"Pasensya ka na Avia. Hayaan mo at kakausapin ko." Ani ni Jake sa kanya.
Umiling si Avia at ngumiti sa kapitan nila. "Huwag na po sir. Ako na po ang bahala sa kanya."
Mabilis siyang nagpaalam kay Jake dahil kailangan niyang makausap si Kurt. Hindi siya papayag na basta na lamang siya nitong balewalain at tanggihan.
Susubukan niya itong kausapin at kung hindi talaga ito pumayag ay wala na siyang magagawa kung hindi magsolo sa lahat ng trabaho. Para sa kanya mahirap pilitin ang ayaw.
Nang makalabas siya sa opisina ni Jake ay hinanap agad niya ito. Nakita niya itong nagsususot ng shoulder suspender at mukha itong aalis kaya mabilis siyang lumapit dito.
"Ano bang problema mo kung ako ang makapartner mo? Kaya kong gawin kung ano ang kaya mong gawin!" Inis niyang sigaw dito.
Ngunit lalo siyang nainis nang hindi man lamang siya nito binigyan ng sulyap. Napatingin pa siya ng tatlong kasamahan nila na nakatingin sa kanila.
Lintik kang lalaki ka. Akala mo kung sino. Inis na bulong ni Avia sa isip.
"Ah, baka kaya ayaw mo ako makapartner kasi natatakot ka. Natatakot ka na baka mahigitan kita." Nakita niya na natigilan si Kurt. Ang tatlo naman lalaki ay sabay sabay na pa 'oh oh' kaya lihim na nakaramdam ng kaba at takot si Avia. Minsan talaga ay hindi niya naiiwasan ang pagiging matabil ang dila.
Humarap si Kurt at nagtatagis bagang itong tumingin sa kanya.
"Bakit naman ako matatakot sayo?" Tanong ni Kurt na humakbang ng isang beses kaya napaatras siya. "Ano ang dapat kong ikatakot? Sa palagay mo ba kaya mong gawin lahat ng kaya ko? Sa tingin mo ba tatagal sa akin? At kung iniisip mo na kaya ayaw ko makapareha ka ay dahil natatakot ako sayo, pwes nananaginip ka, kutong lupa." Ani ni Kurt.
Napasandal si Avia sa dingding, dahil bawat abante nito ay siyang atras niya. Halos kahibla na lamang ang pagitan ng mukha nilang dalawa. Amoy na amoy niya ang hininga nito na magkahalong sigarilyo at candy mint.
Mariin siyang tinitigan ni Kurt sa mata. Ilang segundo ang tinagal ng titigan nila. Hanggang dumako ang mata ni Kurt sa kanyang mga labi. Kita niya ang ilang beses na paggalaw ng adams apple nito. Hanggang tumalikod ito sa kanya.
Ngunit mabilis na nakabawi si Avia at nabato niya ito ng ballpen na nahawakan niya.
"Yon naman pala eh. Hindi ka natatakot! Eh bakit ayaw mo?!" Sigaw muli ni Avia. "Sabihin mo kung bakit para mas malinaw. Ano bang ayaw mo sa akin?"
Humarap muli si Kurt kay Avia. Nagulat siya ng makita niya ang determinado nitong mga mata. Sa kaseryosohan nito ay makikita na gusto talaga nito na makapareha siya nito.
Bumuntong hininga si Kurt at lumapit kay Avia.
"Ayaw ko sayo, dahil bukod sa maliit ka, mukha ka pang lampa. Mukhang mahina at walang ibubuga. Eh mukha ngang mauuna ka pang sumuko sa pagtakbo kung sakaling may hinaha..."
Hindi na naituloy ni Kurt ang sinasabi niya dahil mabilis siyang nasikmuraan ni Avia bago sinipa nito ang tuhod niya kaya napaupo siya. Mabilis na dumagan si Avia sa kanya kaya napahiga na si Kurt sa sahig.
Nagsigawan naman ang apat na lalaking nanonood sa kanila. Ni hindi nila namalayan na naroon din at nanonood ang kapitan nila sa kanilang bangayan.
Nakahiga sa sahig si Kurt habang nasa ibabaw niya si Avia at hawak nito ang kuwelyo niya.
"Ngayon sabihin mo kung sino ang lampa? Sino ang mahi.."
Sa pagkakataong iyon ay si Avia naman ang hindi nakapagsalita dahil mabilis na binago ni Kurt ang pwesto nila. Siya na ngayon ang nakadagan kay Avia.
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 4) My Buddy Agent
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Dahil sa pagkamatay ng bestfriend at kabuddy ni Kurt Alvarez ay mahihirapan itong magtiwala sa iba. Matatakot ito na magkaroon muli ng bagong partner Ngunit paano kung isang araw ay bigla na lamang siyang g...