Maaga pa lang ay ipinatawag na sila ng kapitan nila na si Jake dahil sa importanteng meeting. May natanggap silang kaso tungkol sa mga kababaihan na dinudukot at ibenebenta sa ibang bansa upang gawing posti o ibenta sa mayayaman na tao upang gawing sex slave.
Mga kolehiyala at magagandang babae ang target ng mga ito. Ilan sa mga biktima ay sales lady at mga babaeng call center agent na ginagabi ng uwi.
Ilang pamilya na rin ang dumulog sa istasyon ng pulis upang ipahanap ang mga nawawala nilang kamag anak na hindi na nakauwi pa.
Dahil sa lumalala na ang kaso at dumarami na rin ang nabibiktima ay nagpasya ang mga kapulisan na ang beauru na ang trumabaho at humawak ng kaso.
Agad naman itong tinanggap ni Jake dahil alam niya na kaya itong iresolba ng maayos ng buong team niya. Ang kasalukuyan nilang hawak na kaso na tungkol sa droga ay ipinasa niya sa ibang departamento upang sila na ang magresolba nito sa utos na rin ng Chief Director nila na si James Ramirez.
Dahil naka leave si Hiro ay hindi ito makakasama sa proyekto. Kaya tanging si Jake, Kurt, Xander, Robles Evangelista, Ruiz at Avia ang magkakasama sa kasong hawak nila.
Nang makompleto sila sa loob ng conference room ay isa isa silang inabutan ni Cherry na Secretary ni Jake ng mga folder na naglalaman ng impormasyon tungkol sa kasong hahawakan nila.
Sabay sabay na binuklat ng mga ito ang folder at halos pare-pareho ang naging reaksyon ng mga ito.
"Sir, bakit ngayon lang ipinasa sa atin ito. Kung kailan malala na ang sitwasyon?!" Inis na ani ni Ruiz nang makita ang report na ibinigay sa kanila.
Napabuntong hininga si Jake at nagkibit balikat na lamang.
"Ganito na karami ang biktima?" Ani ni Avia. Kaya tumango si Jake.
"Dahil galing ang utos mula sa itaas ay wala tayong magagawa. Bilang task force ng beauru ay kailangan nating itong tanggapin. Trabaho ito team at saka hindi nyo ba namimiss yung ganitong aksyon? Matagal tagal na rin ng huli tayong nagkaroon ng ganitong assignment."
Sabay sabay na napangisi ang mga ito kaya naguguluhang napatingin si Avia sa kanilang lahat. Sila lang ata ang kilala kong excited sumabak sa pakikipag patayan. Ani ng isip ni Avia.
"Anong plano sir?" Tanong naman ni Evangelista.
Tumayo si Jake at lumakad ito sa harapan nilang lahat.
"Dahil mga kolehiyala at magagandang dalaga ang biktima, ay kukuha tayo ng isang asset na magpapanggap na sales lady. Siya ang gagamitin natin upang makapasok tayo sa kampo ng mga sindikato."
"Hindi ba masyado itong delikado para sa asset sir?" Tanong naman ni Robles.
Napatango muli si Jake at tumingin sa kanilang lahat.
"Delikado, pero wala tayong magagawa. Kailangan nating ng pain para makapasok tayo sa kuta nila. Para malaman natin ang ginagawa nila."
"Sino ang ipapadala nyo sir?" Tanong naman ni Kurt.
Ang totoo ay kinakabahan siya dahil natatakot siya na baka si Avia ang ipadala ng kapitan nila at gawing pain. Lihim siyang nagdasal na sana ay hindi ito ang ipadala ni Jake sa kuta ng mga sindikato.
"Isa sa agent ng beauru ang napagkasunduan namin na ipasok." Ani ni Jake bago ito tumingin kay Avia.
"Kung hindi lamang naaksidente si Aria, siya sana ang ipadadala namin dahil bihasa si Aria sa mga ganitong trabaho. Kaya napagkasunduan namin na si Sandoval ang ipapasok namin sa loob."
Napamura si Kurt kasabay ng pagsulyap niya kay Avia. Kinuha niya ang kamay nito at mahigpit niya itong hinawakan. Lahat naman ng kasamahan nila ay napatingin din dito lalo na kay Kurt.
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 4) My Buddy Agent
Storie d'Amore(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Dahil sa pagkamatay ng bestfriend at kabuddy ni Kurt Alvarez ay mahihirapan itong magtiwala sa iba. Matatakot ito na magkaroon muli ng bagong partner Ngunit paano kung isang araw ay bigla na lamang siyang g...
