Chapter 6

47.6K 2.2K 1.1K
                                    

I'm in the cafeteria. After getting my tray full of my food, I decided to find a vacant table. 

"Oh sh——"

The splashing sound of drink and tray echoed through the whole cafeteria. causing everyone to shut up and look at me. 

"Bwiset!"- mahinang bulong ko nang makita na natapon ang mga binili ko.

Napatid lang naman ako. No! pinatid to be exact.

Nakarinig ako ng hagikgikan sa katabing table.

Tumayo ako at pinagpag ang tuhod ko.
Dinampot ko din ang bag ko.

"Ano bang problema mo?"- I asked Zandra.

Ang babaeng hindi naman kagandahan pero saksakan ng pagka brat.

"Wag ka ngang magmatapang Dezmond. Walang magtatanggol sayo dito ngayon."

Napangisi ako at lumapit sa lamesa nila. Natatawa pa din ang mga kasama nya.

"Hindi ko kailangan non. I can take care of myself. Hindi mo katulad na tumatapang lang kapag may kasama."

Napikon yata ito at sinaboy sa akin yung strawberry juice nya. Napangiwi ako kasabay ng singhapan ng mga estudyante.

"Gold digger ka! Purkit kaibigan mo lang si Felix ang yabang yabang mo na!"- nang gagalaiti nitong sigaw.

"Zandra! That's enough!"

Pumiglas ito at lumapit pa sakin at itulak ako sa magkabilang balikat ko.

Naiinis nako. Pero ayaw ko magka bad records.

"You're nothing but a piece of trash! If it's not for Felix, you wouldn't belong here!"

"That's not true. Na iinggit kalang."- malumanay na bwelta ko dito kahit pa kanina ko pa sya gustong sampalin.

"Aminin mo na kasi. Ginagamit mo——"

"What is this commotion all about?"

Ang malamig na boses na iyon ang naging dahilan para tuluyan manahimik ang lahat.

Tunog nang takong nito ang maririnig mo habang papalapit ito sa amin.

Nakaramdam na naman ako ng kaba nang malanghap ko na ang mabango nitong amoy.

Huminto ito nang ilang hakbang mula sa amin. Naka cross ang mga braso habang pinagmamasdan kami isa isa. Ang mga tropa ni Zandra na tawa ng tawa kanina ay parang nawalan ng dila sa sobrang tahimik.

Dumako ang mga mata nito sa akin. Napayuko nalang ako dahil nakakahiya. Ang lagkit lagkit ko e.

"I know all of you are aware of the rules and regulations, right? And I'm sure you know very well that bullying is prohibited in this university." - malamig na sabi nya at humakbang pa palapit sa amin——hindi sa akin pala.

Mula sa pagkakatitig sa akin ay lumipat ang tingin nito kay Zandra.

"I want you out of this school this instant, Miss."

"P-po? Pero——"

"I'm expelling you. Now, get your bag and leave."

"This is unfair!!"- palahaw ni Zandra.

"Then take your friends with you."- walang buhay na sabi nya dahilan para magulat yung mga kanina lang ay pinagtatawanan ako.

Dumating din yung ibang professors at may mga kasama itong guards.

"Guards, take these students out of the school and confiscate all of their ID’s. I don't want them getting in here anymore. Am I clear? "

"Yes ma'am."

His Ate ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon