Crush ko si Felix. I know in my mind that I like him. I really do but—
"Gwen?"
Napalunok ako dahil sa malamyos na boses na iyon na nagmula sa likuran ko. Kumuyom ang mga kamay ko sa laylayan ng oversized shirt na suot ko bago dahan dahan na lumingon dito.
"A-ate Veronica."
Ramdam ko ang paggapang ng init mula sa pisnge ko pababa sa leeg ko dahil nautal na naman ako. Palagi naman nangyayari yon lalo na kapag sya ang kausap ko.
"Are you here for my little brother?"- tanong nya at binigyan ako ng isang yakap, pero dahil sa sobrang bango nya napaatras ako na ikinataas ng kilay nya.
"O-Opo. Sige po puntahan ko lang sya."-mabilis na sabi ko at umalis na.
Hinawakan ko ang gitna ng dibdib ko at bumuntong hininga. Nakakakaba talaga kapag nasa paligid lang sya.It's odd.
Why has it to be her of all people?
Why does it have to be my crush's sister?Since she entered the picture,everything has become chaotic.
I'm not sure where my heart belongs any longer. Cupid must be blind.
How dare he pierce my heart with an arrow aimed at someone like her?