Nang matanggap ng kampo nila Kurt ang balitang bukas ay dadalhin na sa ibang bansa ang mga babae upang ibenta ay umaksyon agad sila. Inalerto agad nila ang task force para sa gagawin nilang pag raid sa kampo ng mga sindikato. Wala silang inaksayang oras at pinlano agad nila kung paano ililigtas ang nasa higit kumulang na trentang kababaihan na hawak ng mga ito.
Pinulong ni Jake ang lahat at agad siyang nagbigay ng briefing para sa gagawin nilang pagrescue sa mga bihag. Dala ang mga baril habang suot ang bullet proof vest sa katawan ay alerto silang nakinig sa lahat ng sinabi ng kapitan nila.
Habang si Kurt ay hindi na alam kung ano ang nararamdaman niya. Pinaghalong takot kaba at pag-aalala para sa asawa ang namumuo sa kanyang dibdib. Lihim siyang nagdadasal na sana ay maging matagumpay ang pag rescue sa mga ito lalo na kay Avia.
Alam niyang nakaalerto ang iba nilang kasamahan na nakaposte malapit sa kinaroroonan ng mga sindikato. Mahuli man sila sa pagdating ay alam niyang may aaksyon agad kung nagkataon na magipit sila Avia.
At alam niyang may tutulong kila Avia kung sakaling mahuli sila sa pagresponde.
Dasal na lamang niya ay walang masamanag mangyari sa mga kasamahan niya lalo na sa asawa niya.
Hintayin mo ako wife.. Parating na ako.
Nang handa na ang lahat ay nagkanya kanyang sakay ang lahat sa sasakyan. Ang mga task force na kasama nila ay sa isang malaking open truck nakasakay habang sila ay sa isang mobile police van.
Paakyat na sana si Kurt sa loob ng van ng biglang tumunog ang cellphone niya.
Agad na kumunot ang noo niya dahil unregistered ang numero na lumabas sa screen ng cellphone niya. Hindi na sana niya ito sasagutin ngunit tumawag muli ang numero na nakakuha ng atensyon ng kapitan nila.
"Sagutin mo na. Baka importante yan." Ani ng kapitan nila kaya wala siyang nagawa at sinagot niya ito.
Sumakay na ang lahat sa mobile van at siya na lamang ang hinihintay ng mga ito.
"Hello."
"Hello, pwede po bang makausap si Mr. Kurt Alvarez?" Ani ng boses ng babae sa kabilang linya.
"Speaking, sino to?"
"Ah sir, ako po si nurse Joy ng West Hospital, gusto po kayong makausap ni Caloy."
Lalong kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ng babae. Nurse?
Nagtataka siya kung bakit nurse ang tumawag sa kanya. At bakit siya gustong kausapin ni Caloy? May nangyari ba ditong masama? Dinig pa niya ang pagpe-page ng isang babae sa isang doktor kaya sigurado siyang nasa ospital nga ito. Ngunit ang tanong ay bakit?
"Caloy?!" Kinakabahan niyang ani.
"K-Kuya... Si n-nanay po..." Humahagulgol na ani ni Caloy sa kabilang linya.
Nanay pa lang ang naririnig niya ay dumadagundong na sa kaba ang dibdib niya. Para siyang kakapusin ng hininga.
Nang makita ni Hiro na parang namumutla na si Kurt ay agad itong bumaba sa mobile van at hinawakan sa balikat nito.
"C-Caloy, anong nangyari? Asan ka? Anong nangyari kay Nanay Alma?" Sunod sunod niyang tanong.
May hinuha na siya sa nangyari sa Nanay Alma niya ngunit ayaw niya itong tanggapin. Parang bumabalik na naman sa kanya ang trauma sa pagkawala ng mga taong malalapit sa kanya.
Napatingin sa kanya ang mga kasamahan at pareparehong napakunot ang noo ng mga ito.
"K-Kuya... W-Wala na po si n-nanay." Himihikbi nitong sagot sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/278553208-288-k536954.jpg)
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 4) My Buddy Agent
Romansa(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Dahil sa pagkamatay ng bestfriend at kabuddy ni Kurt Alvarez ay mahihirapan itong magtiwala sa iba. Matatakot ito na magkaroon muli ng bagong partner Ngunit paano kung isang araw ay bigla na lamang siyang g...