"Hmmp!" Impit na ungol ni Avia nang galugarin ng dila ni Kurt ang kanyang bibig.
Nanghihina ang tuhod niya kaya napasandal siya sa pagitan ng pinto at malabakal na katawan nito.
Si Kurt naman ay sabik na hinalikan si Avia dahil sa ilang araw niya itong hindi nakita pagkatapos ng pag-uusap nila sa labas ng ospital.
"I fucking missed you tiny." Ani ni Kurt habang patuloy na hinahalikan ang mga labi ni Avia.
Hindi siya nakasagot sa sinabi nito dahil sakop pa rin nito ang labi niya. Halos maubusan na siya ng hangin dahil sa mapusok at nakakaubos hininga nitong paghalik sa kanya.
Napaungol muli si Avia nang maramdaman ang pag kagat nito sa kanyang ibabang labi kaya napakapit siya ng husto sa balikat nito.
Hinihingal silang naghiwalay pagkatapos ng nakakapugtong halik. Pinagdikit pa ni Kurt ang noo nilang dalawa.
Ngumsi si Kurt nang makita na namula at bahagyang namaga ang labi ni Avia. Hinaplos pa niya ng daliri ang labi nito na may bakat ng kanyang ngipin.
"A-Ano bang ginagawa mo dito. Lumabas ka na, baka may makakita sa atin." Ani ni Avia habang hinahabol pa rin ang paghinga. Lalong nagwala ang puso niya nang masulyapan ang mukha ng lalaking kanyang kaharap. Halos hindi rin siya makatingin ng deretso sa mukha nito.
Imbis na lumabas ito ay lalo itong yumakap ng mahigpit sa kanya. Ibinaon pa ni Kurt ang mukha sa leeg ni Avia. Kaya lalong nagwala ang puso niya. Pakiramdam din niya ay naririnig nito ang malakas na tibok ng kanyang puso.
Talagang nanabik si Kurt na makita itong muli. Naisip niya na kung hindi lamang importante ang ipinatrabaho sa kanya ay hindi siya aalis kasama si Ruiz. Hindi niya ito iiwan ng ilang araw.
"Hoy! Ano na, labas na."
Umangat ang mukha ni Kurt at mariin itong tumingin kay Avia. Hinaplos niya ang pisngi nito.
"Na miss kita. Ako ba namiss mo?" Ani ni Kurt.
Umangat ang isang kilay ni Avia bago ngumisi dito. Dahil matangkad ito ay nakatingala siya dito.
"Anong gusto mong isagot ko?" Tanong ni Avia na sinamahan pa nang pagtaas ng kilay at nakapameywang na nakatingin dito.
Agad na ngumuso si Kurt dahil sa sagot niya kaya mahina siyang natawa dahil sa naging reaksyon nito. Shit ang gwapo ni kapre. Kinikilig na bulong ng isip ni Avia.
"Syempre yung totoo. Yung namiss mo din ako."
Humagikhik lalo si Avia dahil sa naiinis itong sagot sa kanya.
"Paano ka nakakasiguro na namiss kita? Paano kung hindi?" Ani muli niya.
Sumeryoso si Kurt bago bumitaw ng yakap kay Avia. Namulsa ito sa harapan niya at tumingin sa mukha niya.
Tumango si Kurt bago nagsalita muli. "Ganon ba? Sana pala hindi na lang ako bumalik."
Naalarma si Avia dahil sa pagiging seryoso nito. At dahil din sa isinagot nito sa kanya, kaya mabilis siyang yumakap dito.
"Syempre namiss kita. Kung alam mo lang. Ilang araw ka kayang nawala." Malambing na ani ni Avia habang nakayakap sa beywang ni kurt.
Hindi sumagot si Kurt kaya tumingala si Avia at tiningnan ang mukha nito.
Kita niya na hindi nagbago ang seryoso nitong mukha kaya hinalikan niya ito sa baba at leeg.
Napangiti siya ng marinig ang mahina nitong pagmumura bago yumakap ng mahigpit sa kanya.
"Pasalamat ka hindi kita matiis." Ani ni Kurt kaya natawa siya at muling hinalikan ang leeg nito.
"Stop it tiny. Baka hindi ako makapagpigil."
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 4) My Buddy Agent
Romansa(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Dahil sa pagkamatay ng bestfriend at kabuddy ni Kurt Alvarez ay mahihirapan itong magtiwala sa iba. Matatakot ito na magkaroon muli ng bagong partner Ngunit paano kung isang araw ay bigla na lamang siyang g...
