Chapter 8

2.1K 81 15
                                    

Ilang araw iniyakan ni Avia ang nangyari sa club. Sa tuwing sumasagi sa isip niya ang mukha ni Kurt na nasasaktan ay parang doble ang sakit para sa kanya.

Gusto niya itong alagaan, makasama at mahalin. Ngunit paano niya iyon gagawin kung ito mismo ang nagtutulak sa kanya palayo.

Ngayon lamang nagmahal si Avia. Kay Kurt niya kauna unahang naramdaman ang pakiramdam na may pinahahalagahan na ibang tao bukod sa pamilya niya. Ngayon lamang niya naramdaman na tumibok ng mabilis ang puso niya at ngayon lamang niya naramdaman na maging masaya makasama lamang ang isang tao kahit pa lagi itong galit sa kanya.

Hindi niya alam kung bakit minahal niya ito sa kabila ng pagiging masungit nito at laging galit sa kanya.

Maraming manliligaw at nagpapalipad hangin kay Avia sa probinsya. Ngunit kahit isa sa mga ito ay wala siyang naramdaman na tulad ng naramdaman niya kay Kurt.

Iba ang kiliti na ibinibigay sa puso niya tuwing nakikita niya ito. Sa tuwing kasama niya at matitigan niya ang gwapo nitong mukha ay parang nawawala siya sa sarili.

Hindi niya alam kung makakaahon pa ba siya sa sakit na nararamdaman niya. Nagtataka nga siya kung bakit lahat ng in-love ay masaya at blooming dahil bukod tangi lamang na siya ang stress at nasasaktan dahil sa pag-ibig.

MAAGA PA lang ay nasa opisina na si Avia. Ayaw niya na parating nag-iisa. Mas nadadagdagan ang lungkot niya dahil bukod sa kapatid na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ay mas lalo siyang nalulungkot kapag naaalala niya si Kurt.

Isang linggo matapos ang nangyari sa pagitan nila sa club ay hindi na niya ito nakikita sa opisina. Abala din sina Ruiz dahil may bago itong kaso na hinahawakan kasama si Robles at Lopez.

Si Evangelista at ang kapitan nila ang madalas niyang nakikita sa headquarters.

Kahit gusto niyang makita si Kurt ay wala siyang magawa. Alam niyang hindi ito pumapasok kapag naroroon siya. Alam niya na tuluyan na siyang iniwasan at nilalayuan nito.

Gusto niyang kumustahin at alamin kung maayos ba ito. Ngunit nahihiya naman siya na magtanong sa kapitan nila. Kaya wala siyang magawa kung hindi maghintay kung kalian ito magpapakita sa kanya.

Habang abala si Avia sa mga files na nasa mesa niya ay biglang bumukas ang pinto ng opisina nila.

Napatingin siya sa taong pumasok at ganon na lamang ang lakas ng kabog ng didbib niya ng makita kung sino ang nagbukas ng pinto.

Napatingin si Avia sa mukha ni Kurt na halatang pagod at walang tulog. Maitim ang ilalim ng mata nito, medyo nangangapal na rin ang balbas nito sa baba at medyo magulo ang buhok.

Nakaramdam ng awa si Avia para kay Kurt. Halata na hindi maayos ang lagay nito.

Nang pumasok si Kurt ay halatang hindi na ito nagulat na naroon na si Avia. Wala siyang nakikitang kahit anong emosyon sa mukha nito. Tanging pagod lamang ang mababakas sa mukha nito.

Dumeretso ito sa mesa, umupo ng pahiga sa upuan niya at ipinatong sa mesa ang mga paa bago ipinikit ang mga mata.

Nakatingin lamang si Avia kay Kurt habang nakaupo ito ng pahiga at nakapikit ang mata.

Tumayo si Avia bago kumuha ng tubig sa water dispenser. Nang makakuha siya ng tubig ay tumingin siya kay Kurt na nakapikit pa rin. Kahit nag-aalangan at nagdadalawang isip ay lumapit siya dito at dahan dahan niyang ibinaba sa mesa ni Kurt ang baso ng tubig.

Nang tumalikod na si Avia ay siyang pagbukas naman ng mga mata ni Kurt. Tiningnan nito ang baso ng tubig na inilapag ni Avia bago siya sumulyap dito na ngayon ay nakaupo at nakatalikod na sa kanya.

(Agent Series Book 4) My Buddy AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon