It's raining hard. Buti nalang wash day ngayon. Hindi hassle ang pagkilos.Sumilong muna ako dahil wala akong dalang payong. Dismissal time na kasi kaya madami din akong kasabay na estudyante.
Mapapasanaol kana lang dun sa mga magka share ng payong.
"Gwen!"
Nakarinig ako ng mumunting tilian dahil sa paglapit sakin ni Felix. May dala itong folding umbrella at nakangiti nyang inabot sa akin iyon.
"Anong trip mo?"
"Payong mo. Alam ko kasi na wala kang dala e."
"E ano naman? Titila din to."- tukoy ko sa ulan na ang lakas ng buhos.
Hindi naman sa nagpapakipot ako dito pero kasi ayaw ko ng makaabala pa. Saka hindi ko na din kasi maintindihan yung sarili ko kung bakit naiilang na ako kapag sweet si Felix.
"C'mon take it. Gusto ko pa nga sana na ihatid ka pero kailangan ako sa student council e."- nanghihinayang na sabi nito.
Oo nga pala. President sya. Naks, hard working po ang crush ko.
Tinanggap kona lang yung payong.
"Felix!"- nakasimangot na sabi ko at tinulak ito ng bahagya dahil ginulo lang naman nya yung buhok ko.
"Mag iingat ka ha. Text me when you get home okay?"- nakangiting sabi nito at umalis na.
Napalingon naman ako sa mga freshmen na nakatingin din sa gawi ko. Nang mapansin nila na nakatingin ako sa kanila ay kanya kanya silang balik sa pag uusap nila.
Hayst, mga bata nga naman.
Tinanggal ko na ang pagkakatali ng payong. Handa na sana akong sumugod sa ulan kung hindi ko lang napansin ang pigurang papalapit sa amin.
Veronica Ophelia Beaufort is walking towards us with a stoic expression on her beautiful face.
Para itong pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa dilim ng aura nito. Nakikisabay sa panahon.
Kusang humawi ang mga estudyante nang dumaan sya. May ilan pa na binati sya at pasimpleng kinuhaan sya ng litrato.
She stopped right in front of me, and I just gulped when her cold eyes found mine.
Anong problema nito?
"G-gusto mong payong?"- aligagang tanong ko dito.
Dahan dahan tumaas ang kilay nito habang naka cross ang mga braso.
"I mean.. ano po--"
She chuckled, earning gasps from the students around her. Well, I couldn't blame them. She's so pretty, kasi.
"Can I? Just until we reach our car."
"Opo."- mabilis na sabi ko.
Napalunok nalang ako ng tumabi ito sakin at sabay na kaming lumakad.
Kita ko pa ang inggit sa mata ng ibang nalalagpasan namin. Lalo na yung mga mga lalaki.Lah, inaano ko ba sila?
"B-bakit ka po huminto?"- takang tanong ko.
Sinundan ko ng tingin ang tinitignan nya.
Yung balikat ko na natutuluan pala."Basa kana."- mahinang sabi nya.
Pinamulahan naman ako ng mukha. Bukod kasi sa ang cute ng pagtagalog nya e iba pang meaning yung pumasok sa isip ko. Nakakahiya lang.
"Okay lang po ako. Tara na po."- sabi ko nalang at tinuon ang mga mata sa daan.
Pagkadating namin sa parking lot ay lumipat na sya sa payong na dala ng driver nya.
"Sige po. Ingat po kayo ma'am."
"I told you to call me Veronica, didn't I?"- medyo masungit na sabi nya.
"We're still in school. So allow me to pay respect po."- alanganin na sabi ko at ngumiti pa.
"Get in."
"Po? Naku wag na po."- mabilis na tanggi ko nang ma realized na gusto nya akong pumasok sa kotse.
She cross her arms again. Feeling ko nga nangangalay na yung driver nya kakahawak sa payong e.
"Paying respect to me means saying yes to me, Miss Dezmond."
Hala ang daya nya! Kinagat ko nalang ang inner cheek ko bago pumasok sa kotse nya.
Feeling ko kasi wala din syang balak umalis hangga‘t hindi ako nasakay e.Nang maisara na yung pinto ay dumoble na lalo ang kaba na nararamdaman ko.
The inside of her car smelled like her. Sweet and enticing.
I jolted when I felt her hand touch mine accidentally. So in order for me to not feel her skin, I chose to put my hands on my lap.
"Where do you live?"- she asked after a moment of silence.
"Sa bahay po."
She slowly turns her head to my side. Hindi
yata nagustuhan ang sagot ko. Nag peace sign naman ako kaagad. Sinabi ko na din ang address ko para mahinto na ang pagtingin nya sakin."I didn't know you loved cracking a not-so-funny joke."- parang tinatamad na sabi nito.
"Hindi naman po joke yon."- nakangusong sabi ko at tumingin sa labas.
"Oh really? I thought you were making fun of me."
"That's not true. I'm just answering your question."- nakalingon na sagot ko dito.
Para akong kinapos nang hininga nang ngumiti ito habang nakatitig sa unahan.
"Okay, stop being defensive."- dagdag pa nya at saglit akong sinulyapan.
Nakipag inner battle nalang ako hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay.
Medyo umaambon nalang naman kaya hindi na ako nagpayong.
Yumuko ako saglit nang bumukas ang bintana sa tapat nya.
"Thank you po sa paghatid, Ma'am."
Tinignan nya saglit ang bahay namin bago dumako sa mukha ko ang tingin nya.
"Can you come closer?"
"Bakit po? May dumi po ba ako sa mukha?"- tanong ko pero lumapit padin.
Napaawang ang labi ko nang bigla itong ngumiti. Labas yung mapuputi at pantay pantay nitong ngipin.
"You're so.. gullible."- she said, loud enough for me to hear.
Ano daw? Ako uto uto?
"Hin--"
Napangiwi ako na ikinangiti na naman nya bago tinulak ng hintuturo ang noo ko para lumayo ang mukha ko sa kanya.
"You made my day, Gwen. Goodbye!"
Hindi nako nakasagot pa dahil sinara na nya yung bintana at umalis na nang tuluyan ang kotse.
Unbelievable!
Napabulanghit nalang ako ng tawa habang pinapakalma ang puso ko. Grabe na ha! Hindi nako natutuwa sa kakatambol mo.
Pumasok ako sa bahay na may munting ngiti sa labi.
Salamat sa payong ni Felix.
Speaking of that handsome, I still need to text him pa pala.
Matapos ko na ma itext ito ay uminom muna ako ng tubig bago pumanhik sa itaas para makapagpalit na ng damit.
Bukod kasi sa nanlalagkit na ako e basa pa yung kabila kong balikat. Kapag ako naging mayaman magpapagawa ako ng payong na kasya dalawang tao yung tipong hindi sila mababasa kahit malakas yung ulan.
But realization hit me. I haven't experience sharing an umbrella with Felix. Minsan ko na nga lang maranasan sa ate pa nya. Di bale may susunod pa naman siguro.