Chapter 34

48.9K 2K 1K
                                    





I yawned and stretched my arms. I slowly get up from my bed and comb my hair.

Hindi ako dapat mag mukmok. Baka mamaya scam yung nangyari kagabi e, edi nagkanda leche leche na yung isip ko. Hayst! Mga pasaway sila.

"Good morning Gwen."-  bati ko sa sarili ko bago bumaba sa kama at tumungo sa banyo para gawin ang morning ritual ko.

Matapos kong makapagbihis at mangitian lahat ng kpop poster sa kwarto ko ay lumabas na ako at bumaba.

Dumiretso ako sa kusina. Pero napahinto ako sa tapat ng pinto nang makita ko kung sino ang taong nanduon.

There's this gorgeous woman wearing an apron. She's busy cooking something. She was in her casual attire, and her hair was tied in a messy bun.

I felt my heart throb as if it wanted to get out of my chest. 

She stopped when she noticed that someone was watching her. She slowly turns to my way.

"Good morning."- plain na sabi nya bago bumalik sa ginagawa nya.

Yon na yon? Parang hindi sya umiyak at halos magwala kagabi ah.

Ano bang ineexpect mo Gwen? Na tatakbo sya sayo at hahalikan o yayakapin ka?

Maganda lang yan pero yelo yan! Hindi matutunaw kapag hindi mo lalandiin.

"Excuse me?!"- iritableng sabi nya na ikinagulat ko.

Malakas ba pagkakasabi ko?

I felt my cheeks redden,  I cleared my throat and went to the fridge.

It's better to ignore her. I might lose myself again if I'll talk to her.

At saka bakit ba sya nandito ng ganito kaaga? At na saan ang magaling kong ina. Bakit nya pinapasok ang dyosang ito dito?

"Don't drink that. Drink this instead."- she coldly said, and placed a hot mug of chocolate on the table.

Hindi ko sya pinansin at tinuon nalang ang tingin ko sa tubig na hawak ko. Paglingon ko ulit sa mesa ay kumpleto na ang mga nanduon. May breakfast na.

Grabe! Ang bilis naman nya kumilos. Kung ako yan baka mamaya pako makapag hain.

"Take a seat and eat."- she said, as she slowly untied the apron.

Kakainom ko lang pero bakit parang nauhaw ulit ako?

Winaksi ko nalang ang mga iniisip ko at tahimik na naupo.

"What do you want to eat?"

"Where's Mom?"

"She left when I came. Now, what do you want to eat?"

Tinignan ko ang mga hinanda nya. Lahat naman yon masarap e, at tamang tamang pang breakfast. Kaya bakit pa ako mamimili?

"Why are you doing this? "

She tilts her head and sighs. Naiinis na yata dahil tinatanong ko din sya pabalik. 

She pushed my plate away from me and made me look at her by gently cupping my cheeks. 

Napalunok ako dahil ang lapit nya tapos yung tingin pa nya parang tumatagos sa kaluluwa ko. Ang bango bango pa nya kahit pa sabihin na nagluto sya kanina. Parang mas mukhang haggard pa nga ako kahit ako naman yung kakaligo lang kanina.

"Let's kiss and make up."

Mabilis kong natabig ang mga kamay nya na ikinangisi lang nya.
Pakiramdam ko sobrang kamatis na ng mukha ko.

His Ate ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon