Chapter 19

3.1K 83 4
                                        

Matapos ang kasal at naging honeymoon nina Kurt at Avia ay agad silang bumaik sa kanilang trabaho.

Magkasabay silang pumasok sa headquarters dahil iyon ang araw na pag-uusapan nila ang gagawin nilang paraan kung paano makakapasok si Avia sa kampo ng mga sindikato.

Tahimik na nakikinig ang lahat sa mga paliwanag at sinasabi ng kapitan nila. Walang nagtatanong o nagsasalita man lang at mariin nilang pinakinggan ang magiging plano.

Alam nila na sa konting pagkakamali ay buhay ang kapalit, kaya kailangan nilang maging maingat sa lahat ng gagawin.

"Sir paano po natin maipapasok si Avia sa loob?" Tanong ni Xander.

"Papasok siya na hindi nila namamalayan na nakapasok na si Avia. May itinurong daan ang asset natin na papasukan ni Avia. At nakaabang siya doon upang abangan si Avia. Ito ang bahalang gumawa ng paraan upang hindi siya mahalata."

Nagkatinginan si Avia at Kurt. Naramdaman ni Avia na hinawakan ni Kurt ng mahigpit ang kamay niya kaya ngitian niya ito.

Alam niya na nag-aalala ito ngunit alam din niya na may tiwala ito sa kanya na kaya niyang gawin ang trabaho.

"Sir, nabigyan nyo na po ba ng order yung asset? Alam na po ba niya ang gagawin?" Tanong naman ni Avia.

Tumango si Jake. "Kapag pumasok si Avia ay kailangan nating kabitan ng camera ang katawan niya. Lalagyan din natin siya ng audio piece upang magkakakuha tayo ng matitibay na ibidensya na magdidiin sa mga kasapi ng sindikato."

"Sir, totoo po ba na isang senador ang protektor ng sindikato?"

Bumuntong hininga si Jake bago ito tumango.

"Ayon sa asset natin hindi lang siya protector ng sindikato dahil isa siya sa bigboss ng mga ito. Mayroon din isang kongresista. Malawak ang hawak nila. Kaya kailangan natin ng matitibay na ibidensya na makapagdidiin sa kanila. Upang wala na silang kawala sa lahat ng ikakaso natin sa kanila."

"Kailan natin isasagawa ang plano sir?" Seryosong tanong ni Kurt.

"Bukas ng gabi, kaya kailangan maghanda na ang lahat."

Tumingin si Jake kay Avia bago ito tumango. "Ipapaliwanag namin sayo ang lahat Avia. Lahat ng gagawin mo."

Matapos ang naging meeting ay pinapunta si Avia sa training ground upang magsanay ito. Habang si Kurt naman ay umalis dahil may importante itong pinuntahan.

Dumating ang araw na pinakahihintay ng lahat. Sa gabing iyon ay ihahatid na nila si Avia.

Nakasuot si Avia ng isang simpleng blusa at pantalon na tenernuhan ng dollshoes upang magmukha siyang simple.

Nakatayo lamang siya habang ikinakabit sa katawan niya ang mga camera na makatutulong sa kanila sa pagresolba ng kaso.

Mayroong ikinabit sa hikaw, mayroon din sa laylayan ng damit. Animoy isa itong tuldok na itim na hindi mo mapapansin kung hindi mo ito tititigan.

Habang abala naman ang lahat  sa paghahanda ng mga dadalhin at gagawin.

Plano nila ay tatlong araw na palugit lamang ang kailangang itagal ni Avia sa kampo ng mga sindikato at papasukin na nila ito.

Kailangan lamang nila na pahinain ang pwersa ng mga ito sa pamamagitan ng pagsabotahe sa mga transakyon tulad ng pagbili ng armas, pampasabog at droga.

Mas kokonti ang armas at pwersa mas hihina ang mga ito at mas kokonti ang maaaring mamatay. Kailangan lamang nila malaman ang plano ng mga ito.

Sakay sila ng itim na van at binaybay nila ang daan patungo sa lugar na sinabi sa kanila ng asset. Isang lugar sa tagaytay ang itinuro sa kanila.

(Agent Series Book 4) My Buddy AgentMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon