Maaga pa lang ay nakarating na si Kurt sa headquarters. Hindi na niya hinintay si Xander dahil alam niyang isasabay naman ito ni Evangelista.
Nang makapasok siya sa loob mismo ng quarters nila ay naabutan niya doon si Hiro na abala sa mga papeles na nasa ibabaw ng mesa nito.
Umupo siya sa upuan na nasa harapan nito. Saglit itong sumulyap sa kanya bago ipinagpatuloy ang ginagawa nito.
"Bakit parang kulang ka sa tulog?" Tanong ni Hiro sa kanya.
"Hindi na naman ako nakakatulog nitong mga nakaraang araw." Sagot niya habang nakasandal sa upuan at nakapikit ang mga mata.
Tumingin si Hiro kay Kurt at sandali nitong itinigil ang ginagawa niya. Tumayo ito at gumawa ng kape para kay Kurt.
Bumalik ito sa mesa niya at iniabot kay Kurt ang isang tasa ng kape.
"Oh, kumain ka na ba?" Tanong muli ni Hiro.
Umiling siya at kinuha ang iniabot nitong kape. Umayos siya ng upo at saka ininom ang kape.
"Nandyan na ba si sir?" Tanong niya kay Hiro.
Tumango si Hiro bago bumuntong hininga." Nandyan na kanina pa, may kausap lang... Pumunta ka muna sa canteen at kumain ka don ... Kung nabubuhay lang si Choi tiyak kong magagalit siya sayo."
Napatigil siya sa pag-inom ng kape nang marinig niya ang pangalan ng kaibigan niya. Tumingin siya kay Hiro na nagtatagis ang bagang. Ayaw na ayaw niya sa lahat na binabanggit ang pangalan nito.
"Hindi ko sinasabi sayo yan para magalit ka. Sinasabi ko sayo yan para alagaan mo ang sarili mo. Sa tingin mo ba matatahimik si Choi kung nakikita kang ganyan." Inis na ani ni Hiro.
Nalaman ni Hiro na pansamantala niya itong magiging bagong partner. Kaya mapapadalas ang pagsasama nila. Si Salvador ang orihinal niyang partner at buddy. Ngunit wala ito dahil may kinakaharap na problema kaya simula noon ay lagi siyang naging reserved para sa mga kasamahan.
Tahimik na yumuko si Kurt habang hawak ang tasa ng kape. Si Hiro naman ay tumayo at inilagay ang mga papeles sa drawer.
Lumapit si Hiro kay Kurt at hinawakan niya ito sa balikat. Umupo ito sa harapan ni Kurt.
"Bud, kailangan mong magsimula muli. Hindi na tama yang ginagawa mo sa sarili mo. Kung iniisip mo na wala ka ng pamilya, anong tawag mo sa amin? Minsan na akong nawalan ng mahal sa buhay kaya alam ko kung gaano kasakit ang naramdaman mo. Pero naisip ko na kung pababayan ko ang sarili ko tiyak na masasaktan ang mommy ko. At alam kong ganon din si Choi. Alam natin na kaya ginawa ni Choi iyon dahil mahal ka niya." Bumuntong hininga si Hiro at mariing tumingin kay Kurt.
"Isipin mo bud na lahat tayo mawawala sa mundong ito. Nagkataon lang na nauna sila sa atin. Kasi tapos na ang misyon nila na iniatang sa kanila. Ikaw marami ka pang misyon, tayo. Marami pa tayong tao na dapat iligtas. Kaya kailangan mong alagaan ang sarili mo. Maraming inosenteng tao ang umaasa sa atin." Sandaling tumahimik si Hiro. Sinipat niya ang itsura ni Kurt.
"Lalo na ngayon na pansamantalang magiging buddy kita."
"What?!" Gulat na tanong ni Kurt.
Tumango si Hiro at ngumisi sa kanya.
"Yup! At final na yon kaya wala ka ng magagawa."
Naiinis na tumayo siya at lumabas ng quarters nila. Pumunta siya sa smoking area bago siya nagsindi ng sigarilyo.
Maya maya ay bumalik siya sa loob ng quarters at sakto naman na pinapasok na sila ng kapitan nila sa loob ng opisina nito.
Sabay silang sumaludo kay Jake at ganon din si Jake sa kanila.
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 4) My Buddy Agent
Romansa(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Dahil sa pagkamatay ng bestfriend at kabuddy ni Kurt Alvarez ay mahihirapan itong magtiwala sa iba. Matatakot ito na magkaroon muli ng bagong partner Ngunit paano kung isang araw ay bigla na lamang siyang g...