line.

I heard him moved. "Hintayin mo 'ko, hatid kita sa inyo."

Ginawa ko nga ang sinabi niya at naghintay. Bumabagsak na ang mga mata ko at dumaloy na rin ang pagod sa katawan. Siguro ay dahil sa dami ng aktibidad na nangyari ngayong araw.

Ever since that night, the invisible string between the two of us has developed into a sturdy knot.

A knot that no one knows, yet so special.

"Akin na bag mo."

He reached for the strap of my bag and let it rest on his broad shoulder. Sumakay kami sa maluwag na pampasaherong sasakyan at dahil nga mahangin, hindi naiwasang tangayin ang hibla ng buhok ko.

Sinubukan ko 'yong isikop pero naunahan na niya na ako. Nakatalikod ako sa kanya ngunit ramdam ko ang pagtama ng mga mata niya sa likod.

He gently brushed my hair and tried to hold it until the wind calmed down. Ganon lang ginagawa niya hanggang sa nakatating kami sa bahay.

Paminsan minsang sinusuklay at saka hahawakan para hindi gumalaw galaw.

"Papasok na ako, uwi ka na."

"Wala kang nakakalimutan?" Isasarado ko na sana ang gate pero nakatayo lang siya kaya natigilan din tuloy ako at napaisip.

I blinked multiple times and suddenly, I got what he was saying. Ah, 'yon pala.

At tila isang himala, swerteng hindi ako natawa kahit pa alam kong kasinungalingan ang paniguradong sasabihin ko. Like I've said, I'm not good when it comes to lying. I swallowed the saliva forming in my mouth and tried hard to stifle a smile.

Field of Carnations (Solace Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon