Tunog ng multiparameter monitor ang maririnig sa isang silid ng rest house na nasa tabi ng dagat.
Nakatira dito ang mag-asawang katiwala na sila Mang Gustin at Aling Mely.
Isang araw ay ginulat sila at nabulabog ang tahimik nilang pamumuhay ng biglang dumating ang may-ari ng resthouse na tinitirahan nila na may kasamang isang tao na sugatan.
Halos namumutla na ito dahil sa natamong sugat dala ng tama ng baril. At nanghihina na dahil mukhang nauubusan na ito ng dugo.
Ilang linggo buhat ng alagaan nila ito. Ang sabi ng doctor na tumingin dito ay comatose ito dahil sa dami ng dugong nawala. Nagkaroon din ng komplekasyon ang tama nito sa katawan.
Lumabas ng silid si Aling Mely kung nasaan ang binabantayan at inaalagaan nilang pasyente.
Katatapos lamang niya itong bigyan ng sponge bath.
Dumeretso ito sa kusina kung nasaan ang asawa nito na si Mang Gustin na abala sa pag-aayos ng lamparang ginagamit nito sa pangingisda.
"Gustin, ilang linggo na pero hindi pa rin nagigising yong taong dinala ni madam." Ani ni Aling Mely sa asawa.
Nagkibit balikat lamang ang asawa bago itinuloy ang ginagawa.
"Kawawa naman ang pamilya noon. Baka sobrang nag-aalala na at hinahanap na siya."
"Huwag mo ng pakialaman ang hindi natin problema, Mely. Basta ang bilin sa atin bantayan at alagaan, yon lang ang gagawin natin."
"Ang akin lang ay nakakaawa yung tao. Baka may naghihintay na pamilya sa kanya."
Tumingin si Mang Gustin sa asawa bago ito nakapameywang na humarap.
"Wala tayong magagawa, Mely. Nakita mo ba ang lagay niya? Ni hindi pa nga nagigising at ang sabi ng doctor ay maaaring matagalan pa bago magising. At saka dalawang linggo na siyang natutulog. Hindi natin alam kung magigising pa ba siya. Anong gusto mong gawin natin? Hanapin natin ang pamilya nyan? Ni hindi nga natin alam kung ano ang pangalan niya."
Umupo ang matandang babae at bumuntong hininga.
"Naaalala ko ang alaga natin sa kanya, Gustin. Kung buhay lang sana si Emerald, siguro kasing edad na niya." Malungkot na ani ni Aling Mely.
Bumuntong hininga din si Mang Gustin bago ito lumapit sa asawa.
"Ipagdasal na lang natin si Emerald na matahimik ang kaluluwa niya. At ipagdasal din natin na sana ay gumaling na iyong pasyente at sana ay magising na."
Walang nagawa si Aling Mely kung hindi ang tumango sa sinabi ng asawa.
Dalawang linggo na nilang inaalagaan ang sugatang tao na dinala ng madam nila.
Nang dalhin sa kanila ito ay sugatan at talagang nanghihina na. May ilang tama ito ng baril sa katawan. Ang akala nga nila ay hindi na ito mabubuhay pa ngunit himalang lumalaban ito.
Mukhang ayaw rin nitong bumitaw dahil pinilit nitong lumaban. Siguro ay inaalala nito ang mga taong naghihintay sa kanya.
Kinabukasan ay maagang nangisda si Mang gustin kasama ang mga kapit bahay nila. Madilim pa ay umalis na ang mga ito at naiwan si Aling Mely sa kanilang bahay.
Naging abala si Aling Mely sa mga gawaing bahay. Tanghalian na nang magpasya siyang silipin ang pasyente nila.
Pumasok siya sa silid nito upang sana ay linisan ito. Ngunit ganon na lamang ang gulat niya at pagkabigla nang makitang nakamulat ang mata nito. Nabitawan pa ni Aling Mely ang hawak hwak niyang plangganita at bimpo.
Hindi agad siya nakakilos at nanatili lamang na nakatingin sa gising na pasyente.
Nang tumingin ito sa kanya ay doon na siya kumilos at agad na kinuha ang cellphone upang tawagan ang doctor na tumitingin dito.

BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 4) My Buddy Agent
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Dahil sa pagkamatay ng bestfriend at kabuddy ni Kurt Alvarez ay mahihirapan itong magtiwala sa iba. Matatakot ito na magkaroon muli ng bagong partner Ngunit paano kung isang araw ay bigla na lamang siyang g...