Chapter 6

2.2K 82 3
                                    

"Anong lugar 'to?" Tanong ni Avia nang makababa siya sa sinasakyang motor.

"Huwag kang mag-alala, nasa maynila ka pa rin." Seryosong sagot naman ni Kurt sa kanya. Agad niya itong inikutan ng mata dahil sa inis.

Bwisit talaga 'tong kapre na 'to kahit kailan. Inis na bulong ni Avia sa sarili.

Hindi sa pagiging maarte, ngunit tingin niya ay mukhang delikado ang lugar. Isa itong eskwater area, bukod sa maraming tambay na lalaki at halos dikit dikit din ang mga bahay dito ay kailangan niya na ma-pamilyarized ang mga lugar na pinupuntahan nila ni Kurt. Lalo na at wala siyang alam sa buong maynila dahil laking probinsiya siya.

"Anong lugar nga ito?" Ani niya habang iniikot ang mata sa paligid.

"Parte pa rin ito ng maynila... Huwag kang mag-alala, mukha lang hindi mapagkakatiwalaan ang mga yan pero mababait sila." Sagot ni Kurt sa kanya.

"Hindi naman problema ang mga tao. Kailangan ko lang malaman ang lugar na pinupuntahan natin." Ani ni Avia habang nagmamasid sa buong lugar.

"Bakit?"

Sandaling tumingin si Avia sa mata ni Kurt bago siya sumagot.

"Kailangan ko kasi, para kapag lumipat na ako ng ibang department ay alam ko na ang mga lugar." Mahinang ani ni Avia.

Yumuko si Avia nang sabihin niya iyon. Ayaw man niya iyong banggitin ay hindi na niya mabawi pa. Naisip niya na total ay alam naman ni Kurt ang paglipat niya. Mas maigi na rin na malaman nito na ayos lang sa kanya na lumipat siya.

Sasagot pa sana si Kurt ng marinig niya ang pagtawag sa kanya ng isang binatilyong lalaki.

"Kuya Kurt!" Napatingin sila sa batang tumatakbo at tumawag kay Kurt. Agad itong yumakap kay Kurt na para bang kay tagal nilang hindi nagkita.

"Oh Caloy, kumusta? Kumusta ang pag-aaral?" Saad ni Kurt ng humiwalay ito sa yakap ng binatilyo. Nakipag apir pa ito ng kamay sa kanya.

Napatulala naman si Avia ng makita niya ang ngiti na sumilay sa mga labi ni Kurt. Alam niya na hindi iyon gaanong mapapansin kung hindi tititigan ng maigi, ngunit kitang kita niya na ngumiti ito.

"Ayos naman kuya. Matataas po ang grades ko." Sagot naman ni Caloy kay Kurt.

"Mabuti kung ganon. Mag-aral kang mabuti, para balang araw ikaw naman ang tutulong kay nanay Alma at neneng." Ginulo ni Kurt ang buhok ni Caloy kaya napangiti ito.

Lihim namang nakangiti si Avia sa nakikita niyang emosyon kay Kurt. Wala ang pagiging masungit nito. Malumanay at may lambing itong nakikipag-usap kay Caloy. Ibang Kurt ang nakikita niya ng mga sandaling iyon. Nakangiti ito at wala ang masungit nitong awra. Nagulat pa siya ng biglang ngumiti ito, dahil iyon ang unang beses na nakita niya ang pagngiti nito. Lalo tuloy itong naging gwapo sa kanyang paningin.

"Huwag kang mag-alala kuya. Pagbubutihan ko po. At saka salamat pala kuya sa ibinigay mong pangbili ng gamit namin ni neneng."

"Wala yon. Basta mag-aral mabuti at magtapos. Hangga't kaya kong tulungan kayo, tutulong ako."

Nang mga oras na iyon habang nakatingin si Avia sa mukha ni Kurt na nakangiti ay may isang bagay siyang napagtanto.

Bumibilis ang tibok ng kanyang puso kapag nakikita at nakakasama niya ito. Dumadagundong ito na para bang nagwawala dahil dito. Mayroon din siyang nararamdamang nagliliparan sa tiyan niya lalo na ng halikan siya nito.

Manhid lang ang hindi makakaalam sa tunay niyang nararamdaman. At hindi siya manhid para hindi malaman kung bakit ganon ang nararamdaman niya para kay Kurt.

(Agent Series Book 4) My Buddy AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon