Warning: Mature Content | R-18
"A-Avia?!" Gulat na ani ni Kurt.
Umiyak lamang ito habang nakayakap mula sa likuran at nakasubsob ang mukha sa likod ni Kurt.
Ilang minuto tumagal ang pwesto nila hanggang bumitaw si Avia nang yakap at humarap ito sa kanya.
Sinapo nito ang mukha ni Kurt na basa ng luha. Tinitigan niya ito ng buong pagmamahal bago kinintalan ng isang magaan na halik sa labi.
"A-Avia."
Pinunasan ni Avia ang luha ni Kurt gamit ang kanyang mga kamay.
"M-Mahal kita. Mahal na mahal. At masaya ako na malaman na mahal mo rin ako. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ngayon. Kung alam mo lang na ipinagdasal ko na sana ay mahalin mo rin ako." Umiiyak na ani ni Avia.
Niyakap ni Avia si Kurt at yumakap din ito sa kanya ng mahigpit.
"M-Mahal kita Avia. Ikaw ang dahilan kung bakit gusto kong malampasan ang lahat. Ikaw ang rason kung bakit gusto kong magsimula muli. Ikaw lang Avia."
Inihiwalay ni Kurt ang katawan niya kay Avia at siniil niya ito ng halik sa labi.
"I love you... I love you my tiny." Ani ni Kurt sa pagitan ng halik nila.
Si Avia naman ay hindi nakasagot dahil sakop pa rin nito ang kanyang mga labi.
Nang maghiwalay ang kanilang labi ay pinagdikit ni Kurt ang noo nilang dalawa.
"A-Avia ... natatakot ako. Natatakot ako na baka pati ikaw ay mawala sa akin. Kasi kapag nangyari yon, hindi ko na alam kung saan ako pupulutin. Natatakot ako na maiwan muli, na may mangyari sayong masama. Natatakot akong...."
Mabilis na hinalikan ni Avia ang labi ni Kurt upang patigilin ito sa pagsasalita. Matapos niya itong halikan sa labi ay kinintalan din niya ito ng halik sa tungki ng ilong at noo.
"Kurt, pwede ba akong humiling sayo? Pwede bang hilingin na magtiwala ka sa akin. Kahit ngayon lang kapre." Tinitigan niya ito sa mata bago muling nagsalita.
"Hindi lahat ng taong napapalapit sayo at mamahalin mo ay iiwan ka. Lalong hindi mo kasalanan kung bakit ka nila iniiwan. Nagkakataon lang na tapos na ang misyon nila dito sa lupa. Kaya kinakailangan na nilang umalis. Pero hindi nangangahulugan na porket umalis sila ay hindi ka nila mahal. Mahal ka nila Kurt at sigurado akong masakit din iyon para sa kanilang lahat. Masakit din para sa kanila na iwanan ka."
Hindi nagsalita si Kurt at nanatili itong nakatitig sa mukha ni Avia. Habang hinahaplos naman ni Avia ang pisngi nito.
"Nangangako ako na babalik ako sayo ng buo. Pangako Kurt... Kaya please, trust me okay?!" Pagpapatuloy pa ni Avia.
Kahit ayaw sumagot ni Kurt ay tumango na lamang siya. Wala siyang magagawa dahil trabaho nila iyon. At iyon ang iniatas na gagampanan nito para sa kaso. At kahit mabigat ang loob ni Kurt ay hindi niya magawang magreklamo dahil una pa lang ay alam niya na tulad niya ay alagad din ng batas si Avia. At may tungkulin ito para sa bayan.
Ngumiti si Avia at muli niyang hinalikan ang noo ni Kurt.
"May ilang araw pa tayo para magkasama. Gusto kong sulitin ang araw na yon. Kaya kahit anong hilingin mo pagbibigyan ko." Nakangiting ani ni Avia.
Tinitigan ni Kurt ang magandang mukha ni Avia bago niya ito niyakap.
"Stay with me tiny. I want to be with you."
"Hmm! If that's what you want, I will." Ani ni Avia. Iyon din naman ang gusto niya. Ang makasama ito bago siya ipadala sa bago niyang misyon.
Matapos nilang mag-alay ng dasal para sa namayapang kaibigan ay nagpasya na silang umalis ng sementeryo.
![](https://img.wattpad.com/cover/278553208-288-k536954.jpg)
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 4) My Buddy Agent
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Dahil sa pagkamatay ng bestfriend at kabuddy ni Kurt Alvarez ay mahihirapan itong magtiwala sa iba. Matatakot ito na magkaroon muli ng bagong partner Ngunit paano kung isang araw ay bigla na lamang siyang g...