Nasa loob ngayon ng opisina sina Kurt, Xander, Ruiz, Evangelista At Hiro. Ipinatawag sila ng kapitan nila dahil may importante itong sasabihin sa kanila.
Tahimik na nakaupo si Kurt sa kanyang upuan habang nakapatong ang mga paa sa mesa, nilalaro pa nito ang susi ng motor sa kanyang kamay.
Si Ruiz at Evangelista naman ay abala sa paglalaro ng chess.
Habang si Xander at Hiro ay parehong tulala na para bang mga wala sa sarili.
Lumabas si Jake sa opisina nito at hinarap ang mga kasamahan na siyang naghihintay sa kanya.
"Wala pa ba sila Sandoval at Robles?" Tanong ni Jake.
"Wala pa sir, pero tinawagan ko na si Robles. Nasa biyahe na raw sila." Sagot ni Evangelista.
Tumango si Jake bago binigyan ng sulyap ang mga kasamahan. Napailing na lamang siya. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang ipayo sa mga ito. Alam niyang kahit iba iba ang dahilan ng mga problema ng mga ito ay tiyak siyang lahat iyon ay nagdudulot ng sakit sa bawat isa sa kasamahan niya.
"Sige hintayin natin sandali yung dalawa dahil may importante akong ipinatrabaho sa kanila." Ani muli ni Jake.
Pumasok muli sa opisina niya si Jake at muli din ipinagpatuloy ang paglalaro ng chess nila Evangelista at Ruiz. Habang si Kurt ay sumadal na nang pahiga at ipinikit ang mga mata.
Sandali namang nagpaalam si Hiro dahil tatawag ito sa ospital at aalamin ang kalagayan ni Aria na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising. Hindi ito naglalagi sa ospital dahil masyado itong kinakain ng lungkot kaya sinisikap nito na maging malinaw ang isip kahit malaki ang problemang kinakaharap. Habang si Xander ay ganon pa rin at tulala.
"Mukhang nagkakamabutihan na si Avia at Robles ah!" Ani ni Ruiz habang nag-iisip ito ng kanyang igagalaw na chess piece.
Tumango naman si Evangelista. "Mukha nga. Parating magkasama kaya malabong hindi magkamabutihan yung dalawa."
Napatingin si Xander kay Kurt na parang walang pakialam sa pinag-uusapan ng dalawang kasamahan. Napailing na lamang si Xander habang nakikinig.
Hindi niya alam kung bakit hinahayaan ni Kurt na unti-unting mawala at lumayo sa kanya ang babaeng nagugustuhan nito. Samantalang siya ay halos mamatay kakahabol kay Althea dahil ayaw niya na mawala ito sa kanya.
"Balita ko nga lumabas yung dalawa noong linggo." Ani Ruiz matapos itong igalaw ang horse piece nito.
"Talaga? Mag date yung dalawa?" Tanong naman ni Evangelista.
Tumango si Ruiz na para bang balewala sa mga ito na pinag-uusapan si Avia at Robles.
"Ang gago nagtatanong kung paano manligaw. Mukhang may plano ng pormahan si Avia."
Napamulat ng mata si Kurt dahil sa narinig niya. Napatingin siya sa kisame at tumitig doon.
"Wala naman masama kung ligawan niya si Avia. Maganda at mabait si Avia, maalaga pa. Wala ka nang hahanapin pa dahil complete package na kung baga. At saka dalaga naman yon walang nobyo kaya pwede siyang mag entertain ng mga manliligaw sa kanya."
Napatingin sila kay Kurt ng bigla itong tumayo. Tumingin ito ng masama sa dalawang naglalaro ng chess.
"Magyoyosi lang ako. Tawagin nyo ako kapag kompleto na tayo." Ani ni Kurt bago niya iniwan ang tatlo.
Napatingin sila sa pinto kung saan lumabas si Kurt. Tumayo si Xander at hinampas sa balikat ang dalawang nakangisi na para bang nanalo sa laro.
"Gago talaga kayong dalawa. Alam nyo ng nasasaktan na yung isa patuloy pa rin kayo." Ani ni Xander bago niya sinamaan ng tingin ang dalawa. Naiinis siya sa pagiging insensitive ng mga ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/278553208-288-k536954.jpg)
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 4) My Buddy Agent
Storie d'amore(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Dahil sa pagkamatay ng bestfriend at kabuddy ni Kurt Alvarez ay mahihirapan itong magtiwala sa iba. Matatakot ito na magkaroon muli ng bagong partner Ngunit paano kung isang araw ay bigla na lamang siyang g...