Chapter 25

1.8K 74 16
                                    

"AVIA!!"

Napabalikwas ng bangon si Kurt nang mapanaginipan niya si Avia.

Napaupo siya at agad na inihilamos ang kamay sa mukha. Halos lahat din ng tao sa burol ay nakatingin sa kanya dahil sa pagsigaw niya.

Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Kinakabahan siya at hindi niya maintindihan kung bakit ganon ang nararamdaman niya.

Pakiramdam niya ay totoo ang panaginip niya. Bangungot para sa kanya ang napanaginipan niya.

At hindi niya iyon kayang tanggapin. Iniisip pa lamang niya na may masamang nangyari kay Avia ay naninikip na ang dibdib niya. Pakiramdam niya ay mamamatay siya dahil sa sakit.

Hindi niya alam na nakatulog na pala siya sa upuan ng funeral homes kung saan nakaburol ang Nanay Alma nila.

"Kuya Kurt, okay ka lang ba?" Tanong ni Caloy sa kanya.

Napatingin siya dito bago tumango.

"Sandali lang kuya, kukuhanan kita ng tubig."

Para siyang kakapusin ng hininga dahil sa sobrang kaba. Napahawak pa siya sa dibdib dahil sa bilis ng tibok ng puso niya.

Naisip niya ang operasyon nila. Ang pagrescue sa mga babae at sa asawa niya.

Hindi niya maiwasang mag-alala kay Avia. Lalo na at hindi maganda ang panaginip niya. Ayaw man niyang mag-isip ng masama ay hindi niya maiwasan dahil parang babala sa kanya ang panaginip na iyon.

Inabutan siya ng tubig ni Caloy saka niya ito ininom. Ginulo niya ang buhok nito bilang pasalamat sa pagbibigay ng tubig sa kanya.

Tiningnan niya ang relo na nakasuot sa kanyang braso at nang makita niyang pasado alas kwatro na ng madaling araw ay naisip niya na baka tapos na ang operasyon at kasalukuyan nang nahuli ang lahat.

"Dito lang kayo. May tatawagan lang ako." Bilin niya sa magkapatid na Neneng at Caloy.

Tumango naman ang dalawa at tahimik na nakaupo sa harapan ng kabaong ng kanilang ina.

Lumabas siya upang huwag magambala ang mga nagdadasal sa loob ng silid. Naroroon kasi ang mga kapit bahay ng Nanay Alma niya at dinadasalan nila ito.

Agad niyang kinuha ang cellphone bago tinawagan si Xander. Ngunit napakunot ang noo niya nang hindi nito sagutin ang tawag niya kaya tinawagan naman niya ay si Robles. Naiinis niyang pinutol ang tawag ng ang operator ang sumagot sa kanya. Sinubukan niyang tawagan ang lahat ng kasamahan niya. Kung hindi nakapatay ang cellphone ng mga ito ay walang sumasagot.

Lalo siyang binundol ng kaba dahil hindi niya alam kung ano ba ang nagyayari sa mga ito lalo na sa asawa niya.

Kinuha niya ang jacket niya at helmet bago nilapitan upang kausapin ang isang kapit bahay nila Caloy.

"Aling Iska, pwede po bang kayo na muna ang bahala sa mga bata? May importante lang po akong pupuntahan."

"Siya sige, dito na muna kami. Hihintayin namin na bumalik ka. Bukas ay pupunta naman yong ibang kapit bahay pati na rin sila Chairman ay darating." Ani ng matandang babae.

Tumango siya. "Kayo na po muna ang bahala sa mga bata. Babalik po ako agad, pasensya na po."

"Ayos lang, kami na ang bahala dito. Kahit sa ganitong paraan ay matulungan namin ang mga anak ni Alma kaya huwag kang mag-alala."

Tinanguan niyang muli ang matanda bago siya nagpasalamat. Nilapitan niya si Caloy at Neneng na tahimik na nakaupo.

Humarap siya sa mga ito at pumantay ng upo. Hinaplos niya ang mukha ni Neneng. "Caloy, Neneng, dito na muna kayo. Pupuntahan ko lang si ate Avia nyo."

(Agent Series Book 4) My Buddy AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon