"I'm sorry tiny. I'm so sorry." Ani ni Kurt sa kanya habang nakayakap ito ng mahigpit at hinahaplos ang likod niya.
Umiiyak lamang si Avia habang nakayakap din ito kay Kurt ng mahigpit.
"Sshhh! Stop crying, pangako iyan na ang huling beses na iiyak ka ng dahil sa akin. Pangako tiny."
Humiwalay si Kurt sa pagkakayakap sa kanya at mariin siyang tiningnan sa mukha. Pinunasan din nito ang pisngi niya na basa ng luha.
"I missed you so much my tiny. Kung alam mo lang kung gaano ko kagusto na puntahan ka, lapitan ka, sabihin sayo na dito ka lang sa tabi ko. Parang sasabog na ako Avia. Pakiramdam ko kapag hindi pa kita nayakap, nahalikan mamamatay ako."
"B-Bakit parang kasalanan ko?" Umiiyak na ani ni Avia.
Mahinang natawa si Kurt at napailing pa ito. Ito ang isa sa mga gusto niya kay Avia. Hindi ito nagpapanggap kung ano siya. Inilalabas nito kung sino at ano ang ugali niya. May pagka childish at pabigla bigla ito na parang walang pakialam sa kung ano ang kalalabasan ng gagawin nitong desisyon.
Mahinang kinurot ni Kurt ang tungki ng ilong ni Avia kaya ngumuso ito ng bahagya. Naging daan naman iyon para kay Kurt upang sakupin ang labi nito.
Sa una ay nagulat pa si Avia ngunit kalaunan ay tumugon din ito sa halik nito sa kanya.
Sa totoo lang ay namiss niya ang labi nito. Kahit amoy sigarilyo ay hindi iyon mabaho dahil amoy mint na candy ang bibig nito.
Iniyakap niya ang kanyang mga braso sa leeg at batok nito habang ipinulupot naman ni Kurt ang mga braso nito sa kanyang beywang.
Wala silang pakialam ng mga oras na iyon kung may makakita man sa kanila, basta ang alam nila ay nananabik sila sa isa't isa at pagbibigyan nila ang kanilang mga sarili.
Ang hindi nila alam ay nakatingin na sa kanila ang mga kasamahan na kanya kanyang kuha ng cellphone at kinukuhanan na sila ng litrato.
"Si gago hindi rin nakatiis eh!" Tumatawang ani ni Ruiz.
"Lagot sa akin yan bukas. Napaka pakipot akala mo siya yung babae." Ani naman ni Evangelista.
"Tara na! Hayaan na natin sila." Seryoso namang ani ni Robles.
Napatingin sila kay Robles nang umalis ito ng nagmamadali at sumakay sa sasakyan nito.
Napakunot ang noo ng lahat dahil sa iniasta nito. Mariin namang napatingin si Evangelista sa ka-buddy niya na sumakay na ng sasakyan at nagmamadaling pinaharurot iyon paalis ng parking lot ng ospital. May hinala na si Evangelista kung ano ang nangyayari kay Robles ngunit mananatili na lamang lihim iyon para sa kanya.
Sa kanilang grupo ay importante ang salitang respeto. Iyon ang hindi dapat mawala sa kanila upang manatiling maayos ang samahan nila kaya lahat sila ay inirerespeto ang bawat isa. Lalo na kung usapin sa personal na buhay.
Lumapit si Jake kina Avia at Kurt bago ito tumikhim. Kaya mabilis naghiwalay ang labi ng dalawa at napatingin sa taong tumikhim sa gilid nila.
Agad nag-init at namula ang mukha ni Avia kaya nasapo nito ang kanyang mukha.
Natawa naman si Kurt kaya agad niyang kinabig si Avia at ikinulong sa mga bisig niya.
Kusa namang ibinaon ni Avia ang mukha sa dibdib ni Kurt dahil sa hiyang nararamdaman. Nakakahiya Avia. Ano na lang ang sasabihin sayo ng kapitan nyo. Bulong sa isip ni Avia.
"Sir!" Ani ni Kurt habang nakayakap ito kay Avia.
Naiiling na ngumiti si Jake sa kanilang dalawa lalo na sa inasta ni Avia. Napangiti siya dahil bigla niyang naalala ang asawa dahil dito. Naisip tuloy niya na may bagay talaga ang mga babae na pagkakapareho iyon ay ang mabilis na pamumula ng mukha kapag nahihiya. Bigla tuloy niyang namiss ang kanyang asawa.
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 4) My Buddy Agent
Romans(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Dahil sa pagkamatay ng bestfriend at kabuddy ni Kurt Alvarez ay mahihirapan itong magtiwala sa iba. Matatakot ito na magkaroon muli ng bagong partner Ngunit paano kung isang araw ay bigla na lamang siyang g...
