Maagang nagising si Avia kahit pakiramdam niya ay pagod na pagod ang katawan at isip niya. Hindi niya makuhang makampante lalo na at nasa delikado siyang sitwasyon. Idagdag pa ang pag-iisip niya sa lahat ng sinabi ni Ivie sa kanya at ang biglaang pagsulpot ni Cynthia.
Habang nag-aalmusal sila ng gatas at tinapay ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto kung saan sila nakakulong at ipinasok ng mga lalaki ang babaeng kinuha nila kahapon.
Inihiga ito sa gitna nila kaya nagulat silang lahat at napatingin dito. Napatayo si Avia bago niya nilapitan ang babae upang tingnan ang kalagayan nito.
Agad na namuo ang galit sa dibdib niya nang makita ang kaawa-awang lagay nito.
Sinugod niya ang isang lalaki, ngunit hindi pa man siya nakakalapit ay nahawakan na siya ng isa pang lalaki sa beywang upang pigilan.
"Anong ginawa nyo sa kanya?! Mga hayop kayo! Mga demonyo!" Sigaw niya habang nagpupumiglas at umiiyak.
Pabalya siyang binitawan ng lalaki kaya napaupo siya sa sahig habang umiiyak.
"Naiinggit ka ba? Huwag kang mag-alala sa susunod ikaw naman." Tumatawang ani ng lalaki na humawak sa kanya bago sila nagtatawanan at iniwan sila sa loob ng kwarto.
Lumapit siya sa babaeng sugatan. Maputla ito at maraming sugat at pasa sa katawan.
Nang hawakan niya ang katawan nito ay mainit at inaapoy ng lagnat. Lalo siyang binundol ng kaba at galit ng makita ang pasa sa leeg nito. Kita rin niya ang ilang sugat na gawa ng karayom na maaring may itinusok dito na droga.
Kumuyom ang kamao niya habang nakatingin sa babae. Nanghihina ito at halos wala ng kulay ang mukha dahil sa putla.
May sugat at mga dugo din ito sa binti at hita. Halata ang paghihirap na pinagdaanan nito sa kamay ng mga demonyong lalaki.
Mukhang hindi rin iisang lalaki lang ang gumalaw dito. Mukhang pinagpasa-pasahan ito.
Umiiyak na rin ang ibang mga babae dahil sa takot na baka isa sa kanila ang isusunod. Kaya kailangan na niyang gumawa ng paraan.
Tumayo siya at pinunasan ang luha sa pisngi. Pumunta siya sa tapat ng pinto at kinatok ang mga bantay sa labas.
Nang bumukas ang pinto ay sumilip ang lalaking bantay nila.
"Anong problema mo?!"
"Gusto kong makausap si Cynthia." Aniya.
Tumaas ang kilay ng lalaki bago ngumisi.
"Kilala mo pala si madam. Anong kailangan mo sa kanya?" Tanong nito.
"Hindi ikaw ang gusto kong makausap, si Cynthia. Kaya pwede ba dalhin mo ako sa kanya.!" Nanggigigil niyang ani.
Tumawa ang lalaki. Narinig pa niya na tinanong ito ng isang kasamahan nito.
"Kakausapin daw si madam."
"Pagbigyan mo na." Ani naman ng kausap nito
"Sige labas. Sumunod ka sa akin."
Huminga siya ng malalim bago sumilip sa mga babaeng naroroon. Kita pa niya ang pagsulyap ni Ivie sa kanya.
Naglakad ang lalaki paakyat sa ikatlong palapag habang nakasunod siya. Hindi pa niya ito naaakyat at ngayon lamang niya nakita ang kabuuan ng ikatlong palapag.
Tatlo ang kwarto dito habang lima naman sa ikalawang palapag.
Tumigil sila sa gitnang kwarto. Kumatok ang lalaki doon at narinig nila na sumagot si Cynthia ng come in. Kaya binuksan ng lalaki ang pinto at pumasok doon ang lalaki habang nasa likuran siya.
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 4) My Buddy Agent
عاطفيّة(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Dahil sa pagkamatay ng bestfriend at kabuddy ni Kurt Alvarez ay mahihirapan itong magtiwala sa iba. Matatakot ito na magkaroon muli ng bagong partner Ngunit paano kung isang araw ay bigla na lamang siyang g...
