Hi Guys!
Ako pala si Breanna dela Cruz. Freshie pa lang sa University of the Philippines. I am from one of the top performing schools in NCR. Course? Engineering. Sa una hindi ko naman talaga gusto ang engineering, eh bakit ito pinili ko? Dahil hindi ko naipasa ang course na gusto ko. Ganito kasi dito pwedeng pasado ang score mo sa UPCAT pero hindi umabot sa cut-off grade ng pinili mong course kaya ayun nauwi ako sa engineering.
Facts about me:
1. 16 years of age
2. Favorite Color: Blue
3. Maingay
4. Friendly
5. Cute (sabi nila)
6. NBSB
Kailangan talaga ilagay yung NBSB. Ang dami kasing nagtatanong kung nagkaroon na ako ng boyfriend eh. Actually, nagkaroon ako ng friend na sobrang close namin na parang kami daw sabi ng lahat ng nakakakita samin. Hindi ko naman sila masisisi kasi that time may gusto kami sa isa't isa pero hindi kami kumbaga landian lang. chos! syempre joke lang yung landian portion. So ayun nga, sinasabi na sakin ng friends niya na gusto niya ako pero he didn't even bother to confess. So ang nangyari? ayun edi nganga.
After high school graduation wala na kaming contact. So ayun, masaya naman ako dahil nakilala ko siya.
Bakit ba past ko ang kinukuwento ko? Past is past naman diba?
Ngayon nagpreprepare ako para sa isang event sa UP. Diba nga freshie ako? Kailangan ko umattend sa ganito para mafamiliarize ako sa pasikut-sikot sa UP. Ang laki kaya nito.
Kasama ko yung mga magiging kaklase ko for this sem. Puro sila lalaki.
Juice colored, layuan po sana ako ng tukso at kalandian ng makapag-aral ako ng mabuti.
Nagsuot ako ng black top na may design na Mickey Mouse tapos jeans then flat shoes. Simple lang talaga ako manamit. Nakaponytail ako kasi nga ayoko ng mainitan. Hindi ako kikay exact opposite kami ng kapatid ko.
Pagbaba ko nakita ko si Mommy na naghahanda ng almusal. Si Daddy naman umiinom ng coffee. at nagbabasa ng dyaryo. Yung kapatid ko? Nasa garden, nagyoyoga. Ewan ko ba dun ang arte pagdating sa figure!
"Good morning Mommy, Daddy!"
"Oh gising ka na pala" hindi man lang tumingin si Daddy
"Saan ka pupunta?"
"Ah, Mommy may event po kasi sa UP. Chance na rin po yun para makilala ko yung classmates ko"
"Eh puro lalaki kaklase mo ah? May date ka lang ata eh" ayan na naman si Daddy.
"Hay nako Dad, hayaan mo na si Bree (nickname ko). Oh anak gwapo ba kadate mo?"
"Mommy!" sigaw ko kasi di nila alam may crush ako dun sa isa.
"Joke lang ito naman"
"HAHAHAH! Mommy as if naman may magkakagusto kay ate noh?" ayan na po ang kapatid ko.
"Sige gatong pa more sis"
"Oh tama na yan baka magkapikunan pa. Kumain na tayo at ikaw, Bree, ihahatid kita" sabi ni Daddy.
"Yey! Tipid sa pamasahe"
"Anong tipid sa pamasahe? Ikaw magpapagasolina diba Dad?" kapatid ko.
"Actually magandang suggestion yan" nagwink pa si Daddy kay Ayessa (kapatid ko)
"Mommy oh" sumbong ko
"Hay nako, halika na at baka malate ka pa. Ikaw Dad may trabaho ka pa"
Kumain na kami. Ang sarap ng breakfast. May pancakes, bacon, fried eggs, hotdog, french toast and fresh milk.
After kumain, umalis na rin kami ni Daddy.
"Nak, Sure ka bang hindi date yun?"
"Opo. Hindi ko pa sila ganung kilala para makipagdate ako noh"
"Nagtatanong lang ako. Basta bawal maglihim ah. Studies ang PRIORITY mo ah"
"Yes po. Pwede magboyfriend ako?"
"Sabi ko nga as long as masaya ka, ok ako dun. Wag ka lang sasaktan."
"Yes, pwede!"
"Basta ang rules namin ng Mommy mo. Wag mong kakalimutan."
"Opo."
Rules Ni Mommy at Daddy:
- Ipapaalam lahat ng manliligaw.
-Sa bahay dapat magpapaligaw
-Kung may date, weekends lang pwede.
-Curfew: 10:00pm
-Bawal Magpuyat kakatext, chat or tawag
-Priorities: FAMILY, GOD, STUDIES
Lahat yan sinusunod ko. Kaya nga NBSB pa ako diba? Hindi ako pangit, may nanliligaw pero walang tumatagal kasi ayaw nila sa ibang rules. Hindi ako naiinis sa rules. Naappreciate ko nga yun eh kasi mas nakikilala ko kung sino ang seryoso at hindi. isa pa, walang mali sa rules nila at lahat yun para sa ikabubuti namin ni Ayessa.
Habang nasa sasakyan hindi ko maisip kung ano mangyayari mamaya. Ano kaya hitsura nila? Isa pa lang nakikilala ko eh, yung crush ko hihihihi :">
BINABASA MO ANG
Laude o Lande
Ficção AdolescenteNakakatakot nga bang sumugal sa pag-ibig? Is it all worth it? Paano mo malalaman kung mahal mo na nga? May exam rin ba na kailangan mong ipasa para malaman na siya na nga? Baka naman may quiz rin? Huwag na lang kaya?