Chapter 3

3.8K 100 10
                                        

Tumakbo si Avia sa palapag kung saan naroroon ang kwarto ng kanyang kapatid.

Nang makita niya ang ICU room ni Aria ay dahan dahan siyang lumapit sa pintuan ng kwarto. Bumuga muna siya ng hangin bago kumatok sa pinto.

Maya maya ay bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang isang matangkad at gwapong lalaki. Kung titingnan ito ay halatang may foreign blood at nahahawig kay Chris Hemsworth na gumanap ng Thorn sa pelikulang avengers. Infairnes gwapo.

Namumula ang mga mata nito at halatang kagagaling lang sa pag-iyak.

"Yes?" Tanong nito sa kanya kaya napakurap kurap siya.

"Ah... A-Ako si Avia. Kapatid ako ni Aria Sandoval."

Gulat na nanlaki ang mga mata ng lalaki at mabilis nitong niluwagan ang pagkakabukas ng pinto.

"Pasok ka."

Mabagal siyang naglakad papasok sa loob ng kwarto. At nang tuluyan na siyang makapasok ay agad niyang nakita ang walang malay na katawan ng kanyang kapatid.

Mabilis niyang nilakad ang pagitan nila ni Aria at agad niya itong niyakap ng marahan. Maraming aparato ang nakakabit dito. Kaya maingat niya itong niyapos.

"A-Ate... Ang tagal natin hindi nagkita tapos malalaman ko ganyan yung lagay mo. Ate Aria nangako ka sa akin na pagbalik mo papasyalan mo ako sa davao. Sabi mo magba-bonding taong dalawa. Ate pagaling ka please. Kailangan kita ate." Umiiyak na ani ni Avia habang yakap yakap niya ito.

Tahimik naman na nakatingin si Hiro sa kanila. Maya maya ay pumasok sa loob ng silid si Darwin na may dala dalang ilang mga bagahe.

Tahimik na lumapit si Hiro kay Darwin.

"Ito na ba lahat ang gamit niya?" Tanong ni Hiro dito kaya tumango ito.

"Natawagan na ni Director ang daddy nila. Baka sa makalawa ay makakauwi siya."

Tumango si Hiro at humarap kay Darwin. "Salamat bud. Salamat sa pag-aasikaso ng lahat at sa pagsundo sa kapatid niya."

"Wala yon. Basta ipangako mo na aalagaan at hindi mo paiiyakin ang buddy ko. Kapag nalaman ko na umiyak yan dahil sayo, ako mismo babaril sayo."

Tumawa habang umiiling si Hiro dito. Tinapik niya ang balikat ni Darwin.

"Hindi mangyayari yon. Alam ng diyos kung gaano ko kamahal si Aria."

Napatigil sila sa pag-uusap ng may tumikhim sa gilid nila. Nang tingnan nila ito ay nakatayo na si Avia at parang nahihiya pa itong lumapit sa kanila.

"D-Darwin, sino siya?" Tanong ni Avia kay Darwin. Palipat lipat pa ang tingin niya sa dalawang lalaki.

Mabilis na napatayo si Hiro ng marinig ang tanong ni Avia. Hindi pa nga pala siya nagpakilala sa kapatid ni Aria.

"Oh fuck! I'm sorry." Inilahad niya ang kamay kay Avia. "Akihiro Garcia, Hiro na lang. Boyfriend ako ng ate mo."

Nanlaki ang mata ni Avia bago siya ngumiti.

"Talaga? Wow! Hindi ko alam na may lovelife din pala ang kapatid ko."

"Hay naku Avia. Kung alam mo lang na ilang taong binantayan ng ate mo yang si Hiro." Tumatawang ani ni Darwin kaya mayabang na napangisi si Hiro.

"Wow! May tinatagong landi ang kapatid ko. Kapag nagising siya, sisingilin ko ang paglilihim niya sa akin."

Tumawa si Hiro at Darwin dahil sa sinabi ni Avia. Hanggang magpaalam si Darwin sa kanila.

Naiwan si Avia sa kwarto ni Aria habang nakatitig siya sa magandang mukha ng kapatid.

(Agent Series Book 4) My Buddy AgentMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon