Chapter 27

33 8 4
                                    

My gaze dropped at the clock that wouldn't stop ticking. It was the only thing that brought out a sound inside the room. Humikab ako at muling pinasadahan ng tingin ang menu.

My team is back on track again. Ang aming head ay ilang buwan ding nawala dahil kakagaling lang sa labor at naging sanhi 'yon para sa akin maipasa ang iilang mga gawain na dapat siya ang tatapos.

"May ginawa ba akong weird kagabi?"

I crossed my arms and gave my friend a sarcastic smile. "What do you think?"

Aligaga siyang tumingin at naging malikot ang mata. "I don't know...wala naman akong brain para magthink." Barumbado niyang sinabi at kumaripas ng alis sa harapan ko. Tsk, ako pa lolokohin niya ah.

Alam kong naaalala niya pa 'yon, 'wag siyang magsinungaling sa'kin dahil alam ko na bawat likaw ng bituka njya.

After that tiring shift last night, my brain was too occupied to even resist her invitation. Namalayan ko na lang na wala kaming pasubali sa pag-inom. Tila walang bukas, nakaubos kami ng lampas sa daliring bilang ng mga bote.

And truly, we were lucky enough not to be poisoned by too much liquor. Dahil kung ganoon nga ang nangyari, yari kaming dalawa. Pareho kaming pupulutin sa impyerno dahil sa mga kalapastanganan namin sa buhay.

''Chef Celestino, here's the extra copy that you requested.''

I smiled at the intern as she handed me the copy of our research, intended for the new product we were improving. We really need to work extra hard because, according to the current report, some of our company's sales dropped. Other food companies are really competitive because they keep on hiring high-class chefs to work on their products. 

Unlike us, who's stuck here at the current production dahil sabi nila, sa oras na mapagtagumpayan namin ang pagsasalabas nito ay mababawi namin ang panlasa ng madla. Lalo na ang mga nasa middle class.

The product needs to be affordable for everyone. Which means, the process requires a lot of practicality and tricks to be high quality.

Pagkabasa sa table of contents ay ipinasa ko kaagad yon kay Spring. Iniwan ko na sa kanya ang trabaho at naunang nag out dahil may lakad ako ngayong gabi.

Tunay ngang subsob ako sa trabaho dahil ito lang ang paraan para pansamantala akong malibang. Sa nakalipas na panahon, ngayon ko na lang ulit nagawang makipagkita sa mga dati kong kaibigan.

I sprayed perfume on my wrist and brought it to the back of my ears. Pagkababa sa taxi ay binaybay ko kaagad ang gilid ng kalsada na pinapalibutan ng nagtataasang gusali.

I'm lowkey excited for tonight since it's been a long time since I last saw him. Buti nga at hindi niya ako nakalimutan, kahit pa bihira kaming nag-uusap.

''Nini! Ang laki mo na ah!''

Hindi nakatakas ang ngiti sa labi ko nang tawagin niya ako. Natawa kaming pareho at saglit na nagyakapan.

''Oh talaga ba, Yuno? Daming alam nito, tsk.''

''Biro lang. Let's go inside. And there's a lot of guests already but...'' Natigil siya at nilingon ako. ''You'll sit at our table. We'll be with you through the night.''

At 'yon nga ang nangyari. Sa ibang bansa na nagtratrabaho si Yuno bilang isang engineer at isa o dalawang buwan lang ang itinatagal ng bawat pag uwi niya dito sa Pilipinas. Sumasakto pa 'yon sa araw ng birthday niya kaya naging kaugalian na ang engrande niyang selebrasyon kasama ang mga kaibigan noong high school at college. 

Ilang batian pa ang nangyari at buti na lang talaga, kahit maliit lang ang circle of friends ko noon ay marami naman akong kakilala. The atmosphere was comfortable at our table and I looked at Wina who's still bubbly as before.

Field of Carnations (Solace Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon