Chapter 1

3.4K 79 13
                                    

"Budd!!!"

Sigaw ni Kurt kasabay ng pagbalikwas niya sa hinihigaan niyang kama.

Basang basa siya ng pawis at hinihingal nang magising siya. Daig pa niya ang tumakbo ng ilang kilometro dahil sa bilis ng tibok at lakas ng kabog ng dibdib.

Naupo siya sa kama at naihilamos ang mga kamay sa kanyang mukha bago nagpakawala ng bumuntong hininga.

"Fucking dream."

Tumayo siya at pumasok sa loob ng banyo. Humarap siya sa salamin bago siya naghilamos ng mukha.

Kinuha niya ang tableta na inireseta sa kanya ng doctor at ininom niya ito.

Nang mamatay ang kabuddy at best friend niyang si Choi sa harapan niya ay nagkaroon siya ng anxiety. Madalas siyang hindi nakakatulog sa gabi. Minsan ay kinakailangan pa niyang uminom ng sleeping pills para lang makatulog siya. Madalas din niya itong napapanaginipan na para bang kahapon lang ito nangyari.

Dalawang taon na ang lumipas ngunit pakiramdam niya ay sariwa pa rin sa kanyang ang lahat. Kahit pilit na sinasabi ng iba na wala siyang kasalanan ay hindi niya iyon kayang tanggapin.

Sinisisi niya ang sarili sa pagkamatay ni Choi. Labis ang pagluluksa niya at alam niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya napapatawad ang sarili dahil sa pangyayari.

Siguro kapag natanggap na niya at napatawad na niya ang sarili ay doon lamang siya tuluyan na magiging malaya sa lahat. Makapagsisimula na siyang muli.

Ngunit paano siya magsisimula kung paulit-ulit itong bumabalik sa kanya. Ni hindi nga niya matanggap ang nangyari mapatawad pa kaya ang sarili.

Ngumingiti siya, masaya ang ipinapakita niyang mukha sa harap ng lahat, nagpapanggap siya na okay siya. Ang hindi nila alam ay unti unti siyang kinakain ng depression at pag-uusig ng konsensya. Lalo na at alam niyang may naiwang pamilya si Choi. Hindi rin niya alam kung bakit paulit-ulit niyang napapanaginipan ang nangyari noon. Siguro ay isa na rin sa dahilan ang pagkamatay nito sa harapan niya.

Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng panaginip niya. Galit ba sa kanya si Choi? Mayroon ba itong gustong sabihin? Wala siyang ideya. Simula rin ng mailibing ito ay natakot siyang dalawin ito. Takot na baka lalo siyang malugmok sa pangyayari, takot na baka lalong hindi siya makaahon sa paninisi niya sa sarili.

Kinuha niya ang pakete ng sigarilyo sa side table. Kumuha siya ng isang stick bago ito sinindihan.

Lumapit siya sa nakabukas na bintana bago siya humithit at bumuga ng usok.

Ulilang lubos na si Kurt dahil sabay na namatay ang mga magulang niya dahil sa aksidente. Nahulog sa bangin ang sinasakyan na bus ng mga ito paluwas sana ng maynila, dahil parehong sa maynila ito nagtatrabaho habang siya noon ay naiiwan sa lolo at lola niya sa baguio.

Noong mga panahon na iyon bukod sa lolo at lola niya ay si Choi ang isa sa naging sandalan niya. Kaibigan na niya ito at kababata kaya isa ito sa naging karamay niya. Nagkahiwalay lamang sila ng lumipat na sa maynila ang pamilya ni Choi. Ngunit hindi nawala ang koneksyon nila sa isat-isa. Nanatili ang kanilang komunikasyon sa pamamagitan ng sulat.

Nang mamatay ang mga magulang niya ay ang lolo at lola na niya ang nag-alaga sa kanya. Na kalaunan ay binawian din ng buhay dahil sa sakit at katandaan.

Dahil bata pa lang ay pangarap na niya ang maging isang magaling na alagad ng batas kaya pinilit niya na masuportahan ang sarili upang makatapos siya sa pag-aaral.

Nang mamatay ang lolo at lola niya ay minabuti niya na lumuwas ng maynila mag-isa. Doon ay tinulungan siya ni Choi na makahanap ng matutuluyan habang nag-aaral. Namasukan din siya bilang kargador sa pier at divisoria. Minsan na rin siyang naging batang maynila. Kaya alam niya ang pasikot sikot sa buong maynila. Kilala siya ng mga kawatan kaya ilag ang karamihan sa kanya. Madalas din noon na masabak siya sa basag ulo at nang maging ganap na siyang alagad ng batas ay lalo siyang kinatakutan ng mga taong halang ang kaluluwa.

(Agent Series Book 4) My Buddy AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon