Chapter 7

2.4K 93 7
                                    

Kinagabihan ay napagkasunduan nila na pumunta sa club Elysium upang magmanman at kumalap ng mga ibidensya na maaari nilang magamit sa kaso.

Sisimulan nila ang pag-iimbistiga ng palihim upang malaman nila ang kalakaran ng bentahan ng droga sa loob ng club.

May nakapag tip sa kanila na hinihikayat ng mga ito ang costumer na gumamit. Lalo na kung sex drugs ito. Inaalok pa nila ang mga parokyano ng kwarto upang doon maglabas ng init ng katawan ang lahat ng makakagamit ng sinasabing droga.

Kilala ni Kurt ang may ari ng club. Ngunit wala silang matibay na ibedensya na maaaring magamit upang makulong ito kaya gagawin niya ang lahat upang makahanap ng malakas na ibedensya upang madiin ito sa kaso.

Naunang dumating si Kurt sa club. Nang makapasok siya ay agad siyang humanap ng bakanteng upuan. Nang makaupo siya ay agad siyang nilapitan ng isang waiter.

"Good evening sir. Mukhang bago kayo dito ah?" Nakangiting tanong ng waiter sa kanya.

Tumango siya, "Yeah! May nakapagsabi kasi sa akin na maganda raw dito." Sagot niya dito.

Lihim niyang iniikot ang paningin sa loob ng club. Maraming kabataan ang nagsasaya ngayon sa club. At dahil biyernes kaya tiyak na dadami pa ito kapag medyo lumalim na ang gabi.

Maingay, malakas at mabilis ang tugtog na nagmumula sa dj. Kaliwat kanan ang mga kabataan na umiinom at sumasayaw. Malikot rin ang ilaw at iba iba ang kulay nito.

"Opo sir, maganda dito. Bukod sa maraming magaganda at sexy na babae ay may mga etra service pa."

Napatingin siya sa waiter ng sabihin nito iyon.

"What do you mean? Baka kailangan ko yang extra service na sinasabi mo." Pakikisakay niya dito.

"Malalaman nyo rin sir kapag tumagal na kayo dito. Sa ngayon mga alak na lang muna ang maibibigay ko sa inyo."

Tumango siya, hindi siya maaaring magpahalata na may iba siyang pakay kaya sa ngayon ay makikisakay na lamang muna siya.

"Ano iinumin nyo sir?" Tanong muli ng waiter.

"Scotch on the rock." Sagot niya.

Umalis ang waiter at kinuha ang order niya. Nang makabalik ito ay hindi na siya nito muling kinausap. Kaya lihim na lamang niya itong sinundan ng tingin.

May kalahating oras na siyang umiinom at nakakadalawang baso na rin siya ng alak. Hindi siya ganon kabilis malasing dahil mataas ang alcohol tolerance niya.

Habang umiinom si Kurt ay may pumasok na isang magandang babae sa entrance ng club.

Napakaganda nito sa suot nitong pula na fitted dress na umaabot lamang hanggang tuhod. Bukas ang likod nito kaya kitang kita ang magandang hubog ng katawan nito. Bagay na bagay dito ang damit nitong suot.

Kita niya ang pag-ikot ng paningin nito na halatang mayroong hinahanap at nang magawi sa pwesto niya ang paningin nito ay agad nagtama ang kanilang paningin. Napamura at muntik nang maibuga ni Kurt ang kanyang iniinom nang makilala niya kung sino ang magandang babae na tinitingnan niya.

"Anak ng tokwa. Tang ina!" Ani ni Kurt habang pinupunasan ang kanyang mga labi at nakatitig kay Avia.

Lihim namang natawa si Avia sa naging reaksyon ni Kurt sa kanya. Kita din niya ang paghagod nang tingin nito sa katawan niya.

Imbis na lumapit siya sa kinauupuan ni Kurt ay dumeretso siya sa bar counter at doon ay umupo siya.

Walang alam si Avia kung paano ang kalakaran sa loob mg club. First time niya ang makapasok dito. Kahit ang pagsusuot niya ng sexy na damit ay pakana ni Marites na kasambahay nila Hiro. Mabuti na lamang at may pang party na damit ang ate niya. Kaya mayroon siyang nagamit.

(Agent Series Book 4) My Buddy AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon