Chapter 20

1.8K 59 8
                                    

Napabalikwas ng bangon si Avia ng makarinig sila ng malakas na kalabog na nagmumula sa pinto ng kwarto na kinalalagyan niya.

Agad siyang napatayo katulad ng ibang mga babae na kasama niya. Takot na may kasamang panginginig ng katawan ang makikita sa mga babaeng naroroon. At naiintindihan ni Avia kung saan nagmumula ang takot. Kung hindi siya agent at trabaho niya ang nagdala sa sitwasyon niya ngayon ay tiyak na matinding takot din ang mararamdaman niya. Ang ipinagkaiba lang ay alam niya kung bakit siya naroroon.

Ngunit pansin niya ay naiiba si Ivie sa lahat ng babae. Hindi mo ito makikitaan ng takot. Wala kang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha nito. Nakatayo lamang ito habang nakasandal sa pader at nakahalukipkip ang mga braso.

"A-Anong nangyayari?" Tanong ni Avia kay Ivie.

"Mukhang magbibigay na sila ng almusal. Kung almusal nga ba ang tawag don." Walang buhay na sagot ni Ivie.

Nang bumukas ang pinto ay pumasok ang limang lalaki na may bitbit na dalawang karton. Kapwa armado ang mga ito ng matataas na kalibre ng baril.

Ibinaba ng mga ito sa sahig ang dalawang karton na naglalaman ng tetra pack ng gatas at tinapay.

"Oh pumila na kayo!" Maotoridad na ani ng lalaki na nasa unahan.

Kahit mga takot ay kanya kanyang pila ang mga babae na kapwa mga nanghihina. Siguro ay mas nangingibabaw sa kanila ang gutom kaysa sa takot.

Nang kakaunti na lamang ang nakapila ay pumila na siya kasunod ni Ivie at julia. Nasa hulihan siya ng pila. Inikot niya ang paningin at tiningnan ang mga babae. Nakaupo na ang mga ito at kinakain ang ibinigay na gatas at tinapay.

Nang siya na ang bibigyan ay saglit na huminto ang lakaki at mariing tumingin sa mukha niya. Kaya yumuko siya at bahagyang iniiwas ang mukha.

"Parang ngayon lang kita nakita?" Ani ng lalaki kaya agad binalot ng matinding kaba si Avia. Hindi niya alam ang sasabihin niya dahil hindi niya ito napaghandaan.

"Ahm, m-matagal na po ako. Si-siguro hi-hindi nyo lang ako napapansin." Aniya habang nakayuko.

Tumingin ang lalaki sa kanan nitong bahagi at binulungan ang katabi nito. Lalo siyang binundol ng takot dahil tumingin din sa kanya ang lalaking binulungan nito.

Lumapit ang lalaki sa kanya at mariing hinawakan ang braso niya.

"Sumama ka sa amin." Ani nito.

Napatingin si Avia sa mga babaeng naroroon partikular kay Ivie na nakakunot ang noo.

Mabilis na nag-isip si Avia ng paraan kung paano niya malulusutan ang mga ito. Kailangan niyang makaisip ng paraan upang huwag mabulilyaso ang plano nila. Kadarating pa lamang niya at mukhang buking na agad siya. Ngunit hindi siya papayag dahil sa kanya nakasalalay ang lahat. Gusto niyang mailigtas ang buhay ng mga babaeng kasama niya.

Sasagot na sana siya nang biglang magsalita si Ivie mula sa likuran nila.

"Teka lang, saan nyo siya dadalhin?" Ani ni Ivie. Tumayo ito mula sa pagkakasandal at lumapit sa kanila. Matalim itong nakatingin sa mga lalaki.

Hindi alam ni Avia kung bakit pero iba ang pakiramdam niya kay Ivie. Pakiramdam niya ay hindi ito normal na babae na nakidnap lamang. Bukod tanging ito lamang ang hindi natatakot sa sitwasyon nila. Kung siya ay nakakaramdam ng takot kahit papaano. Ngunit ito ay hindi, dahil sa awra nitong mas madilim pa sa mga lalaking dumukot sa kanila.

Magsasalita na muli sana ang lalaking nagtanong sa kanya ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon si Darwin na seryosong sumulyap sa kanya bago tumingin sa mga lalaki.

(Agent Series Book 4) My Buddy AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon