Warning: Mature Content | R-18
Matapos kumain ay tahimik na bumalik si Avia sa cabin nila habang nakasunod sa likuran niya si Kurt.
Hindi ito nagsasalita at hindi na muling nagtangka na kausapin pa siya kaya lalo siyang nakaramdam ng inis.
Ang totoo ay hindi naman talaga siya galit kay Kurt.
Naiinis lamang siya dahil masyado itong gwapo upang maging lapitin ng mga babae. Naisip din niya na mukhang marami pa siyang mararanasan na ganong sitwasyon dahil asawa na niya ito.
At aaminin niya na hindi naman siya pang miss universe sa ganda upang maging kampante siya. Kinakain siya ng insecurities niya sa katawan at sa ibang bagay.
Kung pwede lamang na isulat sa noo ni Kurt ang mga salitang 'pulis ang asawa ko at namamaril siya ng malalanding lalapit sa akin' ay isusulat niya, lumayo lamang ang mga babae magtatangkang lumapit dito.
Nakabusangot siyang umupo sa kama bago kinuha ang cellphone niya. Hindi niya pinansin si Kurt na nakasunod lamang sa kanya mula sa resto pabalik ng cabin nila.
Hindi din ito nagsasalita at matamang nakatingin lamang ito sa kanya. Siguro ay alam nito na galit pa rin siya at gusto nito na palamigin ang ulo niya.
Ilang beses na bumuntong hininga si Avia bago humiga sa kama at nagtalukbong ng kumot.
Napailing na lamang si Kurt sa minsang pagiging isip bata ng asawa. Naghubad siya ng pang itaas na damit at tumabi sa pagkakahiga sa asawa.
"Wife, are you still mad?" Malambing na tanong ni Kurt. Niyakap niya ito ngunit hindi ito gumalaw kaya hinapit niya ito palapit sa kanya.
"Hey! Wala naman akong kasalanan doon eh. Hindi ko naman alam na lalapitan nila ako. Sinabi ko pa nga sa kanila na may asawa na ako at ipinakita ko pa yong singsing ko." Pagpapaliwanag ni Kurt.
Hindi siya gumalaw at nanatili lamang siyang nakatalukbong ng kumot. Naiinis siya kaya pilit niyang pinapakalma ang sarili. Ayaw niya na mag-away sila ng dahil sa mga babaeng hitad na iyon.
Alam niya na walang kasalanan ang asawa pero hindi niya kayang tanggapin ang ginawang paghaplos ng babae sa katawan nito. Iniisip pa lamang niya na lumapat ang kamay nito sa braso ni Kurt at lalong umuusok ang ilong niya sa galit.
Iyon ang ikinagagalit niya dito. Hindi ito umiwas sa paghawak ng babae sa kanya. Gusto niya itong batukan dahil mukhang narasapan pa.
"Sorry na kung may kasalanan ako. Pangako hindi na po mauulit."
Hinalikan ni Kurt sa noo si Avia kahit nakabalot ito ng kumot.
"Please talk to me, wife." Ani muli ni Kurt bago nito inalis ang pagkakatalukbong ng kumot sa mukha nito.
Napangiti si Kurt nang makita ang nakabusangot nitong mukha at nanghahaba nitong nguso.
"Hey, wife, kumander, my tiny!" Ani ni Kurt.
Bumaling ang mukha ni Avia paharap kay Kurt at matalim siya nitong tiningnan.
Ngunit ganon na lamang ang gulat niya nang biglang siyang halikan ni Kurt sa labi at daganan siya nito. Hindi na tuloy niya nasabi kung ano ang gusto niyang sabihin dito.
Hindi niya tinugon ang halik nito kaya kinagat kagat ni Kurt ang ibabang labi niya kaya napaungol na lamang siya.
Sa huli ay wala siyang nagawa at tinugon din niya ang halik nito. Pasalamat ka mahal kita. Ani ng isip ni Avia habang patuloy na hinahalikan ni Kurt sa labi.

BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 4) My Buddy Agent
Roman d'amour(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Dahil sa pagkamatay ng bestfriend at kabuddy ni Kurt Alvarez ay mahihirapan itong magtiwala sa iba. Matatakot ito na magkaroon muli ng bagong partner Ngunit paano kung isang araw ay bigla na lamang siyang g...