Direktang tumuon kay Avia ang tingin ni Cynthia. Ngumisi ito bago yumakap sa katabing lalaki. Animoy isa itong reyna kung mag-utos at sundin ng mga tauhan ni Dimayuga.
"Honey, huwag masyadong mainit ang ulo mo. Hayaan mong ako ang mamili ng paglalaruan mo ngayong araw." Ani ni Cynthia habang hindi inaalis ang tingin nito sa kanya.
Pakiramdam ni Avia ay binuhusan siya ng malamig na tubig. Kilala siya ni Cynthia at alam nito na isa siyang alagad ng batas. At alam din niya na alam nito na asawa niya si Kurt.
Hindi man pormal ang pagkakakilala nila sa isat isa ngunit kilala nila ang isat isa at kung sino sila.
Ang ipinagtataka niya ay kung bakit ito nasa kampo ng mga sindikato. Ano ang ginagawa nito dito? Kaaway ba ito o kakampi?
Ipinagdadasal na lang niya na sana ay hindi ito kaaway. Ang alam niya ay asset ito ni Kurt. Kaya hindi niya alam kung ano ang pakay nito.
Anong ibig sabihin nito sa paglalaruan? Tanong sa isip ni Avia. Huwag niyang sabihin na gagahasain niya ang isa sa mga babaeng naririto. At kung mamalasin ay baka siya pa ang piliin ni Cynthia dahil may gusto ito sa asawa niya.
Hindi umimik si Dimayuga. Naglakad si Cynthia sa loob ng kwarto at inisa isang tingnan ang mga babae. Matagal din itong tumingin kay Ivie na nakaupo at nakayuko habang nakasuot ang hood nito sa ulo. Hanggang siya na ang titigan nito. Lumapit ito sa kanya at bumulong ng bahagya.
"Tingnan mo nga naman, sinong makapagsasabi na hawak ko ngayon ang buhay mo?" Ani nito habang iniikutan siya.
Hindi siya nagsasalita at pinakikiramdaman lamang niya si Cynthia. Takot at matinding kaba ang nararamdaman niya ngunit hindi iyon mababakas sa kanyang mukha. Hindi niya ito bibigyan ng dahilan upang pagtawanan siya dahil lang natatakot siya.
"Kilala mo ba siya?" Tanong ni Dimayuga kay Cynthia.
Lalong binundol ng kaba si Avia ng tumuon ang tingin ng lahat sa kanya. Nakakuyom ang kamao niya na halos mapipiga na ang pawis dito. Butil butil din ang pawis niya sa mukha.
"Hmm.. Dating kaibigan. Mang-aagaw na kaibigan."
Mangaagaw? Kung si Kurt ang tinutukoy nito na inagaw ko sa kanya ay nagkakamali siya. Dahil hindi naman naging kanya si Kurt.
Kahit gusto niyang bangasan ang mukha nito ay hindi niya magawa dahil alam niyang malalagay sa alanganin ang buhay niya.
Tiningnan niya nag matalim si Cynthia bago siya nagsalita.
"Wala akong inagaw sayo. Dahil hindi naman sayo si Kurt."
Tumawa ng malakas si Cynthia na animo'y nang uuyam. Umiiling iling pa ito.
"Ano bang nakita ni Kurt sayo? Ordinaryo ka lang naman at walang espesyal sayo."
This time siya naman ang napangisi. At tumawa ng mahina.
"Ikaw na ang nagsabi. Walang espesyal sa akin pero bakit sa akin ang bagsak niya. Alam mo ba kung bakit?" Tanong niya kaya huminto ito sa harapan niya. "Dahil mahal niya ako. At ikaw.. Alam mo ba kung ano ka sa kanya?" Tumaas ang kilay ni Cynthia at galit itong nakatitig sa kanya. "Dahil hindi ka niya mahal..."
Agad na dumapo ang isang malutong na sampal sa mukha niya. Halos tumabingi ang mukha niya sa lakas ng pagkakasampal nito sa kanya. Nakarinig din sila ng pagtawa na nagmumula kay Dimayuga na parang tuwang tuwa sa nangyayari. Ngunit hindi niya ito sinulyapan.
Gustong gusto na niya itong sapakin ngunit pinipigilan niya ang sarili. Mag-isa lamang siya at walang baril samantalang ang mga ito ay marami at puro armado pa ng baril.
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 4) My Buddy Agent
Lãng mạn(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Dahil sa pagkamatay ng bestfriend at kabuddy ni Kurt Alvarez ay mahihirapan itong magtiwala sa iba. Matatakot ito na magkaroon muli ng bagong partner Ngunit paano kung isang araw ay bigla na lamang siyang g...