Special Chapter

2.6K 88 8
                                    

Second Generation

Abala sa paglalaro ng billiard sila Jakon, Kaleb, Axel at Drake habang seryoso namang nagbabasa ng paborito nitong libro si Lexus sa gilid.

Si Kaleb ay anak ni Choi at Beatrice habang si Drake ay anak naman ni Darwin.

Nasa private den sila ngayon ni Jakon habang hinihintay nila ang iba pa nilang mga kaibigan. At dahil ang pamilya nila Jakon ang pinaka mayaman sa kanila kaya ito ang nagpatayo ng private tambayan nila. Regalo iyon sa kanya ng kanyang lolo Nathan.

Si Kooper at Konnor naman ay nagtatalo dahil sa paglalaro ng mga ito ng ches.

"Alam nyo ang iingay nyo. Kayong dalawa na lang, nagdadayaan pa kayo." Sita ni Jakon sa magkapatid na anak ni Avia at Kurt.

"Ito kasing si kuya Kooper kanina pa ako iniisahan." Reklamo ni Konnor sa kapatid nito.

"At nagpa isa ka naman." Natatawang saad naman ni Drake.

"Fuck you!" Ani ni Konnor dahil sa inis nito sa sinabi ni Drake. Kung may mas mainitin ang ulo sa magkapatid na anak ni Kurt ay walang iba kung hindi ang bunso nitong anak na si Konnor.

"Same to you." Sagot naman ni Drake.

"Kayong dalawa. Kapag hindi kayo tumahimik bubusalan ko mga bunganga nyo." Ani ni Lexus na matalim na nakatingin sa mga naglalaro.

"Patay kayo. Nagalit na si Mang Lexus, alam nyo naman na ayaw na ayaw nyan ng maingay kapag nagbabasa yan." Tumatawang ani ni Axel. Nagtaas pa ng gitnang daliri ang kuya Lexus niya kaya lalo siyang natawa.

"Eh bakit ba dito nagbabasa yan. Bakit hindi na lang umuwi at doon siya magbabad sa library niya." Ani naman ni Kooper.

Natigil lamang sila sa pagbabangayan ng dumating si Amir ang bunsong anak ni Hiro kasama nito ang magkapatid na Trevor at Travis na anak ni Salvador, pati na rin ang kambal na si Brandon at Bradley na anak naman ni Brando.

Nakasimangot na umupo si Amir sa couch malapit sa mga pinsan nito na si Kooper at Konnor.

Ilang beses itong bumuntong hininga bago nagtanong si Lexus dahil naiirita itong marinig ang buntong hininga nito.

"Ano bang nangyari dyan?"

"Oo nga, bakit parang pinagsakluban yan ng langit at lupa." Tanong naman ni Jakon sa mga bagong dating.

Sabay sabay na nagkibit balikat ang mga bagong dating saka tumingin sa magkapatid na Konnor at Kooper.

"Bakit sa amin kayo nakatingin. Wala kaming ginawa sa gagong yan." Ani ni Kooper.

"Gago, ibig nilang sabihin baka kayo alam nyo kung bakit ganyan yan. Total kayo ang pinsan." Tumatawang ani ni Kaleb.

Napa ah naman si Kooper at Konnor kaya natatawang binato sila ng unan ni Travis at Brandon.

"Well, according to our source ay hindi ata pumayag si tito Hiro na magtraining siya sa amerika bilang secret agent ng organization nila tito Darwin." Ani ni Kooper. At alam nila na si Atasha na kapatid ni Amir ang tinutukoy nitong source.

Napatingin silang lahat kay Amir na nakasimangot pa rin. Gustong gusto nito ang maging secret agent ng organisasyon na itinayo ng mga magulang ni Drake.

Alam nila na bata pa lang sila ay lagi nitong bukang bibig na gusto nitong maging tulad ng tito Darwin nila.

Lumapit si Jakon kay Amir bago nito tinapik ang balikat.

"Bud, bakit hindi mo ipaliwanag kay tito Hiro ang lahat. Sabihin mo na gusto mo talaga yon. Na doon ka magiging masaya."

"Ilang beses ko na ipinaliwanag sa kanya. Kaya lang ayaw nila akong pakinggan. Noong una si daddy lang ang may ayaw ngayon pati si mommy ayaw na rin ako suportahan." Malungkot na saad ni Amir.

(Agent Series Book 4) My Buddy AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon