Tahimik at maingat na ginising nila Avia ang mga babae na isasama nila sa pagtakas.
May gulat man sa mukha ng mga ito ay hindi naman maaalis sa kanila ang kasiyahan nang malaman na tatakas sila. Kaya kita niya ang maaliwalas na mukha ng lahat at pawang masasaya na makaalis sa lugar na kinalalagyan nila ngayon.
Nang maging handa na ang lahat ay hinati nila sa dalawang grupo. Si Ivie at Julia ang unang grupo na lalabas kasama ang ibang babae. Habang si Cynthia at Avia naman ang pangalawang grupo.
Nagulat pa siya ng lapitan siya ni Ivie at abutan siya nito ng baril.
"S-Salamat." Aniya.
"Tandaan mo Avia. Mayroon lamang tayong isang oras para makaalis na loob ng bahay na ito." Ani ni Cynthia.
"A-Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan niyang tanong.
"Pagkatapos ng isang oras ay sasabog ang buong kabahayan maging ang ibang bahay. Kaya sikapin nyo na makaalis kayong lahat dito bago sumabog. Kailangan makaligtas kayong lahat." Ani naman ni Ivie.
Isa lamang ang ibig sabihin nito. Tinaniman nito ng bomba ang buong paligid at mukhang walang nakakaalam sa ginawa nito.
Hindi na siya nagulat ng sabihin ni Ivie na sasabog ang bahay. Umpisa pa lang ay duda na siya sa pagkatao nito. Kaya hindi nakapagtataka ang mga kaya nitong gawin.
"Mag-iingat kayo Avia." Ani ni Ivie.
"Salamat sa lahat Ivie. Kayo rin mag-iingat kayo." Aniya. Kita pa niya ang pagtatanguan nina Cynthia at Ivie.
Sa uri ng tingin at tanguan ng mga ito ay hindi niya maiwasan na pagdudahan na magkakilala ang dalawa. Hindi nga niya nakikitang nag-uusap ang dalawa Ngunit madalas naman ay nakikita niyang nagtitigan at parang nagkakaintindihan ang mga ito sa tingin. Parang may kakaiba sa kanilang tinginan at parang doon sila nag-uusap.
Nang buksan ni Ivie ang pinto ay sinilip muna nito ang labas ng silid. Sumenyas ito ng okay kaya naunang na silang lumabas kasama ang nasa labing lima na babae.
Nakinig at nakiramdam sila kung may putukan bang magaganap o kung may makakahuli ba sa mga ito, ngunit naging tahimik ang lahat.
Sumunod silang lumabas na pinangunahan ni Cynthia. Nang makalabas sila ay maingat nilang binaybay ang pasilyo ng kabahayan.
Mga bagsak at mukhang napatulog na ni Ivie ang mga nakasalubong nilang bantay dahil halos lahat ay nakahandusay na sa sahig at mga walang malay.
Alam nila na wala sa loob ng bahay ang totoong laban, dahil mas maraming nakabantay sa labas at doon ay alam nila na mas empiyerno ang kakaharapin nila.
Nauunang naglalakad si Cynthia upang gabayan ang mga babae at upang protektahan ang mga ito sa makakasalubong nila. Habang siya ay nasa likuran upang siguraduhin ang kaligtasan nila mula sa likuran.
Palabas na sana sila sa pinto ng biglang may sumigaw na lalaki at sigawan sila nito.
"Takbo!" Sigaw niya ng makitang papuputukan na sila ng lalaki kaya agad na tumakbo ang mga babae palabas ng bahay. Nagkanya kanyang tago sa mga ito kakahuyan.
Pinaputukan sila ng lalaki kaya alam nila na naalarma na ang lahat. Alam na rin ng mga ito na nakatakas sila at siguradong hahanapin sila.
Sinilip niya ang labas ng bahay at nakita niyang lumabas si Dimayuga at si Cong. Solis. Kita pa niya ang galit na galit na mukha ni Dimayuga na binaril ang isang tauhan nito. Sumigaw pa ito na hanapin sila kaya agad na nagpulasan ang mga lalaki.
Naging pagkakataon iyon para sa kanila na makalayo sa lugar. Naisip niyang dalhin ang mga babae sa lagusan na pinasukan niya noon, upang doon makalabas ang mga ito. Hindi sila maaaring lumabas sa main gate dahil siguradong aabangan sila ng mga sindikato.
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 4) My Buddy Agent
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Dahil sa pagkamatay ng bestfriend at kabuddy ni Kurt Alvarez ay mahihirapan itong magtiwala sa iba. Matatakot ito na magkaroon muli ng bagong partner Ngunit paano kung isang araw ay bigla na lamang siyang g...