"You don't need to do this."- pag awat ko sa kanya.
Nalukot ang maganda nyang mukha at tinaasan ako ng kilay. Nandito kasi kami ngayon sa kwarto ko.
Oo tama kayo pinapasok ko na sya kasi komportable naman na ako sa kanya. Nang makita pa nga nya yung mga posters sa wall ay hindi halos maipinta ang mukha nya.
Puro daw ako crushes e nandyan naman na daw sya tapos kinikilig pa ako sa iba.
"When I said, I want you to let me do things to deserve you, this is not what I mean."
Binaba ko ang envelope na dala nya sa may study table ko at naupo ako sa kama ko.
"Ayaw mo ba akong kasama?"- she said, a bit offended.
"That's not it. Hindi lang ako makaka focus sa trabaho kung palagi kitang nakikita."
She scoffed and crossed her arms. "So I'm just a piece of distraction to you?"
Napahilamos ako sa mukha ko. Hindi naman yon ang ibig kong sabihin. Balak nya kasing duon nalang ako ipasok sa kompanya nila tutal malapit na sya ma declare as the new CEO.
Ayaw ko naman, kasi nga paano ko masisikmura na ang nagpapa sweldo sa akin ay pamilya nya? Parang utang na loob ko pa ang pagiging successful ko someday dahil sa parents nya.
"Think about it. It's a once-in-a lifetime opportunity, Gwen. There are people who wish to work in our company, but they're not that competent to work with us.
"And you see me as what? A qualified employee?"- hindi ko mapigilan asik dito.
"I'm helping you. Our company can be your stepping stone to reaching your life goals. The Beaufort industry is a big name. Don't you want to be a part of it? "
"Hindi mo kasi ako naiintindihan."- walang ganang sabi ko.
"Are we seriously going to argue about this matter?"
Hindi ako umimik at nanatili lang na nakaupo at nakatitig sa dingding ng kwarto ko. Ayaw kong makipagtalo kasi alam ko sa huli, ako din yung takot na masaktan ko sya.
"I'm just trying to help."- sabi pa nya.
Lumunok ako at kinuyom ang mga kamay ko.
"I didn't make you my girlfriend to have everything in an easy way."
"In short, you don't need my help."- she said matter of fact.
Hindi ako sumagot at hinayaan nalang na tumalikod sya at lumabas ng kwarto ko. Napapikit ako nang marinig ko ang pagsara ng pinto.
Tinignan ko ulit yung envelope na nasa mesa. Napabuntong hininga ako at napailing nalang.
May naisip na kasi akong pasukan. Nakausap ko na din kasi si Tito. At kapag nakapasa ako sa kanila duon na ako magtatrabaho.
Ang kapalit nga lang nun ay kailangan kong maglipat bahay pansamantala para hindi magastos.
I don't want to be a pampered girlfriend. I need to be on my own this time.
****
"He's awake."
Napatayo ako mula sa pagkakaupo ko sa couch at dinampot kaagad ang jacket ko.
Gising na si Fred. Kailangan ko syang makita. Kahit ngayon manlang na gising na sya kasi hindi ko din naman sya nadalaw nuong tulog pa sya.
Umalis ako sa bahay at nag abang ng taxi.
Pagkadating ko sa nasabing hospital ay nagmamadali akong pumasok.