Chapter 26

2.1K 69 8
                                    

Dalawang linggo ang mabilis na lumipas matapos mailibing ang Nanay nila Caloy na si Alma at si Avia.

Magkasabay itong inilibing kaya labis labis ang luhang bumuhos ng mga araw na iyon.

Kahit ayaw ni Kurt ihatid sa huling hantungan si Avia ay napilitan siya, dahil hindi siya tinantanan at nilulubayan ng mga kasamahan niya. Laging nakabuntot sa kanya si Ruiz, Evangelista at Robles. Halos sa bahay na rin niya ito nakatira kasama ang magkapatid na Caloy at Neneng.

Siguro ay natatakot ang mga ito na baka may hindi maganda siyang gawin sa sarili. Aminado naman siya na gago siya dahil naisip niyang gawin iyon. Ngunit hindi nila masisisi si Kurt dahil labis ang nararamdaman nitong kalungkutan.

Dahil sa pangyayari ay binigyan sila ni Director James ng isang buwan na bakasyon upang makapagpahinga at makapagluksa, lalo na si Kurt.

Alam nila na kung may isang tao na sobrang nasasaktan sa mga nangyayari ay walang iba kung hindi si Kurt.

Parati din itong lasing at halos maubos na nga nito ang lahat ng alak na naka display sa mini bar sa loob ng bahay nila ni Avia.

Noong mga unang araw ay sinasamahan pa ito nila Ruiz uminom. Ngunit nitong huli ay napagod na sila. Hindi na nila kaya pa ang makipagsabayan dito sa pag-inom. Pinipigilan nila ito ngunit masyado itong matigas ang ulo.

Hindi nga ito mamamatay sa pagpapakamatay ngunit mukhang mamamatay naman ito dahil sa sakit sa araw araw na pag-inom at sa nararamdamang lungkot at pagpapabaya sa sarili.

Kahit gusto nila itong pagalitan at pagsabihan ay hindi nila magawa.

Wala sila sa katayuan ni Kurt upang hindi maintindihan ang sakit na nararamdaman nito, kaya ang tanging magagawa na lamang nila ay samahan ito hanggang maging maayos ito. Hanggang makapag simula muli ito kahit papaano.

Maagang nagising si Ruiz dahil siya ang toka na pagluluto ng almusal nila. Pansamantala silang nakatira sa bahay ni Kurt. Hindi nila maiwan ito dahil natatakot sila na baka saktan nito ang sarili lalo na at kasama pa nito sa bahay ang dalawang bata.

Mabuti na lamang at malaki ang bahay na iniregalo ni Hiro kay Kurt at Avia noong ikinasal sila.

Lima ang kwarto nito bukod ang maids quarter at lahat ng kwarto ay may sariling banyo. Malaki ang sala at dining area.

Mayroon itong swimming pool na may karugtong na mini garden, entertainment room, kitchen at dirty kitchen na magkahiwalay. Mayroon din itong laundry room at rooftop na pwedeng pagdausan ng mga salo salo o munting handaan dahil malawak ito.

Sa rooftop nito ay matatagpuan ang mini bar at billiard table.

Pagkatapos ng kasal at honeymoon nina Kurt at Avia noon ay inayos agad nila ang bahay. Gusto nilang dito na manirahan kaya hindi sila nag-aksaya ng panahon para ayusin ito. At upang wala na silang aalalahanin pa pagkatapos ng misyon nila, dahil plano nilang magpakasal muli sa simbahan pagkatapos.

Habang abala sa pagluluto si Ruiz ng fried rice hotdog, itlog at tinapa na almusal nila, ay naramdaman niya na may taong pumasok sa loob ng kusina kung nasaan siya, kaya agad siyang napatingin sa pinto.

Magkakasunod na pumasok sina Robles na panay ang hikab, si Evangelista at ang dalawang bata na pare-parehong pupungas pungas.

Magkasama sa isang kwarto sina Robles at Evangelista. Habang sa kwarto ni Caloy si Ruiz natutulog. Si Neneng naman ay solo sa kwarto dahil nag-iisang babae ito.

"Gisingin mo na si kuya Kurt, Caloy. Kagabi pa iyon hindi kumakain." Utos ni Ruiz.

Tumango si Caloy at tahimik na naglakad habang kinukusot ang mata.

(Agent Series Book 4) My Buddy AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon