Epilogue

4K 103 16
                                        

Liwanag na nagmumula sa bintana ang gumising kay Kurt. Bahagya siyang gumalaw upang yakapin ang asawa sa kanyang tabi.

Ngunit agad na napamulat ang isang mata niya nang makapa na bakante ang kanyang tabi. Tiningnan niya ang paligid ngunit wala sa loob ng kanilang silid si Avia.

Humikab muna siya bago nagpasyang  bumangon sa kama at maligo. Sigurado siyang nasa kusina na ang asawa niya at abala ito sa pagluluto ng almusal.

Ilang buwan ang nakalilipas simula ng makita niyang muli si Avia. Ang akala talaga niya ay wala na ito at iniwan na siya.

Malaki ang pasasalamat niya sa taong nagligtas kay Avia. Kung makikita lamang niya ito ay pasasalamatan niya ito ng husto.

Halos gumuho ang mundo niya dahil lang sa pag-aakala na patay na si Avia. Hindi niya akalain na buhay ito at babalik sa kanya. Tama nga ang kasabihan na pagkatapos ng unos ay may liwanag na darating.

Dahil pagkatapos ng unos na pinagdaanan niya ay heto siya at masaya. Masayang namumuhay sa piling ng asawa.

At wala na asiyang mahihiling pa sa buhay niya ngayon. Masaya siya sa buhay niya ngayon. Sa trabaho at mga kaibigan. At higit sa lahat sa buhay na kasama ang kanyang pinakamamahal niyang asawa.

Kasama na rin nila ang magkapatid na si Caloy at Neneng. Nasa kanila na ang custody ng mga bata kaya sila na ang tumatayong legal guardian ng mga ito.

Dahil sa pangyayari ay napag-usapn nilang mag-asawa na tumigil na ito sa pagiging agent. Nagmakaawa si Kurt na magresign na ito sa trabaho. Alam niya na pagiging makasarili ang ginawa niya ngunit mas maatim pa niya na maging makasarili kaysa mawala sa kanya si Avia.

Dahil sigurado siya na kapag nawala si Avia sa kanya ay tuluyan na siyang mababaliw.

Nang matapos siyang maligo ay nagsuot lamang siya ng simpleng t-shirt at pinarisan niya ng sweat pants.

Wala siyang trabaho ngayon dahil katatapos lamang ng huling assignment nila. Kaya humingi siya ng bakasyon sa director nila dahil plano nila ang umalis para second honeymoon nila na ngayon lamang nila gagawin.

Gusto na rin kasi nila ang makabuo ni Avia. Siya na lamang ang walang anak sa kanilang may mga asawa. Si Jake na kapitan nila ay magiging dalawa na ang anak dahil buntis si Nathalia. Habang si Althea naman ay nakapanganak na ng bouncing baby boy. Buntis naman si Aria at malapit na rin manganak kaya naiinggit siya dahil gusto na rin niya magkaroon ng sariling little agent niya.

Nang buksan niya ang pinto ay ganon na lamang ang gulat niya dahil sa pagputok ng confetti poppers kasabay ng pagkanta ng mga ito ng happy birthday para sa kanya.

Napangiti siya habang umiiling dahil kompleto ang mga baliw niyang kaibigan kasama ang mga asawa ng mga ito. May suot silang lahat na party hat na animoy aattend ng birthday party ng isang bata.

At talagang ginawa nila akong bata.

Kumakanta sila habang sumasayaw naman si Hiro at Robles kaya habang kumakanta silang lahat ay nagtatawanan

Kahit kailan talaga hindi na maaalis pa kay Robles ang pagiging abnormal nito. Habang buhay na siguro itong may sayad sa utak.

Napangiti siya ng bahagyang lumapit sa kanya ang asawa na may hawak hawak na cake. Hinalikan siya nito sa pisngi bago bumati ng happy birthday sa kanya.

Hindi niya akalain na sosorpresahin siya ng mga ito. Halos nakalimutan na nga niya ang kanyang sariling kaarawan dahil hindi naman talaga siya nagce-celabrate kahit noong bata pa siya.

Napatingin siya kay Avia na nasa kanyang tabi. Tumatawa ito habang kumakanta.

Naalala pa niya nang araw na makita niya ang metal chip na nahulog sa wallet niya kaya agad niyang pinuntahan si Aria.

(Agent Series Book 4) My Buddy AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon