Sa mga taon na nakalipas, isa siguro sa mga bagay na pinagsisisihan ko ay ang pananatili sa bahay. Just look at this wonderful place. There were torches emitting yellowish light, and those people living inside the houses and other majestic structures were surely happy.
Kahit saan ako lumingon, wala akong maipintas sa lugar.
Ang saya saya nila dito sa maliit na bayan. Halos lahat ay pamilyar sa isa't isa. Swerte.
And speaking of luck, we must be really lucky for this trip. Nagkataon na piyesta dito kaya kahit saan ka lumingon, hindi mo mabibilang ang mga nakalatag na pagkain. And you know what's more special about it? Those foods were made with love.
Nagmula sa kanilang kultura at sumasalamin ito sa kung gaano kasimple at kasagana ang kanilang tinubuan.
''Hija, subukan mo 'tong dulce namin dito. Gawa pa 'to ng Lola ko.''
My eyes went to the food while Spring handed me the paper plate. Nauna siyang kumain at sumunod naman ako. Matamis 'yon at lumilitaw ang katas ng niyog. It was creamy and chewy at the same time. Parang bubble gum sa kunat ngunit mabilis lang kung matunaw.
''Ma'am Lucy, ang dami na nating nailistang ideas. Hanggang kailan tayo dito?'' mahina kong bulong sa kanya.
She was munching the food and was completely focused on it. Mukhang nilamon din ng ingay ang boses ko kaya hindi niya rin siguro narinig.
I yawned and realized how sleepy I was. Ang bigat bigat ng ulo at talukap ng mga mata ko. Halos wala akong tulog dahil madaling araw na nang dalawin ako ng antok at ang napakagaling kong kaibigan ay niyaya pa talaga akong manood ng sunrise.
''Nako! Sa susunod pagbalik namin dito, kami naman ang magdadala ng pagkain sa inyo! Salamat sa pagkain, Maria!'' si Ma'am Lucy na lubos ang galak habang nagpapasalamat.
Kanina ay naglalakad lakad lang kami para sana maglibot sa bayan pero saktong natanaw namin ang pumpon ng mga tao sa makulay na parada. Ang kinauwian, sa halip na sa palengke ay nakipiyesta pa kami. Dito kami sa antigong bahay nina Ate Maria pinatuloy at ang dami pang tao sa loob. Ngunit kahit na ganoon, todo asikaso sila sa amin.
Their house was a combination of brown and white. Maaliwalas at ang welcoming ng ambience. Maliit lang din ang bilang ng kanilang pamilya at sa tingin ko, ang mga taong nandito sa loob ay mga kapitbahay at iilang mga kaibigan.
Bago pa lumalim ang gabi, nagpaalam na kami. Nagpabaon pa nga ang ginang sa amin at bilang paggalang, tinanggap namin 'yon. Well, baka nga magkita ulit kami. Hindi naman ganoon kalayo ang lugar nila sa tinutuluyan namin at kung tutuusin, isang sakay lang ng jeep at tricycle.
''Ma'am,'' si Spring at tumabi dito habang naglalakad.
''Bakit, Chef?''
Sinulyapan ako ng kaibigan bago binalik ang atensyon sa kausap. ''Eh kasi, ang dami na nating nakuhang recipe at ideas dito. Halos limang araw pa lang naman tayo at dalawang linggo ang napagkasunduan, hindi po ba?''
''Aba e, tama naman. Anong ba ang plano mo?''
She clasped her hands and her eyes were sprinkled with mischievousness.''How about we take a break from work? Alam niyo na po, tamang pahinga muna. Libot libot. Bakasyon, kumbaga.''
''Thoughts about this, Sina?'' she asked my co-worker who was beside me.
''Saglit lang po.'' Aniya at binuklat ang papel na nasa bisig niya. ''Sa tingin ko pwede naman, Ma'am. Natapos na rin po kasi natin kaagad ang agenda sa two weeks in a span of almost five days.''
''Kung ganoon edi, pahinga muna tayo. Nako, 'wag niyo lang idaldal ito sa ibang team at baka sabihin petiks tayo! Natapos na natin, wala na tayong ibang gagawin bukod sa encoding at presentations.''
![](https://img.wattpad.com/cover/291545130-288-k674533.jpg)
BINABASA MO ANG
Field of Carnations (Solace Series #1)
RomanceInside a designated lifespan, it won't be full of sunshine. Even daytime could be a living nightmare too. Is it even possible to spend a day where you'll just be lying on your bed, having the greatest time with yourself and your friends? Well, for H...