Chapter 14

50 9 2
                                    

"Alam mo ba, hindi ako gumawa ng performance task sa mapeh? Pero himalang hindi ako bumagsak. Palibhasa kasi sumali ako sa music club. Malaking points din pala 'yon 'no?"

"Edi ilan grades mo?"

"Secret."

"Weh, hindi ka bumagsak pero mababa siguro grades mo 'no?! Nako, ako pa talaga uutuin mo Hea!"

I was sitting at the corner of the library when those voices filled my ears, the reason why I got distracted from what I was reading.

Muli kong pinasadahan ang talata at dahil sa ingay, hindi ko maintindihan. Purong titik lang ang mga 'yon at nawala ang mala pelikulang tagpo na namumuo sa sariling imahinasyon.

I sighed. Hindi ako sanay na ganito.

I swear I can imagine those scenes from the book as an act in the movie. It works like magic.

"Nini, may lakad ka sa Sabado?"

I finally closed the book and accepted the fact that people wouldn't really leave me in peace. "Uh, meron naman, sa nightclub."

Pao gasped a bit and seemed to be so shocked."Nightclub?! Gaga sinong kasama mo?"

Natawa ako, lutang ba siya? Doon performance nila ah?

"Sinong kasama? Edi ikaw. Hindi ba't doon daw kayo tutugtog?"

Natawa siya at napasapo sa noo. "Oo nga pala, nakalimutan ko. Hays dami naman kasing ganap sa buhay ko, jusko.'' Tumingala siya at saka nagsalita. ''Lord ah, nakakailan ka na. Sabi ko hindi ako kasama sa mga strongest soldiers mo tapos ngayon unlimited na problema pa mga binibigay mo sa'kin." 

I gently tapped her shoulders and decided to just listen to his rants. Matagal na kasing labas pasok sa hospital ang nanay niya at hanggang ngayon, hindi pa rin gumagaling. Mahina raw ang baga nito at kulang sa dugo.

Kaya ang labas, wala siyang tigil sa paghahanap ng mga pwedeng pagkakitaan. Gusto ko nga sanang ipasok siya sa pinapasukan ko kaso, marami na kaming nagtatrabaho sa mansion at sabi rin ni Nanay Siring, sakto na ang bilang namin.

"Hirap. Kung mayaman lang sana 'ko, bukod sa pag-aaral, wala na siguro 'kong ibang problema."

"Kaya pa?"

"Kakayanin. Bukod kay Mama, kailangan pa 'ko ng mga kapatid ko. Alam mo ba, si Paula? Baka siya raw grumaduate na valedictorian ngayong taon," proud na proud niyang sinabi habang ang tuwa ay bahid na bahid sa kanyang mga mata.

"Totoo? Ang talino talaga ng kapatid mo. Kailan 'yan? Celebrate tayo sa inyo!"

"Bakla ka, wala kaming pera!"

"Edi ako gagastos, pag-iipunan ko. Hindi nga kang sobrang engrande ah, wala rin akong pera."

Pao turned to me and laughed as if I was telling a joke. "Anong ikaw, taray naman ni Paula, grade six pa lang may sugar mommy na!"

"Dogshow mo masyado!"

At dahil doon, napasarap pa ang kwentuhan namin kaya ngayon, kulang na lang ay liparin ko ang daan papunta sa meeting hall. Sa ilang buwan na lumipas, ngayon lang nila naisipang ipamigay ang certificates gor the music club.

Ako ang inutusan nina Athena at huli na para makatanggi pa.

"Lapit na rin pala bakasyon, linggo na lang ang bibilangin," si Nami. 

"Gosh excited na 'ko! Sa wakas, hindi ko na makikita ang mga asungot kong kaklase!"

"Ang sama!" bwelta ni Athena sa kausap at pareho silang humalakhak.

Field of Carnations (Solace Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon