"Nandyan ka na pala... Sabi ni kap pagdating mo pumasok ka raw agad sa opisina niya." Ani ni Evangelista kay Kurt na kararating lang sa loob ng quarters nila.
Tumango si Kurt bago inilapag ang mga gamit sa sarili niyang mesa.
Kumatok muna siya sa pinto bago niya ito binuksan. Nang makapasok siya ay agad niyang nakita na nakausap ng kapitan nila si Avia.
Napatingin sa kanya si Avia at ang kapitan nila. Nang magtama ang kanilang paningin ay agad umiwas ng tingin si Avia sa kanya.
"Mabuti at nariyan ka na... Maupo ka." Saad ni Jake bago itinuro ang upuan sa tapat ni Avia.
"May ibibigay ako sa inyo na bagong assignment. Tutulungan ka ni Robles at Evangelista dyan." Ani ni Jake habang iniaabot nito ang folder na naglalaman ng bagong kaso na hahawakan nila.
"Drug dealer sa bar?" Tanong ni Kurt bago tumingin kay Jake.
Tumango si Jake sa kanya at ipinatong ang kamay sa mesa. "May nakapag tip sa amin na may nagaganap na bentahan ng droga sa bar na yan. At lahat ng parokyano ay mga kabataan. Hindi lang yon, dahil hindi lang basta droga, kung hindi mga kakaiba at delikadong droga. Tulad ng ecstasy na sumisira sa katinuan, injectable sex drugs at ibat ibang klase ng malalakas na heroin na bumabaliw at pumapatay sa mga kabataan."
Tumango si Kurt at muling tiningnan ang files na nasa folder. Dalawang bar ang nakalagay dito. At isa na roon ang sikat na bar na pagmamay ari ng anak ng isang maimpluwensiyang pulitiko.
"Sige sir. Gagawin po namin ang makakaya namin sa kasong ito. Hindi po kami titigil hanggat hindi nahuhuli ang utak ng bentahan drugs sa bar na ito."
Tumango si Jake bago sumulyap kay Avia. Napatingin din si Kurt kay Avia na natahimik habang nilalaro nito ang kuko sa daliri.
Lihim na napangiti si Kurt ng makita ang tila balisa at kinakabahan nitong itsura.
"May isa pa akong pakay sayo Alvarez."
"Ano po yon sir?"
"Naiintindihan ko kung ayaw mo talaga na magkaroon ng bagong partner at hindi na kita pipilitin pa. Ang pakiusap ko lang na sana ay ikaw ang magsanay at magturo kay Sandoval ng mga bagay na dapat niyang matutunan habang hindi ko pa siya naililipat."
"Lilipat?" Naguguluhang tanong ni Kurt sa kapitan nila. Tumingin pa siya kay Avia na hindi makatingin ng deretso sa kanya.
Bumuntong hininga si Jake bago sumagot ito. "Oo, nag request si Sandoval na magpalipat sa ibang department. Kaya gusto ko sana na isama mo siya sa mga imbistigasyon mo habang nasa departamento pa natin siya. Total bukod sa kabisado mo ang maynila ay gamay mo ang kalakaran dito. Iba ang probinsya kaysa dito sa maynila kaya gusto ko na isama mo siya sa mga lakad mo."
Hindi alam ni Kurt kung ano ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Ngunit malinaw sa kanya na may kirot siyang naramdaman ng malaman nito na lilipat si Avia sa ibang departamento.
Isa lang ang ibig sabihin, iyon ay ang bibira na niya itong makita o makasama. Hindi niya maitindihan ang sarili kung bakit parang ayaw niya ang ideya na iyon.
Diba yan ang gusto mo ang mawala siya? Lilipat na siya. Ani ng isang bahagi mg utak ni Kurt.
Napatingin siya kay Avia na nakayuko pa rin at hindi makatingin sa kanya ng deretso.
"Kaya sana Alvarez kahit ito man lang ay pagbigyan mo ako. Kapag okay na siyang bitawan at kaya na niya saka ko siya ililipat ng ibang department."
Kahit ayaw niya ay tumango na lamang siya. Naiinis siyang lumabas ng opisina ni Jake. Hindi niya alam kung ano ba ang ikinakainis niya. Yong nalaman niya na isasama niya ito sa imbistigasyon niya o ang nalaman niya na paglipat nito.
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 4) My Buddy Agent
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Dahil sa pagkamatay ng bestfriend at kabuddy ni Kurt Alvarez ay mahihirapan itong magtiwala sa iba. Matatakot ito na magkaroon muli ng bagong partner Ngunit paano kung isang araw ay bigla na lamang siyang g...