Chapter 3

156 21 13
                                    

''Nova aalis na ako. Pumasok ka mamaya, nag-iwan ako ng baon mo sa baba. Ingat ka ha,'' nakahilata pa ang kapatid ko sa kama niya nang pumasok ako sa kwarto.

Maaga palagi ang alis ko dahil napaparanoid ako tuwing nakikita ang traffic sa labas. Pakiramdam ko ay maiipit ako nito at mahuhuli para sa klase.

Ako na ang gumising sa kapatid ko at nagluto ng almusal dahil tulog pa ang mga magulang ko, walang mag aasikaso.

''Huwag mong kalimutan maligo. Malamig ngayon at nag init ako ng tubig kanina, gamitin mo na lang.''

Marami pa akong bilin sa kaniya bago lumabas ng bahay. Madilim ang sumalubong sa'kin sa labas na sinamahan pa ng malamig na hangin.

''Good morning sa'kin,'' I whispered to myself and prepared to ride a jeep.

At dahil nga maaga pa, swabe ang naging takbo ng sasakyan kaya nang makarating ako, halos madilim pa ang school.

Ala sais kasi ang simula ng klase at mag-aala singko pa lang nang sulyapan ko ang relo sa pulsuhan ko. Ang guard at ibang school staffs ang karaniwang nauuna kaya sila rin ang nasaksihan ko nang pumasok sa loob ng gusali.

Bahagya mang takot, humakbang ako paakyat sa ikatlong palapag at naglakad sa dilim. Ultimong kaluskos ng uniporme at bawat padyak ng sapatos ko ay rinig na rinig.

 Sa mga ganitong pagkakataon ay sinasabi ko na lang sa sarili ko na kapag pinakita at pinaramdam kong takot ako, mas lalo akong tatakutin. Kaya sa ganitong sitwasyon, mas pinili kong maging kalmado at ibaling sa ibang bagay ang atensyon.

Unti unting sumilay ang araw at nagawa ko pang sumandal sa railings para mapagmasdan ito.

From here, I can clearly admire the beautiful sky. Minutes passed and it was slowly changing its color. From the shade of sky blue, it turned to a combination of yellow and orange.

The sky started to move on it's own. Amazing, isn't it?

And you know what's more amazing than this? To watch the sunrise with him.

I laughed at my silly thought and prepared myself to walk again when a voice suddenly popped out of nowhere.

"Do you always go to school this early?" he asked, placing his hands inside his pocket.

I was just kidding when I said I wanted to watch the sunrise with him. Hindi ko alam na magiging totoo pala! Mema ko lang 'yon kanina dahil trip ko magmuni-muni!

''Huh?''

 Hindi pa rumehistro sa utak ko ang pangyayari at napakurapkurap habang nakatitig sa kaniya.

His eyes reflected the color of the sky, and the sunlight touched his skin perfectly.

''Ang sabi ko ganito ka ba kaaga pumasok palagi?'' He repeated his question.

I snapped out of my unrealistic thoughts and nodded immediately. ''Uh...oo? Siguro?...''

Parang mas mahirap pa ang sumagot sa kaniya kaysa sumagot sa recitation. Bumabaliktad ang dila ko at hindi ko mahanap ang tamang mga salita. Nalilito ako sa kung ano ba ang dapat na sabihin.

''Gano'n? Then maybe it's time for me to change my routine.''

Sabi niya at mabilisang ginulo ang buhok ko at patakbong umalis.

''Ano raw? 'Di ko gets,'' bulong ko pa at tahimik siyang pinagmasdan gamit ang mga mata hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.

Hindi ko napansin na mahabang minuto na pala ang lumipas at napupuno na ang hallway ng mga estudyanteng pumapasok sa kani-kanilang classrooms.

Field of Carnations (Solace Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon