Matapos ang seremonya ay nagkaroon ng munting programa para sa kasal nina Kurt at Avia.
Nagbigay ng mensahe ang kani-kanilang pamilya, malalapit na kaibigan at kasamahan sa trabaho.
Hindi rin nakatakas sa dalawa ang mga asaran at kulitan ng mga kaibigan habang masayang idinadaos ang pagdiriwang.
Masaya para sa kanila ang mga kaibigan at pamilya, na parehong alam ang pinagdaanan bago nila nakilala at nakasama ang isa't isa.
Naging sentro din nang asaran ng mga ito si Robles na nakabusangot at may mga pasa sa mukha.
"Anong nangyari dyan sa mukha mo?" Tanong ni Avia kay Robles nang makalapit sila ni Kurt sa mesa ng mga ito.
Tumingin si Robles kay Avia at ngumiti ito ng bahagya. "Napa engkwentro lang." Matipid naman nitong ani kasabay ng pag-inom nito ng alak sa baso.
Umiiling na bumuntong hininga na lamang si Evangelista sa kabuddy nito.
"Ano nga ba ang nangyari dyan sa mukha mo, Robles? Mukhang humihina na ang buto mo." Pang-aasar naman ni Ruiz dito.
Masama itong tumingin kay Ruiz bago itinaas ang gitnang bahagi ng daliri nito.
"Huwag ako ang pagpiyestahan nyo. Hindi ako ang ikinasal." Inis na ani ni Robles.
Duda sila sa ikinikilos nito ngunit wala sa kanila ang gustong magtanong. Alam nilang magsasabi ito sa kanila oras na hingin nito ang payo nila.
"Init ng ulo." Nakangising umiiling si Ruiz sa ipinapakitang ugali ni Robles.
"Nga pala bud." Ani ni Hiro bago ito tumayo at lumapit kay Kurt. May iniabot itong isang folder at susi. "Regalo namin ni Aria sa inyong mag-asawa."
Napakunot ang noo ni Kurt bago ito humiwalay ng pagkakayakap kay Avia at tiningnan ang laman ng folder na iniabot ni Hiro sa kanya.
Nanlaki ang mata nila ni Avia nang makita ang isang titulo ng bahay malapit sa subdivision kung saan nakatayo ang mansion ng mga Garcia. Napatingin sila kay Aria at Hiro na kapwa nakangiti sa kanila.
"Iba talaga magregalo si Garcia. Daig pa ang ninong sa kasal." Tumatawang saad ni Evangelista.
"Yong regalo mo sa amin ni Althea huwag mong kakalimutan ah." Ani naman ni Xander na umani ng tawanan ng lahat.
"Bud, sobra naman ata ito. May apartment naman ako, kaya okay lang kami doon." Napakamot sa noong ani ni Kurt.
Nahihiya siya sa ibinigay nitong bahay. Ang totoo ay plano naman niya ang bumili ng bahay lalo na at may naipon naman siya. Kaya ngayon na may asawa na siya ay iyon ang una sa listahan niya. Ngunit dahil sa regalo ng magnobyo sa kanila ay mukhang hindi na niya kakailanganin pa ang bumili. Dahil may instant bahay na sila.
"Kurt please, tanggapin mo na. Gusto ko kasi malapit lang kayo ni Avia sa amin. Alam mo naman na dalawa lang kaming magkapatid at matagal kaming nagkahiwalay. Kaya sana tanggapin mo Kurt. Para na lang sa akin." Ani ni Aria.
Tumingin si Kurt kay Avia na para bang nagtatanong ito kung ano ang desisyon nito. At nang tumango ito nang nakangiti ay tumingin siya kina Aria at Hiro bago ngumiti.
"Okay daw sabi ni kumander. Salamat sa inyo."
"Walang hiya, tingin pa lang taob na. Mukhang nakahanap na naman ng disipolo si kapitan." Saad ni Robles kaya nagtawanan silang lahat.
"Robles, magiging ganyan ka rin kapag nakita mo na ang babaeng magpapataob sayo. Baka mas masahol ka pa sa amin." Tumatawang Saad ni Xander.
"Hindi na mangyayari yon. Dahil bato na ang puso ko. Hindi na tatablan yan."
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 4) My Buddy Agent
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Dahil sa pagkamatay ng bestfriend at kabuddy ni Kurt Alvarez ay mahihirapan itong magtiwala sa iba. Matatakot ito na magkaroon muli ng bagong partner Ngunit paano kung isang araw ay bigla na lamang siyang g...