Chapter 31

55.1K 2.2K 631
                                    





"I love you, ate Veronica."



****




Since the day I confessed to her, she has avoided me. I don't know if she's really avoiding me or natataon lang talaga na busy sya sa trabaho.

Nagrereply naman kasi sya sa mga texts ko. Tipid nga lang.

Gusto ko tuloy pagsisihan ang ginawa kong pag amin sa kanya. Wala nga syang sinabi sakin nung time na yon e. Tinitigan lang nya ako bago sya nagpaalam na aalis na sya.

Nagsimula na din ang ojt namin. Hindi pa din kami okay ni Felix kaya naman hindi kami parehas ng training area namin. Pero kahit na magkahiwalay kami ay wala padin syang palya sa panliligaw. Palagi padin akong may bulaklak na natatanggap o di kaya naman ay sweet na message sa umaga at gabi. Hayst.

"Psst! Tulala ka na naman."- sabi ni Fred nang maabutan nya akong walang ginagawa.

Magkasama kami sa ojt. Saka si Penelope na sobrang timid kong kaklase kaya naman ako lagi ang ginugulo nitong si Fred dahil hindi daw nya makausap yung isa.

"Bumalik ka nga sa pwesto mo Frederico."- nakasimangot na sabi ko sa kanya at bumalik sa pag aayos ng mga files.

He grimaced upon hearing his name. I bit my lower lip to stop myself from laughing.

"Panget mo ka bonding!"- sabi nya at iniwan na ako.

"Astig kasi ako, ikaw hindi."- pang aasar ko pa dito at hindi na sya pinansin pa.

Muling bumalik ang makulimlim kong mood habang nag aayos ng mga papers. Kung makikita nyo ako ngayon para akong robot. Gawa lang ng gawa pero walang reaksyon. Sana talaga hindi nalang ako umamin!

Nang makauwi ako sa bahay ay hindi nako nag abala muna na mag tingin ng phone. Naglinis lang ako ng katawan at nahiga.

Ginising lang ako ni mama nuong oras na ng dinner dahil may bisita daw kami.

Ewan ko ba pero bigla nalang akong kinabahan dahil duon.

Matapos kong makapagpalit ng maayos na pambahay ay bumaba na ako.

Napahinto ako sa pagpasok sa kusina nang makita ko ang pamilyar na pigura nayon.

Kausap nito si Papa. Hindi ko alam pero parang gusto kong umiyak sa mga oras nayon. Gusto kong tumakbo palapit sa kanya para lang hawakan kung totoo ba sya o baka nag iimagine na naman ako.

Napansin naman ako ni Papa at tinawag ako.

"Say hi to your ate Ophelia, Gwen."

Dumako sa babaeng nakaupo ang mga mata ko. Nakasuot pa sya ng pang opisina. Halatang napadaan lang talaga dito samin.
Bakit kaya?

Hindi ko sinunod ang sinabi ni Papa na mag hi dito. Bagkus ay nginitian ko lang ito ng tipid at tahimik na akong naupo sa pwesto ko.

Nagsimula na kaming kumain nang makaupo na din si Mama sa tabi ko.

"How's Felix?"- tanong ni Papa

Napatigil din ako sa pagsubo at saglit sumulyap kay ate Veronica na kanina pa yata nakatingin sakin.

"He's busy with his ojt, Sir."

Binawi ko ang tingin ko sa kanya at yumuko nalang. Nahihiya kasi ako kapag naaalala ko na umamin na ako sa kanya tapos wala manlang syang reaksyon.

"Ito nga din si Gwen. Akala ko pa nga magkasama sila ni Felix sa training at palaging may ——"

Siniko ko naman si Mama, alam ko kasi na sasabihin nya yung tungkol sa mga bulaklak.

His Ate ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon