Nakangiti habang nakatingin sa malaking salamin si Avia. Paulit ulit niyang sinipat ang sarili suot ang isang simple ngunit eleganteng puting damit.
Ngayon ang araw ng kasal niya at tinupad nga ni Kurt ang sinabi nito na kinabukasan ay pakakasalan siya nito.
Sa tulong ng mga kaibigan at kasamahan nila ay nagmistulang garden wedding ang impromptu nilang kasal.
Sa mansion ng mga Garcia sila ikakasal dahil na rin sa kahilingan ng ate niya. Sa tulong ni Nathalia na kaibigan nila at asawa ng kapitan nila ay naging posible ang imposible.
Minsan napapailing na lamang siya dahil sa kapangyarihan ng pera. Kapag mayaman ka lahat posible. Lahat kayang gawin ng pera.
Maaga pa lang ay abala na si Nathalia sa kasal nila. Katulong nito si Althea at iba pa nilang kaibigan.
Ang totoo ay si Althea at Xander ang dapat sanay ikakasal sa taon na ito dahil inaayos na ng mga ito ang kanilang kasal. Ngunit dahil sa pagiging mainipin at pagmamadali ni Kurt ay naunahan pa nila ito. Maging ang ate niya ay naunahan pa niya.
Ang mga kaibigan ang naging punong abala sa lahat. Ang simpleng hardin ng mga Garcia ay nagmukhang engrande. Nagmukha itong isang scene sa fairy tale dahil sa mga palamuti nito. Maraming ibat ibang bulaklak ang nakadekorasyon dito. Mayroon ding mga nagliliparang bubbles sa buong paligid at magagarang lamesa at upuan na tinernuhan ng mga bulaklak sa ibabaw.
Hindi mo aakalain na isang araw lamang ito ginawa.
Habang abala siya sa pag-aayos sa sarili ay biglang may kumatok sa labas ng kanyang silid.
Nakangiti siyang tumayo at lumapit sa pinto upang buksan ito. At nang buksan niya ay bumungad sa kanya ang nakangiti niyang kapatid. Kaya niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto at pinapasok ito.
"Pasok ka ate."
Pumasok si Aria at mariing tumitig sa kanya. Ngumiti ito at hinaplos ang pisngi ni Avia.
"Hindi ko aakalain na mauunahan mo pa akong mag-asawa." Natatawang ani ni Aria sa kapatid.
Namula ang mukha ni Avia at ngumiti sa ate niya.
"Si-si Kurt kasi ate eh."
Umupo sila sa couch na naroroon sa loob ng kwarto.
Magkahawak ang kamay nila na nakangiti sa isa't-isa.
"Avia, mahal mo ba siya?" Seryosong tanong ni Aria sa kanya.
Sunod sunod na tumango si Avia bago ngumiti.
"Oo naman ate. Papayag ba ako kung hindi?"
"Masaya ka ba?" Tanong muli nito.
"Masaya ate. At ngayon ko lang naramdaman yung ganito. Alam mo ba yong pakiramdam na para kang nakalutang sa ulap. Na parang ayaw mo nang matapos ang lahat." Nakatingalang ani ni Avia.
Ngumiti si Aria at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Avia.
"Gusto ko lang malaman mo na kapag nagpakasal ka sa kanya ay wala ng atrasan yon. Hindi madali ang pag-aasawa Avia, at hindi laro kaya tinatanong kita kung mahal mo at kung masaya ka. Kasi once na makasal ka na sa kanya wala ng bawian."
Ngumiti si Avia at niyakap niya ang ate niya ng mahigpit. Alam niyang nag-aalala ito dahil sa padalos dalos niyang desisyon. Ngunit masaya siya at wala na siyang nakikita pang ibang lalaki na gusto niyang makasama sa pagtanda. Mabilis man ang lahat ngunit wla siyang nararamdaman na pagsisisi.
"Huwag kang mag-alala sa akin ate. Matanda na ako at kaya ko ng panindigan ang lahat ng desisyon ko. At saka mahal ko si Kurt ate, masaya ako sa kanya. Si Kurt ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko. At alam kong tama ang naging desisyon ko. Hindi ko na nakikita ang sarili ko na magmamahal pa ng iba. Kung hindi lang si Kurt ang mamahalin ko ate ayoko ng magmahal pa."
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 4) My Buddy Agent
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Dahil sa pagkamatay ng bestfriend at kabuddy ni Kurt Alvarez ay mahihirapan itong magtiwala sa iba. Matatakot ito na magkaroon muli ng bagong partner Ngunit paano kung isang araw ay bigla na lamang siyang g...